Chapter 08

2346 Words
Rio’s POV Maaga akong pumasok kinabukasan dahil ihahatid ko muna si Nathalia sa kaniyang karate lesson bago sa UP university. 11AM pa naman ang kaniyang klasi. Kaya kahit wala akong naging maayos na tulog kagabi ay nagawa ko pa rin gumising ng maaga. Pagkauwi ko kahapon ay kaagad akong pumunta sa base namin dahil ipinatawag ako ni Chef Alvarez na huwag muna pumunta sa Bulacan. Namataan raw kasi ni Garon na may sumusunod sa kaniya kaya nagtago muna ito at hihintayin na lang raw namin na kumalma ang sitwasyon. Alam kong marami rin tauhan sina Don August at ang kaniyang kaibigan na pasekretong nag-iimbestiga. Duda na ako roon kaya palagi akong nag-iingat. Pinag-aaralan ko na rin ng maigi gabi-gabi kung sa anong paraan namin maisasara ang mga illegal na negosyo ng magkakaibigan. Mas maigi na rin ang handa kaya naman kailangan kong matutunan ang lahat bago nila matuklasan kung sino ako at anong tunay kong pakay. Malalim akong nag-iisip habang nakasandal sa hood ng sasakyan. Tatlumpong minuto na ako rito pero hindi pa rin lumalabas si Nathalia. Naalala ko pang nakasimangot iyon sa akin kagabi at ayaw raw akong makita. Pero pagkauwi ko palang sa penthouse ko kahapon ay kaagad akong nakatanggap ng mensahe mula sa kaniya na pumasok ako ng maaga dahil may karate lesson raw siya. Napangiti ako. Mga babae nga naman, mga duyan ang isip. Pinagkrus ko ang kamay sa bandang dibdib ko. Tumitig ako sa sahig pero parang mukha ni Nathalia ang nakikita ko ngayon. Ipinilig ko ang ulo, ano bang nangyayari sa akin? Napangisi ako nang mapagtanto kong imahenasyon lang pala iyon at sadyang nababaliw lang ako. “Good morning.” Kaagad akong napaangat ng tingin nang may bumati sa akin. Nagtatalon ang puso ko sa tuwa nang makita ang mukhang kagabi ko pa iniisip. Nakasuot siya ng black leggings at black fitted t-shirt. Nakasuot ng puting sapatos, bumagay iyon sa kaniya. Bakit ba napakaganda niya? Ako lang ba ang nakakapansin nito? Dahil simula ng mamasukan akong personal bodyguard niya ay wala pa akong nababalitaan na nanliligaw sa kaniya. Minsan ay natatanong ko na rin ang sarili ko kung bakit sa isang nineteen years old pa ako nahuhumaling samantalang napakaraming babae nang dumaan sa buhay ko. Tumango ako kaniya. Kaagad kong binuksan ang pinto sa likod upang makapasok siya. Nang hindi siya kumilos ay napatingin ako sa maganda niyang mukha. “May problema ba Miss?” tanong ko. Nagtataka ako dahil para itong walang balak na pumasok sa loob at nakatingin lang sa akin. Ano bang iniisip niya? Namaywang siya sa harap ko. Patapon niyang inihagis sa backseat ang kaniyang sling bag at laptop. Ibinalik niya ang paningin sa akin. Naniningkit ang magaganda niyang mga mata na nakatitig sa akin. Kumunot ang noo ko. Ano na naman ba ang problema niya at bigla-bigla na namang nagkakaganito? Napailing ako nang hindi siya sumagot. “Hindi pa ba tayo aalis?” ulit kong tanong. Ang hirap talagang kausap ang mga babae. Tupakin at paiba-iba ang mood. Para bang dual lang na simcard ng cellphone. “Sa. Harap. Ako. Uupo!” mariin niyang sabi. Problema neto? Kung kanina ay maganda ang bungad sa akin bakit ngayon ay galit na. Kaagad akong tumango sa kaniya. Nang talikuran ko siya upang pagbuksan sa front seat ng sasakyan ay bahagya kong itinago ang pagnginti. Tahimik siyang pumasok sa sasakyan. Pagkatapos kong isara iyon ay kaagad akong umikot sa kabila at pumasok sa driving seat. Balak ko ng buhayin ang makina ng sasakyan nang mapansin kong hindi na naman niya ikinabit ang kaniyang seatbelt. Ang tigas ng ulo ng babaeng ‘to! Hindi na siya bata para maging malimutan o baka sadyang sinasadya lang niya ito para pahirapan na naman ako. Malalim akong bumuntonghininga. Nahuli kong napalunok siya nang ilapit ko ang mukha sa kaniya at inabot ng kaliwang kamay ko ang dulo ng seatbelt. Magaan na ikinabit ko sa kaniya. “Palagi mong kinakalimutan ang maglagay ng seatbelt. Hindi ka safe sa harapan kapag wala kang seatbelt,” mahina kong sabi. Inirapan lang niya ako at hindi sinagot. Tahimik kong pinaandar ang sasakyan dahil wala pa siguro siya sa mood upang kausapin ako. Nang nasa highway na kami ay mabilis ko siyang nilingon. “Gusto mo ba ng music?” alok ko sa kaniya. Imbes na sumagot ay siya na ang kusang nag-on ng music. Nilagay niya iyon sa kaniyang paboritong musika. ‘Just walk away-by Celine Dion’ palagi ko siyang nahuhuli na nagpapatugtog na ganitong kanta. “Paborito mo ba si Celine Dion?” ulit kong tanong. Tumango lang siya sa akin at pinagkrus ang mga kamay. Pambihira naman oh. Hindi ako sanay na nanlalamig siya sa akin. Siya nga ang palaging madaldal sa tuwing magkasama kami sa loob ng sasakyan. Binasa ko ang labi. Inangat ko ang kamay at inabot ang isang kamay niya. Bahagya pa itong nagulat dahil sa ginawa ko. Ito ang unang pagkakataon na intensyon kong hinawakan siya sa kamay. Pinagsiklop ko iyon sa mga kamay ko at hinaplos ng daliri ko ang mga daliri niya. Ang mga mata ko ay nakatutok lang sa kalsada habang pinagpapatuloy ang ginagawa sa mga daliri niya. Hindi siya kumawala sa pagkakahawak ko sa kaniya kaya naman sapat na iyong sagot para sa akin. Tahimik naming narating ang malaking gymnasium kung saan siya nagpa-practice. Sinamahan ko siya sa loob at tahimik na pinanood sa ‘di kalayuan. Ito ang unang beses na mapapanood ko siyang nagpa-practice. Nang makita ko ang mga moves niya ay napahanga niya ako. Sapat na para maprotektahan niya ang sarili niya. Magaling siya kumpara sa iba. Tahimik lang akong habang pinagmamasdan siya hanggang sa matapos ang kanilang practice. Nilapitan niya ako kaaagad ng matapos siya. Basa ng pawis ang buong mukha niya, ang damit ay basa na rin sa bandang dibdib niya. Kinuha niya ang itim na bag sa gilid ko. Siguro ay personal niyang gamit ang mga laman noon sa loob. “Magbibihis muna ‘ko,” humihingal niyang sabi sa akin. Tumango ako sa kaniya. Kaagad siyang pumunta sa lady’s room upang magpalit ng damit. Nang lumabas ito ay nakasuot na ng uniforme. Ang uniformeng kinaiinisan ko dahil maiksi ang palda. Wala na bang sapat na tela ang gumawa nito at bakit napakaiksi? Kung pupuwede ko lang i-report ang nagtahi rito ay baka ginawa ko na at nang sa ganoon ay habaan na nila ang ginagawang uniformeng palda. “D*mmit!” bulong ko. Lumapit siya sa akin. Kinuha ko ang bag niya at ako na ang nagbitbit. “Anong gagawin mo after work mo?” tanong niya. Aba kinausap na ako. Magtatalon na ba ako sa tuwa. Binalingan ko siya. “Iisipin ko pa mamaya. Bakit mo natanong?” “Isang subject lang kasi ang klasi ko ngayon. Gusto mo bang mag-bar?” aya niya. Okay. Game ako sa ganiyan lalo na at siya ang nagyaya. “Pag-iisipan ko,” kunwari ko. Alam ko naman sa sarili ko na gusto ko siyang nakikita palagi. “Paano mo nga pala nakilala si Logan Treveno?” tanong niya. Bigla akong kinabahan. Nag-uumpisa na ba siyang mag-imbestiga. Hindi ka NBI agent Nathalia. Huwag ka nang maghalungkat ng impormasyon dahil wala kang malalaman tungkol sa akin. Seryoso ko siyang sinagot. “Isang beses ko siyang natulungan noon at naging magkaibigan na kami simula no’n,” pagsisinungalimg ko. Isang beses na kasi niyang nakita ang mga kapatid ko noong magyaya si Kuya na iinom kami dahil welcome party ni Logan sa bagong bukas niyang bar. Tumango siya sa naging sagot ko. “Okay. Let’s go there tonight,” sabi niya. Hindi naman siya pinagbabawalan ni Don August na mag-bar basta’t may kasama siyang bodyguard at kasama na rin niya palagi ang dalawa niyang kaibigan. Nang marating namin ang UP university ay nagbilin siya sa akin na hintayin ko raw siya dahil isang oras at kalahati lang ang kaniyang klasi. Tumango na lang ako at pinatay ang oras kong paghihintay sa kaniya sa loob ng sasakyan. Nakinig ako ng musika at nagbukas ng socmed. Bihira ko lang ito nabubuksan simula ng maging abala ako sa trabaho ko. At syempre ibang user name ang pangalan ko sa account ko. Binuksan ko iyon at nilagay sa search. Tsaka ko lang na-realize ang ginagawa ko ng mailagay ko na ang buong pangalan ni Nathalia sa search at napindot ko na iyon. Lumabas kaagad ang buong pangalan niya. Matagal kong tinitigan ang kaniyang litrato sa profile. Ang simple niya at inosente. Nangingiti na lang akong hinaplos ang screen ng cellphone ko at wala sa sariling napapikit. (Taguig, L.C club) Maingay at marami na ang tao ng dumating kami ni Nathalia. Ang mga kaibigan niya ay nauna raw ito at mukhang close na rin si Logan kay Allison. Napangisi ako at pilit na binubura ang mga imahenasyon sa utak ko na hindi pa nabubuo. Nakasuot si Nathalia ng simpling black dress, mahaba iyon at mahaba na rin ang mangas. Panatag na ako at hindi na mauulol. Nauna siyang naglakad habang tahimik akong nakasunod sa kaniya. Kaagad namin nakita ang table ng mga kaibigan niya. Kinawayan pa ako ni Logan nang makita kami sa entrance. Apat silang nakaupo sa table. May isang lalaki na hindi ko kilala. Agad na tumayo si Logan at kinamayan ako. Best actor talaga ang bunso namin. Nagagawa niyang maging formal sa akin kapag kasama ko ang amo ko. “Nice to see you here again, Rio.” Muntik na akong mabulunan sa sinabi ng kapatid ko. Aba’t ibang-iba siya kung magsalita. Para lang akong malapit niyang kakilala o kaibigan. Napailing ako sabay ngisi sa kaniya. “Salamat Mr. Treveno.” Diniinan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. Ramdam na ramdam niya iyon dahil kumunot ang noo. Muli akong napangisi, kung hindi ko lang kasama si Nathalia ay baka nakatanggap na naman ako sa kaniya ng malulutong na mura. Tahimik akong umupo sa tabi ni Nathalia. Pansin na pansin ko naman ang mga titig ni Allison sa akin na para bang anomang oras ay lalapain niya ako. Hindi ko iyon pinansin bagkus ay tinanong ko si Nathalia kung anong gusto niyang inumin. Hindi rin kami magtatagal rito dahil kabilin-bilin ni Don August na umuwi ng maaga ang anak niya. “Gusto mo ba ng cocktail juice?” mahina kong tanong kay Nathalia. Tumango siya sa akin. Kaagad naman na kinawayan ni Logan ang waiter at agad na sinabi ang iinumin na order ko. Sina Allison at Hira at ang isa pa nilang kasama ay umiinom na ng beer. “Why don’t you drink beer Nats?” nakangising tanong ni Allison kay Nathalia. Umiling si Nathalia sa kaniya. Ang musika ay nilalamon na rin ang mga salita namin dahil sa sobrang lakas nito. “No Alle, thanks!” sagot niya sa kaibigan. “Oh…come on!” ulit niya. Itinaas pa ang beer at bahagyang ginalaw-galaw ang katawan dahil sumasabay ito sa music. Hindi niya napilit si Nathalia. Pero pansin kong nakatingin ang isang lalaki na kasama namin kay Nathalia. Kumunot ang noo ko. Napansin ni Logan ang paninitig ko sa lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila pinapakilala sa akin. Tahimik itong umiinom na para bang pasan ang mundo. Malaki ang katawan at hindi maipagkakaila ang taglay na kaguwapuhan. “Anyway Rio. He’s Lucas Feorenza.” Pormal na ipinakilala sa akin ni Logan ang katabi niyang lalaki. Sandali, Feorenza? Kilala ko ang last name na iyan. Isa rin sa mayaman dito sa bansa. Inangat niya ang isang kamay at inilahad sa akin. “Nice to meet you Rio. I’m Lucas.” Pakilala niya ulit sa sarili. Kaagad kong tinanggap ang kamay niya. Wow! Magkasing gaspang lang yata ang mga kamay namin. Sa tingin ko ay hindi ito nagtatrabaho sa opisina kung hindi sa outdoors ang trabaho. Mukhang makakasundo ko ito kung magkataon. “Rio Santos. I’m glad to meet you,” sagot ko. Nginisihan niya ako. Hindi ko mawari kung dahil ba sa last name o ano? Nginisihan ko siya pabalik. Pero nang tingnan naman niya ulit si Nathalia ay naalarma na ako. Hindi ba puwedeng kina Hira at Allison na lang niya ituon ang paningin. Nakakainis na. Sinubukan niyang kausapin si Nathalia ngunit binabara ko siya. Kaya sa huli ay kina Allison at Hira na lang siya nakipagbiruan, pero nang madako ang tingin ko kay Logan ay ngising aso itong nakatingin sa akin. Alam ko na ang nasa isip niya. Tahimik kaming nagkuwentuhan nina Lucas at Logan, ang mga babaeng kasama naman namin ay nagkukuwentuhan na rin kahit pa malakas ang music. Nang may mga dancer na ang sumayaw sa gitna ay muling umingay. Ang mga lalaking umiinom sa ‘di kalayuan na table namin ay nagsipalakpakan. Iyong iba pa ay sumisigaw. Nakakabingi sa tainga ang sigaw ng mga tao. Mga lasing na yata ito lalo na ang grupo ng kalalakihan. Nang patugtugin nila ang kantang, Romantic ‘L’Amour Mix’ by GIGI D’AGOSTINO ay mas lalong umingay. Ito ang pinakagusto kong tugtog rito sa bar ni Logan, mapapasayaw ka talaga ng wala sa oras. Natatawa pa ang mga kasamahan ko nang makita ang grupo ng kalalakihan na nagsitayo at sumabay sa mga dancer. Sumayaw sila sa gitna na para bang mga ligaw. Nag-ingay lalo mula sa tawanan at palakpakan. May isa pang lalaki na lasing na lasing pero pinipilit pa rin sumasayaw. Napapailing na lang ako habang pinagmamasdam ang lalaking iyon. Ngunit nagulat kaming lahat nang may isang lalaking nilapitan ang isang dancer at hinawakan siya sa dibdib ng walang pakundangan. Kaagad tinanggal ng dancer ang kamay ng lalaki na nakahawak sa dibdib niya at malakas itong sinampal. Napaigik ang lalaki at muntik ng mapasobsob sa sahig. Naalerto kaming lahat. Nagsitayuan na rin kami nina Logan at Lucas. Sina Nathalia naman ay sinabihan kong huwag silang aaalis sa kinauupuan nila. Pilit na tumayo ng maayos ang lalaki. Kakagad niyang dinuro ang dancer at minura. “P-p*tang ina m-mo! P-pokpok ka!” Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi ng lasing na lalaki. Inilang hakbang ko ang kinaroroonan nila at kaagad na hinablot ang lalaking lasing at itinanim ko sa mukha niya ang nagagalit kong kamao!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD