Chapter 09

2059 Words
Rio’s POV Narinig kong tumili ang mga kababaihan na nasa paligid namin. Nang tumama ang nagagalit kong kamao sa mukha ni lasing na lalaki ay kaagad itong humadusay sa sahig. Duguan ang ilong at putok ang labi. “Ahg!” hiyaw niya. Pilit na sinasapo ang duguan niyang ilong. Imbes na magalit pa ako lalo at durugin siya ulit ay bigla akong naawa. Wala rin palang kalaban-laban at ibubuga. Uminit lang ang dugo ko kanina ng tawagin niyang pokpok ang babaeng dancer. Lahat ng dancer sa bar ni Logan ay legal na nagtatrabaho, kaya anong karapatan niyang hawakan ito sa dibdib na labag sa kaniyang kalooban at tawaging pokpok. Hindi na nakalapit sina Logan at Lucas dahil mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa kong hakbang. Inilibot ko ang mga mata sa paligid. Lahat ng kababaihan ay nakaawang ang labi na nakatingin sa akin. Ang iba naman ay namimilog ang mga mata habang nakatakip ang kamay sa bibig. Ipinag-utos ni Logan sa security niyang pumasok na dalhin sa ospital ang lalaking lasing. Kaagad naman itong dinamayan ng dalawang guard at inilabas para madala sa pagamutan. Pinatay na rin ang music. Tanging buntonghininga na lang ang naiwang ingay sa paligid. Lumingon ako ulit sa table namin. Nahagilap ng mga mata ko sina Allison at Hira na tila namamalikmata. Nakaawang ang mga labi na nakatingin sa akin. Samantala si Nathalia ay kalmado lang itong nakaupo at nakatingin na rin sa akin. Nang ihakbang ko ang mga paa upang bumalik na sa aming table ay biglang may humablot sa akin at tinamaan ako ng kamao sa mukha. “Rio!” tili mula kay Nathalia. Hindi ko na siya natingnan dahil bigla akong nahilo. Napaigik ako sabay sapo sa mukha. Pagtingin ko sa likuran ay nakita ko ang apat na lalaking nakatayo at balak akong atakihin. Sila ang lalaking grupo kanina na umiinom at kasamahan nila iyong binugbog ko. Nagkagulo ang paligid. Ang ibang tao ay pumunta sa counter na tila ginawa nilang shield iyon para magtago. Naiwan kaming lima sa gitna. Tanging mga lamesa lang at upuan ang naging karamay namin roon. Nabigyan kami ng malaking espiya. Kaagad akong sinugod no’ng apat na lalaki. Sina Logan at Lucas naman ay dinamayan ako at nakipaglaban na rin. Maraming baso ang nagsilaglagan at naglilikha pa iyon ng ingay sa tuwing dumadapo sa sahig at nababasag ng tuluyan. Ang mga lamesa naman at mga upuan ay umuurong at natutumba dahil tumatama na rin roon ang mga sipa namin. Hindi kami tumigil sa naganap na rambulan. Mukhang magagaling rin sa suntukan itong mga nakakalaban namin. Nagagalit akong hinawakan sa braso ang isang lalaking umataki sa akin at pabalang ko siyang hinapas sa ibabaw ng lamesa. Nahati sa dalawa ang lamesang gawa sa kahoy. Gusto ko pa siyang tadyakan nang mahagilap ng mga mata ko ang isang lalaki na binuhat ang upun at balak ipalo sa likod ni Logan. Binitiwan ko ang lalaki hinampas ko at inilang hakbang ang kinaroroonan nila Logan at kaagad kong tinadyakan sa likod ang lalaking balak pumalo sa kaniya. “Anak ng p*ta!” bulyaw ko sa lalaki. Sinipa ko siyang muli kaya napasandal naman ito sa gilid ng sofa kung saan nakaupo sina Nathalia. Malakas na tumili sina Hira at Allison. Nagsitayo sila at nagtago sa likuran ni Nathalia. Nilingon ko si Lucas, abala rin ito sa pakikipagsuntukan sa isang barumbadong lalaki. Nahagilap ng mga mata ko iyong lalaking hinapas ko sa lamesa na pilit na tumatayo. Hindi ko siya binigyan ng pansin dahil inataki na naman ako ng isa pang barumbado. Bruskong moreno na malaki ang katawan. Magkasing laki lang yata kami kaya nahihirapan akong buhatin siya para ibalibag. Tumama ang sipa ko sa dibdib niya pero hindi ito natinag. Ang ibang kalalakihan sa loob ng bar ay para itong nanonood ng pelikula. Hindi kami dinaluhan o tumawag man lang sila ng pulis. Nag-umpukan sila sa gilid ng counter at doon nagsisiksikan. Nilapitan ako ng bruskong lalaki upang tadyakan ngunit nailagan ko iyon. Muli kaming nagsuntukan. Manhid na rin yata ang mukha ko dahil pakiramdam ko ay hindi ko na nararamdaman ang kamao niya sa tuwing tinatamaan na rin ako. Tumili si Nathalia kaya tinamaan ako ulit ng kamao ni lalaking brusko. “Rio nasa likod mo!” sigaw ni Nathalia. Abala ako sa pagdedepensa sa sarili kaya naman hindi ko na nalingon pa ang sinasabi ni Nathalia. Gamit ang lakas ko ay sinuntok ko sa mukha ang lalaking brusko at napaatras ito. Binalingan ko ang sinasabi ni Nathalia. May hawak na itong kutsiyo at nagagalit na lumalapit sa akin. Sa isang iglap ay nakalapit sa akin ang lalaking may hawak ng kutsilyo pati si Nathalia. Bigla akong kinabahan dahil nasa tabi ko si Nathalia at baka madamay. “Bumalik ka doon!” sigaw ko. Sinasabihan ko si Nathalia na bumalik sa dati niyang puwesto. “No! I will help you!” balik sigaw niya sa akin. Wala na akong nagawa ng humawak ito sa braso ko at iniangat ang mga paa. Kaagad na tumama sa lalaking may hawak na kutsilyo ang mataas ng takong ni Nathalia. Napaupo siya sa sahig at nabitawan ang kutsilyo. Tumilapon iyon sa gawi ni Lucas kaya naman kaagad niya iyong dinampot at ibinato sa nakatayong basurahan. “Rio sa kabila!” muling sigaw ni Nathalia. Hinawakan ko siya sa baywang at binuhat, pagkatapos ay inangat niya ang mga paa at tindyakan sa mukha si bruskong lalaki. Tumama sa mukha niya ang takong ni Nathalia at dumugo pa iyon. Napaupo siya sa sahig sabay sapo sa duguan noo. Malutong na nagmura. Ispirito na yata ng alak ang gamit nilang lakas kaya ang hirap nilang ipatumba. Tinulungan namin sina Logan at Lucas. Nilihis ni Nathalia ang kaniyang long black dress at tinulungan si Logan. Pinagsisipa niya ang lalaking umaataki kay Logan hanggang sa nawalan iyon ng malay at napahandusay sa sahig. Ang galing talaga ng Nathalia ko pagdating sa karate. Nilapitan ko rin si Lucas at tinulungan ipatumba ang lalaking umaataki sa kaniya. Nang maipatumba namin silang lahat ay tsaka pa dumating ang pulis. Maingay ang sinena ng pulis car sa labas. Kaagad na pumasok ang apat na pulis at pinagbibitbit ang apat na lalaking nakahandusay sa sahig. Nagpasalamat si Logan sa mga pulis at humingi na rin ng despensa dahil sa nangyari. Siya ang may ari ng bar kaya naman responsibilidad pa rin niya ang lahat. Humingi na rin siya ng despensa sa mga dancer sa club niya at sinabihan ang mga costumer na time out muna ngayon dahil sa nangyari. Nagsiuwian naman silang lahat. Kaming anim lang ang naiwan sa loob bukod sa DJ at sa waiter. Lahat kaming tatlo ay may putok sa labi. Kaagad na kumuha ang lalaking waiter ng yelo at face towel. Inilapag niya iyon sa mesa. Nagsimula silang magligpit ng kalat sa sahig. Karamihan ay basag na baso. “Akin na,” sabi ni Nathalia. Balak ko ng ilapat sa mukha ko ang yelo ng kunin niya iyon sa kamay ko at siya na ang kusang naglapat. Napapikit ako sabay kagat ng ibabang labi. Tang-ina naman ang hapdi! Walang kasing hapdi. Nangingiti si Logan habang nakatingin sa amin. Tinulungan na rin siya ni Allison. Si Luacs naman ay nagsolo gawin ang paggagamot sa sarili. Tahimik lang si Hira sa may gilid. “Muntik na tayo doon ah, mabuti na lang at nandito kayo ni Lucas,” sabi ni Logan. Natatawa pa ito kahit na putok na ang labi. “Yeah. Dammit man! Ito ang una kong pagbisita rito sa bar mo at naparambol pa ako. Gago andito ako sa maynila para magbakasyon at hindi para makipagsuntukan,” seryosong sagot ni Lucas. Napangis si Logan. “Sorry man. Hindi ko naman akalain na magiging ganito.” Pinaglipat-lipat ko sila ng tingin. Natatawa na rin ako dahil sa sinapit namin. “Masamang impluwensya kahit kailan si Logan,” singit ko. Tinawanan niya ako. “Ang galing-galing mo nga papa good boy.” Tumawa ang mga nakarinig. Napangisi na rin ako ulit. Nang diinan ni Nathalia ang yelo sa labi ko ay bigla akong napaigik. “Dahan-dahan lang naman Miss.” “Hindi ko sinasadya,” seryoso niyang sagot. Pinagtawanan kami nina Logan at Lucas. Si Allison naman ay kusa nang ipinaubaya kay Logan ang yelo at tahimik na umupo sa tabi ni Hira. Kinuha ko ang yelo kay Nathalia at nilingon ko siya. Kaagad na nagsalubong ang mga mata namin. Napalunok ako dahil para akong nakukuryente sa mga titig niya pa lang. “Sinadya mo…may hinanakit ka yata sa akin?” mahina kong tanong. Muli silang nagtawanan. Nang lingunin ko ulit si Nathalia ay masama na itong nakatingin sa akin. Kaya naman para makaiwas ay natatakot akong ibinaba ang tingin at nag-focus na lang sa paggamot sa putok kong labi. Muling natahimik. Inangat ko ang tingin kay Logan. “Anong balak mong gawin sa mga dodong na ‘yon?” seryoso kong tanong. Bored niya akong tiningnan, pagkatapos ay ibinalik ang yelo sa gilid ng labi. “Pag-iisapan ko pa,” sagot niya. Bumuntonghininga pa ito at pinagpatuloy ang pagdampi ng yelo sa kaniyang putok na labi. “Pasinsiya kana pala pare,” baling ko kay Lucas. Tiningnan niya rin ako tsaka tumango. “Nasangkot kapa dahil sa akin.” Ngumisi siya sa akin, pagkatapos ay nagkamot ng kilay. “Okay lang ‘yon. Sabihin na lang natin na kailangan na rin nating mabinat paminsan-minsan,” nakangisi rin niyang sagot sa akin. Tiningan niya si Nathalia. “Mukhang wala tayong panama sa martial arts ng lady boss mo, Rio.” Ibinalik niya sa akin ang mga mata pagkatapos niya iyon sabihin. Tumango ako sabay ngisi. Tatagal pa yata ang ngisi ko nang maramdaman ko na naman ang kamay ni Nathalia sa may likod ko at madiin akong kinalmot. Ang tulis talaga ng kuko. Kunot ang noo kong nilingon si Nathalia. Nginitian niya ako pero ang mga kuko niya ay parang bumaon na yata sa aking balat. “Siya nga pala Logan. Hindi na kami magtatagal. Ikaw na ang bahala rito sa nasira kong mga gamit mo. Huwag kang mag-alala kakausapin kita sa mga sumunod na araw.” Tumawa siya ng pagak. “G*go! Iiwanan lang ninyo ako rito,” sagot niya. Pinagsalubong pa ang mga kilay sa akin. Tumingin siya kay Nathalia. “Salamat nga pala Miss Nathalia.” Tumango sa kaniya si Nathalia at ngumiti. “Wala ‘yon. Pasinsiya kana rin,” hingin paumanhin rin niya kay Logan. Hinatid kami ni Logan sa labas. Sina Allison at Hira ay magkasama na ring umuwi. Tahimik lang kaming pareho sa daan habang mabagal akong nagmamaneho. Nang malapit na kami sa mansyon nila ay binasag ni Nathalia ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Rio. May kaunting pabor ako,” baling niya sa akin. Tumango ako. “Ano ‘yon?” mahina kong tanong sa kaniya. “Kung puwede sana huwag mo nang sabihin kay Daddy ang nangyari ngayon,” sagot niya sa akin. Tiningnan pa ako sa mga mata. Lumunok ako saglit, ang hirap magsinungaling kay Don August. Ilalagay ko lang sa panganib ang sarali ko. “Hindi ko maipapangako.” Malalim siyang bumuntonghininga. “Hindi na ako papayagang no’n mag-bar ulit kapag nalaman niya ito,” nakanguso niyang sabi. “Puwede akong magsinungaling pero ang mga kaibigan mo ay hindi,” sagot ko sa kaniya. “Sasabihin mo ba kay Daddy ang nangyari ngayon?” ulit niyang tanong. Tumingin siya sa akin at pinagkrus ang mga kamay sa ibaba ng dibdib niya. Binagalan ko ang pagmamaneho at iginilid ang sasakyan. Maaga pa naman at hindi pa kami gagabihin lalo kung kakausapin ko siya saglit. Tinitigan ko siya. Ang buhok niyang nakatali kanina ay nakalugay na ngayon dahil sa nangyari kanina. Panatag ang loob ko dahil wala siyang natamong galos kahit na tumulong ito sa pakikipaglaban kanina. Inangat ko ang kamay sa at hinawi ang ilang hibla ng buhok niya na nakatabon sa pisngi niya. Magaan ko iyong inipit sa likod ng tainga niya. Tang-ina! Huling-huli ko ang paglunok niya dahil sa ginawa ko. Ngunit hindi ko rin maipagkakaila ang malalim na damdamin ko para sa kaniya. Ito ay nakakabaliw! “Sabihin ko man o hindi ay malalaman niya pa rin…pero maniwala ka sa akin, kaya kitang protektahan sa kahit na kanino.” Bulong ko sa kaniya. Dahan-dahan kong idinikit ang labi sa ibabaw ng noo niya at matunog iyong hinalikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD