3rd Person POV Gamit ang malaking trucks ay agad na pinahatid ni Nicolla ang mga armas at druga sa kaniyang tinatagong bahay. Nagkuwari itong delivery ng mga kagamitan sa bahay. Ang anim niyang tauhan ay binilinan niyang huwag padalos-dalos at dapat mag-ingat. Madaling araw silang lumarga upang hindi gaano matao. Ngunit hindi nila akalain na ang team Agila ay nakasubaybay sa kanila. Nang nasa lilim na sila ay kaagad na binilisan ni Clark ang pagmamaneho upang sundan ang malaking truck. Halos tumalon na ang puso ni Garon at napakapit sa backseat ng kaniyang kinauupuan. "Pare. Dahan-dahan lang baka mabangga tayo," natataranta na sabi Garon. Ngumisi si Clark at sinulyapan si Rio sa backseat. "Pagsabihan mo ang kupal kong amo pare. Huwag ako," natatawa niyang sagot. Kumunot ang

