3rd person POV "Madame dumating na ang mga armas at druga na ipinadala nina boss Derek at Benjamin." Report ng isang tauhan ni Nicolla sa kaniya. Nasa loob sila ng kaniyang magarang opisina. Tiningnan siya ni Nicolla. "Huwag ninyo muna galawin. Hintayin ninyo ang signal ko bukas bago ninyo itago sa basement ng bahay ko. Dilikado pa tayo sa ngayon," seryoso niyang sagot sa tauhan. Matagal nang kakampi nina Derek at Benjamin si Nicolla nang pasekrito. Lingid rin sa kaalaman ng mga magulang ni Nicolla na gumagawa siya ng illegal na negosyo. "Ang sabi ni boss Derek ay naghihintay pa sila ng tamang panahon para makauwi na ng bansa. Pinasabi rin sa amin na ihanap sila ng puwedeng mapagtaguan," dagdag sabi pa nito. Tumango si Nicolla. "Ako na ang bahala diyan. Pero sa ngayon ay delika

