3rd person POV Dumaan ang mga araw na magkasama sa iisang bahay sina Rio at Nathalia. Ang ugali at pakikitungo ng binata kay Nathalia ay mas lumala pa. Palautos at laging nakasigaw. Mas domoble na rin ang pagsisikap ni Rio tungkol sa paghahanap kay Don August Pallis. Wala siyang sinasayang na araw at palaging nakikibalita sa mga lalaking kinuha niya upang hanapin sa buong Pilipinas si Don August. Naging malapit na rin siya lalo kay Nicolla upang kumuha pa ng mga impormasyon. At sa tuwing umuuwi namang galit ay palaging si Nathalia ang sumasalo ng galit niya. "Nathalia!" sigaw ni Rio. Nakaupo siya sa sala at nanonood ng balita. Muntik ng mabitawan ni Nathalia ang hinuhugas niyang plato. Katatapos lang nila mag-agahan at nagliligpit na siya. "Ano na naman kaya ang problema ng lala

