3rd person POV Lumipas pa ang maraming araw na madarang lang na nagkikita sina Nathalia at Rio. Pag-uwi ni Rio sa gabi ay tulog na ang dalaga at pag-alis naman nito ay tulog na tulog pa rin. Naging abala na si Rio sa mga hinaharap niyang trabaho. Lalo na at nalaman niyang nakalaya sa kulungan ang mga kalalakihan na kaniyang pinakulong dahil sa mga druga at armas na kanilang nakuha sa mga ito. Hindi mawari ni Rio kung sinong malakas na tao ang naglabas sa apat na lalaki sa kulungan. Baka may konektado na rin itong mga Pulisya at ganoon na lang kabilis napalaya. Parang si Gilbert lang. Hinampas ni Rio ang hawak na folder sa ibabaw ng kaniyang lamesa. Parang tumalon ang puso ni Clark dahil sa pagkagulat. "Dahan-dahan naman oh, tahimik akong nagtatarbaho rito," kunot noong sabi ni Cl

