Third Person POV Madaling araw pa lang ay nag-iimpake na si Rio. Tinawagan niya si Clark at ipinaubaya rito ang kanilang trabaho. Ang tungkol rin sa pag-iimbestiga sa grupo ng mga kalalakihan na nahulihan nila ng mga druga at armas ay ipinagpaliban muna niya. Gusto niyang umalis ng Maynila at dalhin sa tahimik na lugar si Nathalia lalo na ngayon na panay ang away nila. Ang kanilang piloto ay natawagan na rin niya at pinaghanda ito dahil lilipad sila sa Mindanao. Gusto niyang dalhin si Nathalia sa Cebu kung saan ang kanilang private resorts. Nang magising si Nathalia ay hindi muna ito bumangon. Pero ramdam niyang wala sa tabi niya si Rio. Baka nga hindi iyon natulog sa tabi niya, sa isip ni Nathalia. Matinding away ang nangyari sa kanila kahapon kaya hanggang ngayon ay masama pa rin an

