3rd person POV Naluluhang nakatayo sa harapan ng altar si Rio habang hinihintay ang asawang naglalakad papunta sa kaniya. Biglang bumulong ang luha sa kaniyang mga mata nang makita sa pintuan si Nathalia na nakahawak sa braso ng kaniyang amang si Connor Treveno. Nakasuot ito ng mamahaling gown na galing sa Dubai fashion designer. Ang paligid ay puno ng dekorasyon. Magarang kasalan ang magaganap ngayon dahil iyon ang hiling ng Mama Laila niya. Gusto niyang mabigyan ng magandang kasal ang anak nila. Ang mga panauhin ay pawang kakilala lang nila at kamag-anak. Sila Lola Dolores at ang dalawang magkapatid na sina Tim at Dew ay imbetado na rin. Ang dalawang kapatid ay pinagtatawan siya ng mga ito ngunit hindi na niya iyon nabigyan nang pansin dahil ang buong atensyon niya ay nasa kay Natha

