3rd person POV "Brill!" Isang tili mula kay Genson nang paluin siya ni Brill gamit ang hawak nitong plastic na spada. Naglalaro sila ng action games. May hawak rin na plastic na baril si Genson. Tumakbo si Brill sa gilid upang magtago ngunit sinundan siya ni Genson at kinalabit dito ang gatilyo ng plastic niyang baril kaya naman tumama sa noo ni Brill ang plastic bullet nito. Pumalahaw siya nang iyak kaya patakbong pinuntahan sila ng Daddy Rio nila. Tatlong taon pa ang mga ito pero alam na nila kung paano maglaro ng mga action scenes. "What happened?" kunot noong tanong ni Rio sa kambal. Galing ito sa loob ng library. Pinunasan ni Brill ang luha. "Genson shoot my forehead daddy...I'm h-hurt," naiiyak nitong sumbong. Pinigilan ni Rio ang tumawa. Iyan ang napapala nang makulit. Palag

