Chapter 18 - Strengths and weaknesses

2388 Words
Gaya ng sinabi ng mga magulang ni Enrico, sinundo nila si Lianne para ipapaternity test ang bata sa sinapupunan nito. Sinalubong sila ng matandang Dela Torre nang pumasok ang kanilang sasakyan sa drive way ng mansion ng mga ito sa San Ignacio. "Mr. and Mrs. Braganza, what a pleasant surprise? What brought you here in San Ignacio?" Bungad nito sa kanila. Alas otso pa lang nuon ng umaga at naghahanda na yata itong pumasok sa Kapitolyo. "Governor Dela Torre, we are here to pick-up Lianne." Tumango ito at pormal na tugon ng tatay ni Enrico sa matanda. "I see. I think she's still asleep but I'll have my assistant get her for you," tinignan niya lang ang tinutukoy na tauhan at agad namang tumalima ito. "Pababa na po si Ma'am Lianne, Gov," pagrereport ng nautusang assistant. "Hala, pakihintay na lang ang apo ko dahil papasok pa ako sa Kapitolyo." Tumango ang gobernador sa kanila saka sumakay sa sasakyan nito at mabilis namang pinaandar ng driver. Naiwan ang mga magulang ni Enrico sa puno ng ilang baitang paakyat ng b****a ng mansyon ng mga Dela Torre. Pupungas-pungas pa nung bumaba si Lianne at nilabas sina Mr. and Mrs. Braganza. "Can we go now, Lianne? My wife and I have more pressing matters to attend to." May awtoridad na sinatinig ni Mr. Braganza ang pagkadismaya nito. "Ang aga niyo naman kasi akong sunduin, puwede namang mamayang tanghali or after lunch na." Padabog pang sagot ng nakababatang babae sa mga kausap nito. "Iha, alam kong masarap matulog ngayon lalo at buntis ka, pero sana maintindihan mo na gusto naming matapos ito ng maaga para magkaalaman na." May himig ng lambing pero may bigat ding sagot sa kanya ng ina ni Enrico. "May magagawa ba ako, andito na kayo?" She rolled her eyes not minding who she's speaking with. She went down the steps and got into the car of the Braganza's. Mula sa mansion ng mga Dela Torre ay dumiretso sila sa St. Martin's Polyclinic and Laboratories. Ang clinic na ito ay nakatayo sa labas ng San Bartolome at San Ignacio. Maigi nang sa ibang lugar isagawa ang paternity test para hindi masabing may bahid ng impluwensiya ninuman sa kanila ang magiging resulta nito. Kung tuso si Lianne ay matatalino ang magulang ni Enrico. Alam nilang kahit paano ay maiimpluwensyahan ng kapangyarihan ng mga Dela Torre ang magiging resulta ng paternity test. Kaya naman hiniling ng mga ito sa kaibigan nilang head medical technologist sa laboratoryo na bigyan sila ng sample ng specimen at nagpaturo ng proper handling para madala ang DNA mula sa amniotic fluid sa sinapupunan ni Lianne patungo sa ibang laboratoryo sa Maynila for confirmation. Lumipas ang limang araw at lumabas ang resulta ng paternity test galing sa St. Martin's Polyclinic and Laboratories. Gaya nga ng inasahan nila ay lumabas itong 99.99% compatible sa DNA sample ni Enrico. Which the other report from the Makati Medical Center's result indicates 0.00% compatibility. Dahil may discrespancy sa results ay gustong ipaulit ni Enrico ang test at ang gusto nito'y sa laboratory na makakapaglabas ng resulta sa maikling panahon gawin ito at nakaharap ang lahat, mula sa partidos ni Lianne, si Enrico at ng mga magulang nito. Gusto kong sumama pero minungkahi ni Jerome na hayaan ang pamilya ni Enrico na harapin ang problema. Lumabas ang resulta sa ipinagawang paternity test ni Enrico at napatunayan nilang hindi siya ang ama ng bata. One step ahead sila kay Lianne sa bagay na ito, pero sino nga ba ang mag-aakala na sa paternity matatapos at maayos ang gusot. Dahil naghuhurumintado ang unica ija ng mga Dela Torre ay ginamit ng mga ito ang kanilang impluwensya at kapangyarihan para pabagsakin ang mga Braganza. Hindi sila nagtagumpay dahil pinaghandaan ng pamilya at mga kamag-anak ni Enrico ang posibleng mangyari kung hindi papabor sa mga Dela Torre and resulta ng pagsusuri. Desperada na si Lianne, wala daw itong gustong makasama habang buhay kung hindi si Enrico lamang. Mula sa pagkakalugmok sa kahihiyang dulot ng apo nila at ng ginawang pagpapahiya ng mga Braganza sa kanilang prinsesa ay binuo ng mga kapatid at mga pinsan nitong mga lalake na panagutin si Enrico sa lahat ng hindi magandang publicity sa kanilang pamilya. Ang mga tao sa San Ignacio ay natuwa dahil minsan may isang matapang na pamilyang kumalaban sa makapangyarihang angkan ng mga Dela Torre. Ngunit nangangamba din ang mga ito sa maaring mangyari sa mag-anak na ito. Alam nila kung paano trumabaho ang magpipinsang Dela Torre at mga galamay ng mga ito. Hindi ako nakasama pauwi ng San Bartolome ng sumunod na Sabado, naatasan ako ni Tito Nando na dumalo sa Business conference kahalili nila bilang kasama ni Alexa. Sa Cebu gaganapin ito at dahil may mahalaga ring pakay si Enrico sa San Bartolome ay tumuloy itong mag-isa. Sa suhestiyon ni Marian ay niregaluhan ko si Enrico ng isang relo. Smart watch ito pero mukhang ordinaryong tignan. Bumili din ako ng tig-iisa kami nina Marian at Jerome. Pinasadya ko at inorder mula sa Germany. Mukha lang siyang couples watches pero may voice calling feature ito, text messaging, smart locator at gamit ang latest technology ng isang operating system assistant ay pwede din itong magsaliksik at magbalik ng hinahanap na impormasyong umaabot sa isang libong resulta. Hangga't suot namin ni Enrico ito ay panatag kami kahit magkahiwalay kaming dalawa. Bukod sa smart watch ay pinagsuot ko ng maliit na diamond stud earrings si Enrico sa butas nito sa punong tainga. Isa itong tracker lingid sa kaalaman ng iba. Tanging kami nina Marian at Jerome ang nakakaalam ng mga karagdagang seguridad na ito sa aming apat. "Wala na akong privacy nito, love," Pagrereklamo ni Enrico sa akin ng isuot ko sa kanya ang mga bagay na ito. "But thank you for worrying and doing something about this. Kaya mahal na mahal kita eh." Pinisil nito ang puno ng aking ilong atsaka ako niyakap ng mahigpit at hinagkan ng madiin. "Mas mapapanatag ako kung suot mo lagi ang mga iyan," buntong hininga kong sagot sa kanya. Bago kami maghiwalay ng Sabado ng umagang iyon ay pinagsaluhan muna namin ang ilang mainit na sandali. He took me into the shower and made love to me until we were fully satisfied and had enough of each other. Matagal din kaming nagforeplay para pasabikin ang isa't-isa. Mula sa pagkakaupo niya sa toilet bowl ay inupuan ko siya atsaka nagtaas baba sa kanyang hindig na hindig na pag-aari. Una ay nakaharap ako sa kanya, kalaunay tumalikod ako. Pasok na pasok sa aking kaibuturan ang kanyang alaga at inaalalayan ako ng kanyang malapad na kamay at malalakas na braso. Marahan nung una. Kalauna'y bumilis ang pagtaas baba ko sa kanya. For every thrust that goes deep into me he groans. He kissed my shoulders and bit them with his lips. We were caged in the moment and we seized our once a week alone time to make love and worship each other's nakedness. Pinatalikod niya ako at iniharap sa pader habang itinapat ang kanyang alaga mula sa likod ko. Pagkuwa'y pinatuwad niya ako at muli ay naglabas pasok ito sa kuweba ko. Parang hindi matapos ang mga sandaling iyon at nais naming patuloy na pagsaluhan ang init ng aming mga katawan. Makailang beses akong nilabasan at sa ika'tlong pagkakataon ay sabay naming naabot ang rurok ng aming kaligayahan. Hingal na hingal kami at sa sobrang pagod ay nagyakap kami sa ilalim ng tubig na dumadaloy sa shower. Alas nuwebe ng umaga ng makapagbihis kami. Hinatid niya ako sa airport para kitain si Alexa. "See you soon, love. Call me when you can." Hinagkan nito ang mga kamay ko pagbaba ko sa sasakyan sa Departure area ng domestic airport. Mula sa airport ay dumiretso na ito ng San Bartolome. Nang makalapag sa airport ng Cebu ang maliit na eroplano ay agad kong binuhay ang cellphone at smart watch ko. Tinignan ko ang lokasyon ni Enrico sa smart watch at nakikita kong moving ang tracker nito. Nasa biyahe pa siya. Tinawagan ko siya para ipaalam na nakarating na kami ni Alexa ng Cebu. Saglit kaming nagkamustahan sa video call. Matapos bilinang mag-ingat siya sa pagmamaneho ay biglang nagdilim ang mukha nitong sumilip sa rearview mirror. "Love, call Jerome and put him through," agad akong tumalima at tinawagan ang best friend niya. Luckily, he picked up the call immediately. Simula ng matapos ang paternity test sa ipinagbubuntis ni Lianne ay palagi kaming alerto. Para bang nakaabang sa susunod nilang hakbang. "Yes," tipid na sagot nito. "I'm being followed," kalmado pero halata ang pag-aalala sa tono nito habang nagmamaneho. "Bubuksan ko ang rearshield cam at ang dashcam, capture everything you can. "On it," sagot ni Jerome. "Whatever happens, Angeli, know that I love you at ikaw lang." Hindi ko gusto ang tono at mga salitang sinabi niya pero alam kong alam niya ang ginagawa niya, "Mag-ingat ka, mahal kita." Pagkatapos nuon ay umalingawngaw ang tunog ng biglang pagbreak ng sasakyan na bumangga sa kung saan man pagkatapos niyon ay sigawan mula sa mga tao sa paligid. Wala sa conference ang isip ko. Gusto ko ng bumalik ng Maynila para makita si Enrico. Mula sa footage na nakuha ni Jerome ay nakuha ang plate number ng sasakyang bumangga dito. Sa isang tulay na nagdudugtong sa Santa Catalina at San Vicente nangyari ang trahedya. Buhat sa pagkakabangga sa railings ay tumilapon ang sasakyan ni Enrico sa lakas ng impact. Mula sa mataas na tulay ay nahulog ang kotse nito sa malalim na bahagi ng ilog. Agad na tumawag si Jerome sa mga pulis ng San Vicente at Santa Catalina para ireport ang pangyayari. Agad na nagpadala ng tulong ang kapulisan. Katulong ang mga bumbero ay inumpisahan ang search and rescue. Nang lumipas ang apat na oras at wala pa ring nakikitang katawan ang mga taong rumisponde sa insidente ay nagpahire na ako kay Marian ng search and rescue team. Mula sa smart watch ay kita kong tumigil ang tracker at nanatiling nakapin sa location ng tulay. Kung wala ang katawan nito ay malamang natanggal ang smart watch nito sa kanya. Binuhay ko ang tracking app sa cellphone ko kung saan nakarehistro ang diamond stud sa tainga ni Enrico. Wala akong masagap na signal mula dito. "Tumahan ka na, naparebook ko na ang flight natin pero ang pinakamaaga ay mamaya pang alas kuwatro ng hapon," pag-alo ni Alexa sa akin. "Tibayan mo ang loob mo, kailangan ni Enrico ang presence of mind mo." Pangaral sa akin ng best friend ko. Pilit kong pinatatatag ang loob ko pero maisip ko lang na di makita ang katawan ng mahal ko ay naluluha ako. Makalipas ang anim pang oras ay wala pa ding balita sa paghahanap kay Enrico. Nananatili sa ilalim ng tulay ang tracking device sa smart watch pero wala akong makuhang signal sa diamond stud tracker. Pagkalapag ng eroplano sa Domestic Airport sa Maynila ay sinalubong ako ng itay na labis nag-aalala sa kalagayan ko. Tinawagan na rin ng tatay ang lahat ng kakilala niyang pwedeng tumulong at sabay-sabay kaming bumiyahe patungong Santa Catalina. May mga nakascuba diving gear na hula ko ay sa rescue team na binuo ni Jerome. Nakita namin siya ni Marian naghahanda ding tumulong sa paghahanap. Nakuha na din ni Jerome ang paraan ng paguusap namin ni Marian. Tumango ito sa amin atsaka sumisid sa may higit limampung talampakang lalim ng tubig. Isa lang ang layunin ni Jerome, hanapin si Enrico o ang smart watch na suot nito. Ito lang ang makakatulong sa amin para mahanap ang mahal ko. Dumating na din sina Tito Carlo at Tita Norene na agad yumakap at humagulgol sa balikat ko ng makalapit sa amin. "Iha, si Enrico,” at patuloy itong umiyak ng paupuin ko sa monoblock chair na nakasilong sa collapsible tent nagsilbing meeting area ng lahat ng sumama sa rescue operation. Hinagod ko ang likod nito para aluin. Sa lalim ng pagmamahalan namin ako humuhugot ng lakas at umaasang makikita namin si Enrico. Pero ang isiping ilang oras na ito sa ilalim ng tubig ay nagpapahina sa loob ko. Buhat nang magkabalikan kami ay siya ang lakas at kahinaan ko. Di kalauna'y nakita ang katawan ni Enrico, may senyales pa ng buhay pero mahinang-mahina na ito. Matapos lapatan ng paunang lunas ay inilipad ito patungong Makati Medical Center para gamutin. Bago ilagay sa stretcher para ilipad ng rescue helicopter ay nahawakan ko ang nanlalamig na kamay ni Enrico, hinalikan ko ito atsaka binulungan ng "I love you." "Angeli," ang huling nasabi nito bago mawalan ng malay. Sina Tito Carlo at Tita Norene ang sumama sa pagdala sa kanya sa Maynila. Naiwan akong natutulala pero taimtim na nananalanging maligtas sa bingit ng kamatayan ang mahal ko. Pauwi kami ng tatay sa San Bartolome lulan ng Avanza ko habang nakasunod sa kotse sa likod na minamaneho ni Jerome sina Marian, Gilbert at Laila na sumugod sa lugar ng insidente ng tawagan sila ni Marian kanina. Naiwan si Remi sa Isidro bilang kontak namin sa mga Lolo at Lola. Nang makarating ng Isidro ay tumatawag si Tito Carlo. Agad kong sinagot ang telepono, nahulog ko ito ng marinig ang sinabi ng ama ni Enrico. "Wala na si Enrico, dineclare siyang expired 9:32pm after rigorous attempts to revive him, iha." Malungkot pero pilit nitong pinakakalma ang sarili nang ihatid sa kanya ang masamang balita. "NOOOOOOOO!" Pagtangis ko sa balita ni Tito Carlo. Agad akong dinaluhan nina Marian at Laila. Napatakbo din sa kumpulan namin si Remi na natataranta. "Baka nagkamali lang ng declaration yung doktor, uuwi dito kasama ng mga magulang niya si Enrico," pilit akong inaalo ni Remi habang pinapaypayan ako at humahagulgol sa dibdib ni Laila. Si Marian naman ay pinuntahan na si Jerome dahil kailangan din nito ng moral support sa pagkawala ng bestfriend niya. Patuloy pa din ako sa pagiyak ng tumawag si Tita Norene, "Iha, iuuwi namin dyan si Enrico pero isang araw lang siyang paglalamayan pagkatapos ay ipapacremate na namin siya at dadalhin ang abo niya sa mga lolo at lola niya sa America bago iuwi ulit dito para ilibing." "Kung puwede sana ay ikaw ang magasikaso sa wake habang inaayos namin ang mga kakailanganin." Pakiusap nito sa akin. Sa huling pagkakataon, hindi man ako nakapagbitaw ng vows ay maipapakita ko sa mahal kong not even death can keep us apart. Mananatili siya sa puso ko kailan pa man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD