bc

Simply Me

book_age18+
36
FOLLOW
1K
READ
fated
second chance
pregnant
billionairess
drama
first love
poor to rich
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Call her lucky, Angeli just graduated from college, won 300 Million Pesos in the lottery and quadrupled her net worth in a year playing in the stock market.

At the age of 22, she's the youngest billionaire in the Philippines who lives a lowkey life though spending extravagantly for her family who had been living a simple life since her parents got married.

Her parents knew she solely won the jackpot prize but they never really know their daughter's net worth.

Feeling young and fulfilled she has been investing in several businesses to keep her source of income growing.

Since they technically no longer need to work to live a wonderful life, her parents kept pushing Angeli to marry and have kids so they can spend more time with their grand kids while they're still young.

Though reluctant about her parent's suggestion to get married, she loved the idea of having kids since she's an only child so her parents wouldn't be bored.

So she used her wealth to get pregnant and have a kid on her own.

Riley proved to be a successful IVF baby and has grown to be a genius boy. He makes a way to find his father, the sperm donor despite his mother's disapproval.

Riley successfully finds information about his father but it was too late because he already passed away due to uncalled for circumstances.

Angeli finds out about her son's doing and was shocked to see his research output. Her world that turned upside down is slowly falling into place.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Panalong - panalo!
Alas sais ng umaga ng gisingin ako ni inay para gumayak. "Angeli, bangon na dyan! Bihis na ang tatay mo, mas excited pa sa'yo na gagraduate!” Sigaw ni inay mula sa kusina habang inihahain ang almusal sa mesa. “Alas kuwatro y'media pa lang bumangon na para magluto ng almusal." Dagdag pa nito. Nag-iisang anak ako nina Carmelo Punzalan at Elsa Guttierez. Nakatira kami sa isang low cost housing sa Quezon City na naipundar ng aking mga magulang nung mag-abroad ang aking inay para maitaguyod ang aking pag-aaral habang naninilbihan bilang sundalo sa Philippine Army ang aking itay. Ngayon nga ay magtatapos ako sa kursong Business Administration Major in Business Management sa Quezon City State University. Hindi sa pagmamayabang pero gagraduate akong may mataas ng karangalan at yun ay surpresa ko sa aking mga magulang. "Andyan na po," tugon ko habang inaayos ang aking higaan at kinuha ang tuwalya para maligo pagkatapos mag-almusal. Lumabas ako sa aking kuwarto at dumiretso sa kusina kung saan parehas nang naghihintay ang aking mga magulang sa aming kainan. Nagluto si itay ng paborito kong tortang talong, pinakbet na okra saka nagprito ng porkchop. Nakahanda na ang aking plato bago pa man ako maupo sa aking puwesto sa aming lamesa. "Kamusta ang tulog mo anak, di ka ba napuyat?" Tanong ng aking itay. "Ayos naman po, 'tay. Medyo nalate lang ng tulog kasi may inayos pa ako kagabi. Pero masarap po ang tulog ko at nakapagpahinga ako ng mabuti." Tugon kong nakangiti sa kaniya. "Mabuti naman kung ganun. O siya, kumain na tayo at medyo matagal ang programa ng graduation niyo. Andami niyo palang magtatapos ngayon sa QCSU." Saad nito habang sumasadok ng kanin sa kanyang plato. Nagkwentuhan kami habang kumakain gaya ng aming nakagawian. Pagkatapos naming mag-almusal ay nagligpit na si inay ng aming kinainan habang si itay ay inihanda ang kanyang owner type jeep na siyang aming sasakyan papunta sa PICC para sa graduation rites. Ako naman ay naligo na, nagbihis at naglagay ng simpleng make-up. Ang sarap sa pakiramdam na sa araw na ito ay lalong magiging proud sa akin ang aking mga magulang. Medyo hirap man kami sa buhay bago ang araw na ito ay hindi ako nagpabaya dahil kita ko ang sakripisyo ng aking ama at ina para lang mabigyan ako ng disenteng buhay. Kaya ngayong tapos na ako sa pag-aaral ay agad akong maghahanap ng trabaho para makatulong sa aking mga magulang at tuparin ang pangako ko sa kanila na magandang buhay. Alas nuwebe ng umaga ang graduation ceremony, alas otso y'media pa lang ay nasa PICC na kami. Naglalakad na kami papunta sa entrance ng makita ako ng aking bestfriend na si Alexa kasama ang kanyang mga magulang. "Oy, Angeli!" Tawag niya habang kinakawayan ako. Nakapila na sila para makapasok sa convention center. "Oy Alexa! Good morning, Tito Nando at Tita Alice," bati ko sa kanyang mga magulang habang bumebeso ako kay Alexa. "Ang nanay ko po si Elsa at tatay ko po si Carmelo." Pagpakilala ko sa aking mga magulang. Gaya ko ay only child din si Alexa. Lumaki siyang marangya ang buhay pero hindi siya mapagmataas. Ganun din ang kanyang mga magulang. Maasikaso at malambing si Tita Alice. Lagi niya kaming ipinaghahanda ni Alexa ng meryenda kapag nagisleepover ako sa kanila para magreview tuwing may major exams kami. Si Tito Nando naman ay kengkoy pero maalam sa negosyo. Meron silang supermarket chain sa kalakhang Maynila, ag Saver’s Shop na siguradong mamanahin ni Alexa. Kahit pa may kaya sa buhay, hindi din pabaya si Alexa at gaya ko ay Dean's lister din. Dahil graduation day, excited ang lahat pero wala ng mas excited pa sa aming mga magulang na panay ang kuha ng litrato sa amin habang naghihintay na makapasok sa loob ng venue. "Ready na ba speech mo," tanong ni Alexa sa akin. "Natapos ko din kagabi, babasahin ko na lang mamaya." Sagot ko sa kanya. "Alam na ba nila Tita at Tito?" tanong uli ni Alexa sa akin. "Hindi pa." Umiling ako at nginitian ko siya para manahimik na o siya mismo ang sisira sa surpresa ko sa aking mga magulang. Nakahalata naman siya kaya niyakap na lang niya ako. "Am proud of you, girl." Sambit niya. "Ako din, proud ako sa'yo." At nagyakap muli kaming dalawa. Nagsimula na kaming papasukin sa hallway ng PICC. Humiwalay na kami ni Alexa sa aming mga magulang para sumama sa procession. Dahil parehas kaming may honors ay may nakalaang upuan malapit sa stage para sa aming mga magulang kaya tanaw ko sila mula sa aming kinauupuan. Kinawayan ko ang aking mga magulang na kitang-kita ang saya sa kanilang mga mukha abot hanggang tenga at mata ang galak nila. Inumpisahan ang programa hanggang sa tawagin ako para iaward ang aking Summa c*m Laude distinction. Tumayo ako sa aking upuan, sinundo ko ang aking mga magulang saka kami sabay umakyat ng stage para isabit nila sa akin ang medalya. Bumalik na sa kanilang upuan sina itay at inay na parehas pang naluha habang isinasabit sa akin ang aking medalya. Sumunod na ang iba pang awardees. Muli akong tinawag upang magdeliver ng valedictory speech. Tumayo ako sa may rostrum at saka ibinigay ang aking valedictory address. "Sa ating panauhing pandangal, mga kagalang-galang na opisyal ng paaralan, mga kinapipitagang guro, kapwa ko estudyante at higit sa lahat ang aming mga maunawain at mapagmahal na mga magulang, magandang umaga po sa ating lahat." Inihayag ko ang aking talumpati ng mula sa puso. Nakitawa, nakiiyak at nakarelate ang lahat. Bilang pagtatapos ng aking talumpati, aking sinaad, "Hindi ko inisip na tatayo ako ngayong araw ng pagtatapos bilang Summa c*m Laude dahil ang pinakamahalaga lang sa akin ay makapagtapos ako ng pag-aaral para makahanap ng magandang trabaho at makatulong sa aking mga magulang. Lumaki ako na mayaman hindi sa pera o materyal na bagay pero hitik na hitik sa pagmamahal at pag-aaruga ng aking mga magulang." Nilingon ko ang aking inay at itay saka pinapagpatuloy ang aking speech, "Nay, Tay, salamat sa lahat ng pagmamahal at pag-unawa. Kahit kailan hindi ninyo hiniling sa akin ang higit sa kaya kong ibigay." Lumingon ulit ako sa audience, "Masaya na silang wala akong bagsak na marka at tuloy-tuloy lang hanggang sa araw na ito na magtatapos na ako sa aking pag-aaral. Hindi sila, pero ako sa aking sarili, alam kong kaya ko pang higitan kung ano ang nagagawa ko na. Kaya araw-araw ang aking mantra, "always strive to become a better version of yourself." "Hindi sa araw na ito natatapos ang ating pag-aaral. Ito ang umpisa ng mas malalim na paghubog sa ating kaalaman at kasanayan. Hindi na sa teyorya lamang kundi pag-lapat ng ating mga natutunan sa paaralan sa totoong hamon ng buhay. Saan man tayo dalhin ng ating mga paa para gamitin ang ating pinag-aralan, ang hamon ko sa inyo, sa ating mga magtatapos sa araw na ito, linangin pang mabuti ang ating sarili upang mas maging magaling pa tayo sa ating mga sarili. Wala tayong ibang kakompetisyon sa anumang aspeto kung hindi ang mga sarili lamang natin. Uulitin ko at uulit-ulitin ko sa sarili ko, "always strive to become a better version of yourself." "Hayaan ninyong tapusin ko ang talumpating ito sa pag-alay ng araw na ito sa ating pinakamamahal na mga magulang. Tanda ng sakripisyo at pagmamahal ninyo ay magtatapos kaming may mataas na kumpiyansa sa sarili na kakayanin namin ang hamon ng mundo dahil alam namin na kahit makahanap na kami ng sarili naming trabaho o magkaron ng sariling pamilya sa hinaharap ay naka-alalay kayo. Nay, Tay, para sa inyo ito." Itinaas ko ang aking medalya sa direksyon ng aking mga magulang. Umiiyak pa rin si inay ngunit alam kong yun ay dahil sa lubos na kagalakan. Matapos ang aking talumpati ay ibinigay na ang mga binilot na papel na may mongratulations message mula sa president ng aming paaralan. Kahalili ng diploma na makukuha lang namin makaraan ang ilang araw. Ang papel na magiging tulay sa aming tagumpay matapos ang araw na ito. Luminya na kaming mga graduates habang isa-isa kaming tinatawag sa stage. Natapos na ang graduation ceremony. Gaya ng napagkasunduan ay kumain lang kami sa Max's Restaurant para magcelebrate. Sinaluhan kami nina Alexa at ng kanyang mga magulang at sabay na nagdiwang ng aming pagtatapos. "Congratulations, Angeli!" Bati ni Tita Alice niyakap niya ako ng may ngiti. "Thank you po, Tita Alice." Balik kong bati at yakap sa kanya. Kinongratulate din ng aking mga magulang si Alexa at masaya kaming nagsalu-salo para ipagdiwang ang aming pagtatapos with honors. Nang ilabas na ng waiter ang dessert ay nakangiting tumingin sa akin ang mga magulang ni Alexa. Saka nagsalita si Tito Nando habang kinakausap ang aking mga magulang. "Major Punzalan," "Melo na lang." pagputol ni itay na medyo nahihiya pakay Tito Nando. "Alright, if you insist." Sabay ngiti nito sa itay at ipinagpatuloy ang sinasabi. "Melo, Elsa, magbubukas kami ng apat pang branch ng Saver's Shop at gusto sana namin ni Alice na si Angeli ang magmanage ng 2 branch tapos yung 2 pa ay si Alexa naman hahawak. Okay lang ba sa inyo kung mapapatravel si Angeli from time to time para ioversee yung mga branch na yun?" "Salamat naman at hindi na mahihirapang maghanap ng trabaho itong si Angeli namin. Wala namang problema sa amin ni Elsa ang pagtravel niya kung kailangan sa trabaho ay ayos lang." Sagot ng itay na ibinalik ang ngiti kay Tito Nando. "Wala naman pa lang problema. Sa ngayon bakasyon muna sila ni Alexa kasi itinatayo pa lang yung building pero in less than a month ay makakapag-umpisa na sila." Dagdag ni Tito Nando habang sumusubo ng pamosong buko pandan sa Max’s. "Well, kung ganun ituloy na natin ang celebration. Cheers to our awesome daughters!" Itinaas ni Tita Alice ang baso niya ng iced tea kaya itinaas na din namin ang sa amin at saka kami patuloy na nagkwentuhan habang tinatapos ang aming dessert. Mag-aalas kuwatro na ng hapon ng maghiwa-hiwalay kami. Umuwi na sila Alexa sa bahay nila sa Corinthian Gardens habang kami ay binabaybay pa ang kahabaan ng Commonwealth Avenue para makauwi sa Fairview Heights. Habang nasa daan ay hindi pa din ako tinatantanan ng very proud kong inay sa aking achievement. "Anak, sulit na sulit lahat ng pagod at hirap ko sa Kuwait makapagtapos ka lang. Salamat Angeli hindi mo kami binigo ng tatay mo." Maluha-luha pang sambit ng inay. "Oo nga, anak. Di mo man lang sinabi na ikaw ang Summa c*m Laude eh di sana'y nakapaghanda tayo ng munting salu-salo para maipagmalaki kita sa mga kaibigan at mga kamag-anak natin." Abot tenga ang ngiti ng itay habang minamaneho ang jeep. Kahit luma na ito ay napakareliable ng sasakyan na ito kaya ayaw pakawalan ng itay. "Gastos lang yun, 'tay. Ipunin na lang natin para makapagbakasyon tayo sa probinsiya. Namimiss ko na sila lolo at lola." "Korek ka dyan, 'nak." Sangayon ng inay sa akin. "O sige, magfafile ako ng additional leave para makapagbakasyon tayo." Tugon ng itay. Medyo matagal na din kasi ng huli kaming dumalaw sa mga lolo at lola sa San Bartolome. "Yehey! Bago sana mag-umpisa sa trabaho 'tay para naman sulit ang bakasyon ko." Request ko sa tatay. "Gagawan natin ng paraan yan." Natutuwang sabi ni itay. Nang makarating kami sa b****a ng maliit na subdivision namin ay pinatabi ni inay ang jeep sa may talipapa upang mamili ng panghapunan. Habang naghihintay ay naisipan kong bumaba para tumaya ng lotto. Malaki ang jackpot, nagkakahalaga ng 340 Million ang 6/58. Kahit pa alam kong tsambahan lang ang manalo dahil isa lamang sa 40,475,358 na pagkakataon ang may posibilidad na manalo. Mula kasi ng magdisi-otso ako ay nakagawian ko na ang tumaya sa lotto minsan sa isang linggo. Hindi naman ako nanghihinayang dahil kahit hindi manalo alam kong malayo ang mararating ng bente pesos ko para makatulong sa ibang tao. Kaya naman ngayon ay tataya ulit ako. Magbabakasakali. Kaya pumunta na ako sa lotto outlet malapit sa pinaradahan ng jeep ng tatay para tumaya. Napili kong maglucky pick ngayon kaysa yung inaalagaan kong numero. Itinago ko ang ticket sa aking purse saka bumalik sa jeep upang hintayin ang nanay. Nang dumating ito'y umuwi na kami. Nang makarating sa bahay ay nagbihis na kami ng pambahay saka nagkanya-kanya ng gawa. Ang tatay ay sumasagot ng crossword puzzle sa dyaryo. Eto ang hilig niyang libangan pag tapos na lahat ng gawain sa bahay na nakatoka sa kanya. Ang nanay naman ay naghanda na ng hapunan. Chopsuey at inihaw na liempo ang aming hapunan. Ako naman ay nagbabasa ng dyaryo habang nakikinig ng love songs sa cellphone gamit ang headset. Nang matapos kaming maghapunan at nakapaghugas na ako ng pinagkainan ay pumasok na ako sa kwarto. Nanuod naman ako ng series sa Netflix hanggang sa nakatulog ako. Kinaumagahan. Hindi ako ginising ni inay. Hinayaan niya akong matulog at gumising ng kusa. Alas nuwebe na ng umaga ng lumabas ako ng kwarto. Wala ang inay ngunit nag-iwan ito ng almusal at note na dinikit sa ref na nagsasabing nasa barangay hall ito para sa baranggay health worker's meeting. Ang itay ay nagreport na sa opisina sa Fort Bonifacio. Habang kumakain ng almusal ay natuon ang pansin ko sa winning combination ng lotto. Kinuha ko ang lotto ticket na tinayaan ko kahapon sa kwarto at saka itinuloy ang pagsubo ng hotdog at kanin. Natigilan ako ng makita ko ang mga nanalong numero sa dyaryo. "Totoo ba ito?!" Gulat na sambit ko sa sarili ko. 6 na numero hindi sunod-sunod pero parehong-pareho ng nasa dyaryo at nakalagay sa baba ng mga ito, "1 winner". "Oh my God! Totoo nga ito! Diyos ko, salamat po!" Itinaas ko ang aking dalawang kamay sa hangin bilang panalangin ng pasasalamat sa biyayang aking natanggap. Dali-dali akong nagbihis at pumunta sa tanggapan ng PCSO dala ang winning ticket at lahat ng identification cards ko. Nag-iwan lang ako ng mensahe sa inay na dinikit ko din sa may ref para di siya magtaka kung bakit wala ako sa bahay. Sa tanggapan ng PCSO, matapos ang verification ng ticket ay nagissue na sila ng tseke. Kinaltas na sa jackpot prize ang tax at lahat ng fees kaya 272 million pesos a lang ang maiuuwi ko imbis na 340 million pesos. Siyempre di ko maiuuwing pera kaya nagbukas ako ng account sa bangko na nasa ibaba lang ng PCSO at idineposito ko ang napanalunan ko. Nag-cash out ako ng dalawang daang libong piso para maiblow out ang inay at itay saka ko sila babalatuhan. Ngunit hinding-hindi ko ipapaalam sa iba na sinwerte ako sa lotto. Tanging ang itay at inay lamang ang pagsasabihan ko at alam kong sasang-ayun silang dalawa sa desisyon ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Labis-labis ang aking pasasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap ko ngayon. Naguumapaw at walang pagsidlan ang aking kasiyahan. Puwede nang magretire ang itay at magrelax na lang sila ng inay kung paano at saan man nila gusto.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
44.7K
bc

The Forgotten Wife

read
42.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
321.1K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
100.2K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
27.0K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
27.8K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
21.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook