Matapos kong asikasuhin para makuha at madeposito sa bangko ang aking napanalunan sa lotto ay nagpunta ako sa isang sikat na mall sa Mandaluyong.
Dumaan muna ako sa chapel na nasa ika-limang palapag upang maghain ng dasal ng pasasalamat sa labis na biyayang pinagkaloob sa akin ng Diyos.
Matapos magdasal ay pumunta ako sa Department Store para ipamili ang inay at ang itay ng ilang mga gamit.
Bumili ako ng collared shirt at pantalon para kay tatay at isang simple pero eleganteng bestida para sa nanay.
Binilhan ko din ang sarili ko ng mga bagong damit na gagamitin ko para sa bago kong trabaho. Saka ilang gamit pang make-up.
Tama.
Magtatrabaho pa din ako. Low key lang dapat. Baka maubos kaagad ang napanalunan ko kung magiging impulsive buyer ako.
Pag-uwi ko sa bahay ay sasabihin ko sa inay at itay ang pagkakapanalo ko sa lotto at paplanuhing mabuti kasama sila kung anong gagawin sa napanalunan kong pera.
Tinapos ko ang pamimili ng mga damit at saka nagrocery ng mga kailangan namin sa bahay.
Matapos ang humigit kumulang dalawang oras na paglilibot ay halos mapuno ko ang dalawang grocery cart. Ganun pala ang pakiramdam kapag di mo iniisip kung aabot ba ang budget mo para mabili lahat ng kailangan mo. Ang sarap sa pakiramdam na walang iniisip kung may panggastos ka pa kinabukasan.
"Eleven thousand five hundred twenty-seven pesos and fifty centavos po lahat ma'am." Sabi ng cashier na nakangiti.
Iniabot ko ang labingdalawang isang libuhin sa kanya at hinintay ang aking sukli.
Pagktapos kong magbayad ay itinulak ko ang push cart papunta sa Max's Restaurant dahil pritong sarap to the bones na manok ang kanilang specialty para umorder ng take out.
Umorder ako ng Full Family Basket na fried chicken, Lumpiang Ubod, Kare-kare at ang masarap nilang assorted cakes.
Alas kuwatro pa lang ng hapon pero alam kong aabutin na ako ng gabi pag-uwi ng bahay. Habang hinihintay ang inorder kong pagkain ay nagbook na din ako ng transportation service. Sigurado akong mahaba na ang pila ng regular taxi sa gilid ng mall.
"Thank you for waiting," sabi ng waitress na kumuha ng order ko. "Here's your take-out ma'am. Enjoy and we hope to see you again soon." Nakangiting saad nito sa akin.
Yun lang at saka naman nagnotify ang transport service app na dadating na ang binook kong sasakyan. Itinulak ko yung push cart papunta sa waiting lounge sakto namang dating ng sasakyan sa aking harapan.
"Good afternoon, ma'am Angeli Punzalan?" Bati ng driver pagbukas ng automatic window ng kulay asul na Avanza.
"Opo," sagot ko sa driver. "Pakibukas po ang likod, Kuya." Pagsabi ko nun ay lumabas siya mula sa driver's seat at tinulungan akong ikarga ang mga pinamili ko sa likod ng sasakyan.
"Eto na po ba lahat, ma'am?" Tanong ng driver sa akin.
"Opo, Kuya. Salamat, po." Sagot ko habang sumasakay ako sa gitnang bahagi ng sasakyan.
"Sa Fairview Heights po tayo, ma'am?" tanong ng driver habang naghahandang paandarin na ang sasakyan.
"Opo, Kuya." Sagot kong muli habang binabaybay na namin ang daan palabas sa kahabaan ng EDSA.
Medyo matraffic dahil rush hour na pero madiskarte sa daan ang driver. Wala pang sampung minuto ay binabaybay na namin ang Commonwealth Avenue kung saan inabot kami ng mabagal na usad ng mga sasakyan.
Mag-aalas sais na nang makarating kami sa tapat ng aming bahay. Hindi ito kalakihan, sapat lang para sa aming tatlo ng inay at itay. Dalawa ang kwarto nito at bukod sa may tig-isang banyo ang kwarto namin ng aking mga magulang ay meron itong maliit na toilet sa kusina.
Simple lang ang aming tahanan. Simpleng tao lang naman kasi kami ng aking mga magulang.
Nagbayad ako ng cash sa transport service driver pagkatapos niya akong tulungang magbaba ng aking mga pinamili.
"Tay!"
Tawag ko sa aking ama sa labas ng aming gate na nagsisilbing harang mula sa kalsada papunta sa munting garahe ng aming tahanan kung saan nakaparada ang owner type Jeep ng itay.
Inulit ko ang pagtawag sa kanya at saka naman siya lumabas sa aming pintuan.
"Naku, bata ka! Andami naman nitong mga pinamili mo. Hala sige, pumasok ka na at ako na ang magbibitbit ng mga mabibigat." Matapos ipasok sa loob ng gate ay isa-isa naming ipinasok ng itay ang mga groceries sa kusina.
Naghain na ang inay nang iabot ko sa kanya ang binili kong take out.
"Andami naman yata nito, anak. Baka inubos mo na ang savings mo para sa lahat ng ito?"
"Sapat lang yan, Inay. Itay kain na ho tayo." Pagtawag ko sa aking ama na kakapasok lang ng huling plastic bag ng grocery na pinamili ko kanina.
"Haay, natapos din. Ano bang nakain mong bata ka at andami mong pinamili?" Hapong-hapo na sambit ng itay habang umuupo ito sa kanya pwesto sa aming hapag.
Kanina ko pa gustong sabihin sa kanila pero gusto ko nakaupo na kami sa mesa.
Nang nakapwesto na din ang inay matapos magdala ng maiinom ay malapad ang ngiti kong sinabi sa kanila ang lahat.
"Nay, tay, mayaman na tayo!" Hawak ng tig-isang kamay ko ang kamay nila na malapit sa akin at excited kong sinabi sa kanila.
"Anong ibig mong sabihin, anak?" Takang tanong ng aking ama.
"Naalala niyo po kahapon, tumaya ako sa lotto?"
Matalino ang mga magulang ko, hindi ko na kailangan ipaliwanag ang sinasabi ko. Nagliwanag ang mga mukha nila at lumapad na din ang kanilang mga ngiti.
"Ibig mong sabihin…"
"Opo, tay.” Pagputol ko dito, “Jackpot! Single winner!" Malapad pa din ang ngiti kong umabot sa magkabilang tengang tugon ko sa kanya.
Ipinakita ko sa kanila ang winning ticket pati ang certificate of winning.
"Anak, two hundred seventy-two million!" Nanlalaki ang matang sambit ng aking inay na naluluha na sa nakikita.
Tumango ako at saka ipinaliwanag ang mga dala-dala ko pag-uwi, "Kaya po ako namili ng ilang bagong damit at naggrocery, inay at itay.”
Hawak pa din ng tig-isa kong kamay ang mga kamay ng aking mga magulang. "Puwede ka nang magretire, 'tay. Magrelax na lang kayo ng inay." Nakangiti pa din ako habang tiningnan isa-isa ang aking mga magulang.
Ang moment na yun, batid ko na siksik, liglig at umaapaw ang kaligayahan ng aking mga magulang.
Kung tutuusin ay kahit hindi na ako magtrabaho at mag-invest na lang ako o di kaya ay magnegosyo ay mabubuhay na kami ng matiwasay ng aking mga magulang.
Ngunit naisip ko, magtatayo ng bagong branch ng grocery and mga magulang ni Alexa na pamamahalaan namin. Kaya naisip kong maganda itong dahilan upang ipaliwanag sa mga tsismosa naming mga kapitbahay kung saan galing yung aking mga pinamili.
Pihado ding kapag kumuha ako ng sasakyan ay madami nanamang bulong-bulungan sina Nana Sonia na kapitbahay na namin simula ng lumipat kami sa Fairview Heights kasama sina Aling Sion at Aling Cora na nakatira sa may ilang bahay lamang ang pagitan sa aming tahanan.
Tuwing hapon ay andun sila sa balkon nina Nana Sonia at naghuhuntahan habang naglalaro ng baraha. Ito na ang kanilang libangan bukod sa pag-usapan at pagchismisan ang buhay-buhay ng aming mga kapitbahay.
Matapos kumain ay nagligpit na ako ng pinagkainan atsaka pinuntahan ang aking mga magulang sa sala habang nanunuod ng balita sa aming munting LED TV.
Sa sala namin itinuloy ang pag-uusap habang tinitignan ng aking mga magulang ang mga damit na binili ko para sa kanila.
Nag-abot ako ng tig-dalawang bungkos ng dalawampu't limang libong piso sa aking mga magulang. "Nay, tay. Balato niyo po. Pero siyempre, hindi lang yan."
"Gusto ko po sanang tanungin kayo kung anong magandang gawin sa napanalunan kong pera." Tanong ko sa kanila habang nakangiti pa din tumititig ako sa bawat isa sa kanila.
"Anak, salamat at tinatanong mo kami ng iyong inay tungkol sa bagay na yan. Pero, pera mo yan. Ikaw ang bahalang magmanage nyan." Natutuwang sagot sa aking ng aking ama.
"Aba'y mahirap waldasin yan anak. Siguro habang maaga mag-invest ka sa mga negosyo o magtayo ka ng sarili mong negosyo. Sigurado namang maiaapply mo ang napag-aralan mo dyan." Payo ng aking inay.
"Hindi naman natin kailangan ng malaking bahay anak. Isa pa, kapag nag-asawa ka sigurado namang iuuwi ka ng asawa mo kaya hindi praktikal ang bumili ka ngayon ng bahay. Siguro saka na kapag may sarili ka ng pamilya." Dagdag ng itay.
Naisip ko din yun. Mahihirapang pakawalan ng aking mga magulang ang bahay na ipinundar nila para sa aming pamilya. Kaya napagdesisyunan kong huwag ng bumili ng bagong bahay.
"Teka nga, hindi ba't bibigyan ka ng trabaho ng ama ni Alexa, itutuloy mo pa ba?" Tanong ng inay.
"Ay opo, Inay. Para may paliwanag sa mga marites nating mga kapitbahay kung saan galing ang mga binibili ko." Sinabayan ko ng tawa ang aking sinabi at nagkatawanan na lang kami.
Matapos naming mailigpit ang lahat ng grocery na pinamili ko ay nagpaalam na akong magpapahinga na sa aking inay.
Pagpasok sa aking kuwarto ay kumuha ako ng bihisang pantulog saka nagpunta sa aking banyo para magshower.
Nang makaligo ako at nagpapatuyo ng buhok gamit ang isa pang tuwalya ay tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang caller ID at nang makitang si Alexa ay sinagot ko agad ito.
"Girl, san ka ba nagsusuot at di kita mahagilap?" May halong tampong tanong ni Alexa sa kanya.
"Nagmalling." Sagot ko sa kanya habang nakaipit ang cellphone sa aking balikat at baba dahil naglalagay na ako ng lotion.
"Mag-isa? Andaya mo naman eh, di ka nag-aya." Nagtatampong sagot sa akin ni Alexa.
"Bukas na lang tayo magbonding. Dun tayo sa favorite place natin. G?" Pangaalo ko sa kaniya
"G!" walang kaabog-abog at patili pang sagot ni Alexa.
Nagkwentuhan lang kami saglit tungkol sa mga araw namin nang mapagkasunduan kung anong oras at saan kami magkikita ay nagpaalam na akong magpapahinga. Yun lamang at tinapos namin ang tawag na yun ni Alexa.
Nahiga na ako sa aking double sized bed ngunit di ako dalawin ng antok. Kinuha ko ulet ang cellphone ko sa aking nightstand atsaka tinignan ang aking social media accounts.
Pagbukas ng f*******: app ay bumungad ang 70 plus notifications. Lahat ay masayang pagbati para sa aking graduation. Isa-isa kong nilagyan ng heart reaction ang lahat ng pagbati saka ako nagpost ng status at story bilang pasasalamat sa lahat ng bumati sa akin.
Pagbukas ko naman ng Messenger app ay bumungad ang mahabang listahan ng new messages. Isa-isa kong binasa ang lahat ng mensahe at sinagot ng maiiksing reply na "Thank you" lamang.
Ganun din ang ginawa ko sa i********:.
Napagisipan kong manuod na lang ng Netflix pampaantok. Bago ko pa man mapindot ang app ay natuon ang pansin ko sa isang ad sa f*******:.
Tungkol ito sa Financial literacy.
Nacurious ako kaya binuksan ko yung ad. Saka bumukas ang video na nangeenganyong umattend sa webinar tungkol sa pagiging masinop sa pera at mga paraan kung paano
palaguin ito.
Nagregister ako para makasama sa webinar tutal online meeting lang naman ito at hindi pa naman ako magtratrabaho hanggang sa susunod na buwan.
May minimal fee itong one hundred fifty pesos na binayaran ko gamit ang aking electronic wallet.
Matapos kong makuha ang payment receipt sa aking email ay sumunod kong natanggap ang meeting details ng webinar.
Sa isang gabi pa ito gaganapin pero naeexcite na ako sa mga pupuwede kong matutunan.
Hindi pa din ako makatulog kaya itinuloy ko na ang panunuod ng aking paboritong Netflix series, ang Teen Wolf.
Guwapong-guwapo ako sa supporting actor na si Tyler Hoechlin. Gumanap siya bilang si Derek Hale. Sabi ko sa sarili ko, kung di rin lang naman kasing guwapo at ganda ng katawan ng idol ko, di na lang ako mag-aasawa. Sabay hagikgik sa sarili ko.
Pero alam ko sa sarili ko na mahirap ang magsalita ng tapos kaya ang dream guy ko ay hanggang pangarap na lang talaga.
Natapos ko ang 2 episode pero di pa din ako dalawin ng antok. Maghahating gabi na. Naisipan kong magtimpla ng gatas baka sakaling antukin na ako.
Habang patungo sa kusina nakita ko sa coffee table sa sala ang dyaryo ngayong araw. Pagkatapos magtimpla ng mainit na gatas ay kinuha ko ang dyaryo at saka bumalik sa kuwarto ko para magbasa.
Binuklat ko sa Business section ang dyaryo. Natuon ang aking pansin sa stock market. Nagaaral pa lang ako ay ito na ang pinakapaborito kong subject.
Flat one ang aking marka sa subject na ito.
Nung mag on the job training kami ay swerteng sa stock exchange company ako nakapasok. Nakakamanghang panuorin paano sa isang iglap ay tataas ang value ng stocks ng isang kumpanya at paanong ganun din kabilis ay bubulusok ito pababa. Lahat ito nakadepende sa kung anong nangyayari sa pamamahala at publicity ng mga malalaking kumpanya.
Nang gabing iyon ay napagpasyahan kong ilaan ang nalalabing araw ng aking bakasyon para mag-invest sa stock market.
Inaral kong mabuti ang galaw ng stock market mula ng nakalipas na tatlong buwan pati na ang projection ng stocks sa mga susunod na anim na buwan.
Hindi ko namalayang magaalas dos na ng umaga. Ang kagandahan lang ay pagod na ang aking mga mata kaya pumikit na ako’t nagpatangay sa agos ng antok.