Chapter 3 - Investments

2175 Words
Mag-aalas otso ng umaga ng magising ako. Dahil wala naman akong pasok at hindi naman alam ng inay na may lakad ako ngayong umaga kaya hinayaan niya akong matulog at magising ng kusa. Paglabas ko ng kuwarto ay dumiretso ako ng kusina. Natakpan ng pantaklob ng pagkain ang agahan kong itinabi ng inay. Ang paborito kong tapsilog at may ginising itlog na may halong ampalaya. Matapos maghilamos at magmumog sa aming lababo sa kusina ay kumuha ako ng paper towel saka nagpunas ng mukha. Nagtimpla ako ng kape saka nagalmusal na. Siya namang dating ng inay bitbit ang mga pinamili niya sa talipapa malapit sa aming subdivision. Nilalakad niya lamang ito na siyang nagsisilbing exercise niya sa umaga at hapon. "Buti naman at gising ka na. Pumunta sa opisina ang tatay mo, nagpasya siya kagabi na magpafile na siya ng retirement." Kuwento ng inay habang inilalabas sa basket ang karne at gulay na pinamili niya. Bago ngayong umaga ay nakakuha ng dalawang linggong leave ang tatay para matuloy ang balak naming pag-uwi ng probinsiya para madalaw ang mga lolo at lola. "Wow, nay! Magsisigang ka ng baboy? Sayang naman at nakaoo na ako kay Alexa na magkikita kami para magbonding ngayong umaga." Isa sa mga paborito ko ang sinigang. Mapa baboy, lamang dagat o baka pa yan. Ang sarap higupin ng mainit at maasim na sabaw. "Ganun ba?" Pagkumpirma ng inay, "Eh di mamayang gabi ko na lulutuin ito. Kakain na lang kami ng tatay mo sa labas pagbalik niya. Matawagan nga. Inilabas ng nanay ang kanyang cellphone saka tinawagan ang tatay. Ako naman ay nagpatuloy sa pagkain ng almusal. Bumalik na sa lababo ang inay para iayos ang pinamili niya sa ref. "Nay, sa tingin niyo kung kukuha tayo ng sasakyan ngayon mailalabas kaagad natin?" Wala sa hinuhang tanong ko sa kanya. "Hindi ko alam anak pero pwede natin itanong sa Uncle Arthur mo, hindi ba at ahente siya ng sasakyan?" Sagot ng nanay. "Oo nga pala. Nay pwede bang kayo na tumawag sa Uncle Arthur para itanong at kung anu-anong kakailanganin para makakuha ng sasakyan. Maganda sana kung mailabas kaagad para yun na gagamitin natin pauwi ng probinsiya sa makalawa." "Sige, tatawagan ko siya maya-maya. Magkikita na lang kami ng tatay mo sa mall papuntang Lagro. Gagayak na ako. Ikaw ba?" Tanong sa akin ng inay. "Gagayak na din po pagkatapos nito," sagot ko habang naghuhugas ng aking pinagkainan. "O siya, magiingat at magenjoy kayo ni Alexa." Yun lamang at nagtungo na ang inay sa kwarto nila. Pumasok na din ako sa kwarto para maligo. Tumunog ang cellphone ko, isang text galing kay Alexa. "Girl, getting ready na. See you in a bit." Tumipa ako ng reply, "See you. Ingat." "Anak, mauna na ako at nasa Commonwealth na daw ang tatay mo."Huwag mong kakalimutang ilock ang bahay." Sigaw ng inay sa may pintuan ng aking kwarto. "Opo. Ingat at enjoy kayo ng itay sa date niyo." Kinikilig pa akong tumugon mula sa banyo habang naliligo. Pagkabihis ay bumiyahe na din ako para magtungo sa paborito naming hangout ni Alexa. Sa likod lamang ito ng aming paaralan. Bookstore, library at cafe na pinag-isa. Ang cafe ay napapalibutan ng bookshelves. Maging ang counter at mga ilalim ng mga mesa ay puro libro. Pero ang totoong rason bakit ito ang pinakapaborito naming tambayan ay magkaiba. Si Alexa ay crush ang may-ari at manager dito na si Darius. Ako naman paborito ko ang pizza meals combo nila. The best ang pizza recipe na sinamahan ng masarap na fried chicken at ang frapuccino. Halos sabay kaming dumating ni Alexa sa cafe. Pagbaba ko ng taxi ay siya namang pagparada niya ng kanyang Mini Cooper. Hinintay ko siya hanggang sa makababa siya ng kanyang sasakyan at sabay na kaming pumasok na magkaakbay at hawak ang baywang. "Dalawang araw lang tayong di nagkita namiss na kita," bungad sa akin ni Alexa habang inaakyat namin ang ilang baitang papuntang entrance ng cafe. "Sus, para namang isang taon tayong di nagkita." Pambubuska ko sa kanya. "Hi ladies!" Sigaw ni Darius mula sa counter pagpasok pa lang naming sa pinto ng cafe. “Is it the usual?" Tanong niya sa amin. "Yes!" Kilig na sagot ni Alexa sa kanya. "Coming right up!" pagacknowledge ni Darius sa aming order. Tumungo kami sa aming favorite spot. Kung saan kitang-kita ni Alexa ang mala Jericho Rosales na kagwapuhan ni Darius. Sumulyap pa ang bestfriend ko dito bago niya ako tinadtad ng sermon. "Oy girl, anong meron bakit nagmalling kang mag-isa kahapon? Tindi talaga nito oh, di nag-aya. Alam mo bang bored na bored ako sa bahay kahapon kaya kita tinatawagan, di kita makontak. Anyare sa'yo girl?" Parang armalite na sunod-sunod ang tanong sa akin ni Alexa. Ngumiti ako ng pino saka ko siya sinagot, "Wala naman. Naisip kong magmuni-muni kaya ako nagmalling. No offense ha, sigurado akong di ako makapag-isip pag kasama kita kasi tulad nito sigurado maghapon nanaman tayong magkukuwentuhan." "Grabe talaga ito. Hmp!" Sabay irap sa akin pero umaliwalas ang mukha niya ng dalhin ni Darius mismo ang aming order. "Pizza-chicken combo for you Angeli and Garden pizza and mozzarella sticks for your sweetness, Alexa," sabay kindat nito sa aking kaibigan habang inaabot ang kanya-kanya naming plato ng pagkain. "I heard you ladies just graduated. Congratulations! At dahil regular customer kayo dito sa cafe, your meals today are on the house," guwapong-guwapong nakangiti at kitang-kita ang mga pearly whites na pagbati sa amin ni Darius. "You didn't have to, but thank you, Darius. We will surely miss this place when we start working." Medyo may lungkot sa tinig ni Alexa. Pero alam kong pag day off namin ay pupunta at pupunta pa din kami dito sa cafe ni Darius. "Aw, so hindi ko na madalas na makikita ang pinakamagaganda sa mga regular customers ko?" Ramdam ko ang lungkot sa tinig ni Darius kahit parang bata na nakanguso ito. "Don't worry, we will visit often." Pilit kong pinasasaya ang medyo lumungkot na atmosphere. "So I guess it's really time for me to ask." Sambit ni Darius habang nakatingin nang may kabuluhan kay Alexa, "Can I take you out for dinner, Alexa?" "What?" Gulat pero alam kong abot hanggang langit na naglululundag ang puso ng bestfriend ko sa tuwa. "Uhm, puwede ba tayong magdinner minsan?" Ulet na tanong ni Darius kay Alexa. Halata sa ngiting nakaplaster sa guwapong mukha nito ang pagsamong pumayag sana ang kaibigan kong tila natunaw na sa kilig. "Earth to Alexa," I snapped my fingers to wake her up from daydreaming. "Tinatanong ka po ni Darius kung puwede daw kayong magdinner?" Pilit kong tinatago ang aking pagtawa sa naging reaksyon ng kaibigan ko sa tanong ng crush niya. Mula ng madiskubre namin ang cafe at masilayan ni Alexa si Darius ay para itong nalove at first sight. Buhat nuon ay madalas duon na kami tumatambay kapag walang klase o absent ang prof. Mabait at very accommodating sa staff si Darius. Nakikita din namin na mahal na mahal ito ng kanyang crew. Sabi nga ng isa sa mga ito nang minsang nagkakuwentuhan kami ay para silang pamilya dito. Maganda ang pasahod higit sa lahat ang management style ni Darius. Lalo tuloy nainlove si Alexa sa kanya. "Ha? Ah eh, ngayong gabi na ba?" Natatarantang sagot ni Alexa habang abot hanggang dulo ng magkabilang tenga ang kanyang mga ngiti. "Ikaw ang bahala," nakangiti pa din ito ng matamis habang titig na titig sa magandang mukha ng aking kaibigan. "Let me know when you're free." Yun lang at tinambol ng dalawang kamay niya ang dulo ng aming mesa saka patalikod na lumakad pabalik ng counter. Para bang ayaw niyang mawala sa paningin si Alexa. Kung mala Jericho Rosales ang kaguwapuhan ni Darius ay parang si Anne Curtis naman ang ganda ng aking bestfriend. Kung looks lang din naman, match na sila. Parehas guwapo at maganda. Parehas din silang may mabuting puso at higit sa lahat parehas na may sense of humor. Kahit may pagkamaldita itong si Alexa ay nasa lugar naman kung umattitude ito. Hangga't kaya ay magpapakacivil siya pero kung plain stupid at a**hole ang kaharap niya ay lumalabas ang pagkadragon niya. Pero ngayon, para siyang isang harmless butterfly na kalalabas lang sa cocoon sa ganda at haba ng hair niya. "Oh, let him know daw when you're free," pang-aasar ko sa kanya. "OMG, girl! All the while akala ko hindi na ako mapapansin ng dream guy ko," kilig na kilig pa ding sambit nito. "So kailan ka nga free for a dinner date with him?" Tanong ko ulet habang nangingiting kinakain ang aking New York Style Pizza. Kinuha ko ang manok at saka kumagat sa napakajuicy nitong laman. "Okay lang ba sa'yo kung icut natin ang bonding nating ito? Please?" Ginagamit nanaman niya ang kanyang puppy eyes. Ganito siya lagi pag humihingi ng pabor sa akin. "Go ahead!" Malapad ang ngiting sagot ko sa kanya. "Yieeee. You're the best!" Sabay yakap sa akin ng mahigpit. "Ano pang hinihintay mo dyan, go tell him!" Ipinilig ko ang aking ulo sa direksyon ni Darius. Napapalakpak pa siya saka parang batang naglululundag sa excitement papunta sa counter. Saglit lang silang nag-usap at bumalik na si Alexa sa table namin. "He'll pick me up tonight at six-thirty." Itinaas pa niya ng dalawang beses ang kaniyang mga kilay, pumulot ng mozzarella sticks at saka sumipsip ng kanyang cookies and cream frapuccino. Maaga pa naman, alas onse pa lang ng umaga. Napag-usapan namin ang aming magiging trabaho pagkatapos ng bakasyon. Sa San Jose Delmonte, Bulacan ang dalawang branch ng Supermarket na maassign sa akin. Pabor sa akin dahil malapit lang ito sa amin sa Fairview. Si Alexa naman ay sa San Pedro, Laguna. Marami pa kaming napag-usapang kung anu-ano lang. Mag-aalas dos ng hapon ng maghiwalay kami ni Alexa. Mula sa cafe ay dumiretso ako sa mall sa North EDSA. Naisip kong bumili ng libro tungkol sa stock market. Kaya dumiretso ako sa bookstore at pumili ng dalawa. Nang papunta ako sa counter para magbayad ay may tumawag sa akin. "Angeli Punzalan! What a pleasant surprise?" "Christine Miranda! I thought you're out of the country?" May galak sa puso ko na makita si Christine. Nung mag-OJT ako sa stock exchange market ay siya ang naging mentor ko. Kagabi ay nagemail ako sa kanya para magtanong ng tungkol sa stock market pero sabi sa automated response ng email niya ay out of the country siya. Hindi ko alam ang cellphone number niya. Wala naman siyang social media accounts. Isa siya sa mga taong gusto ng tahimik na buhay at naniniwalang ang social media ay hindi tulay para paglapitin ang malalayong magkakamag-anak o magkakaibigan. Bagkus ay lalo lamang nitong pinaglalayo ang mga tao. Kaya isang himala talaga ang makasalubong o katulad nito makabangga siya sa isang random na lugar. Big time na ngayon itong si Christina. Hindi dahil namamasukan siya sa isang sikat na stock exchange company kung hindi dahil siya mismo ay nagiinvest sa mga stocks. Kaya gusto kong humingi ng payo sa kanya pagdating sa pag-iinvest. "I just got back last night. Reading about stocks? Favorite subject mo talaga yan ano?" Nakangiting sagot niya sa akin habang tinitignan ang mga librong hawak ko. "Oo. I want to learn more from the best sana. Kaya ako nagemail sa'yo. When you're free can we have coffee or grab something to eat?" Sinubukan kong gamitin ang puppy eyes sa kanya. "I'm free now, until six pm. I have a dinner date by then." Malapad ang ngiting sagot niya sa akin. "Come on, let's have coffee." Aya nito sa akin. Binayaran ko muna ang mga librong napili ko saka kami pumunta sa isang sikat na coffee shop sa rooftop garden ng mall. Bukod sa mga kapeng inorder niya para sa amin ay bumili din siya ng cakes at sandwiches. Alam na alam pa din ni Christina ang paborito kong inoorder nung nagoOJT pa ako. Hindi ko sinabi sa kanyang nanalo ako sa lotto. Sinabi ko lang na bibigyan ako ng itay ng malaking halaga bilang regalo sa nagdaang graduation ko at gusto kong mag-invest sa stock market para palaguin ito. "That's a very good decision, my dear. You're not just smart but truly an intelligent young lady." Isang napakagandang compliment mula sa isang napakasuccessful na tao. Hindi maarte si Christina. Simple lang siyang manamit pero mahihimigan mo ang class sa kanyang pagkatao. Tulad ngayon, nakasimpleng black dress lang siya na hapit sa balingkinitan nitong katawan. Relo at stud earrings lang ang suot niya. Mayroon lamang siyang maliit na designer handbag. Pero napakaganda niyang tignan. Marami din kaming napagkuwentuhan kung anu-ano. Sa edad na thirty-five ay may sarili na itong bahay, sasakyan at ang pinakamaganda sa lahat ay nakakapagtravel siya saan man niya gusto. Ganun ang gusto ko. Gumawa ng maraming memories kasama ang aking mga magulang habang kaya pa nilang magtravel. Sa dami ng isinakripisyo ng aking mga magulang para sa akin ay nararapat lamang na suklian ko ang mga iyon ng magaan at magandang pamumuhay lalo na sa kanilang pagtanda. Kaya naman dapat talaga na maginvest ako sa mga bagay na makabuluhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD