Sumubok akong mag-invest sa stock market. Sinunod ko lahat ng payo ni Christina. Marami din akong natutunan sa mga librong binili ko at duon sa webinar na dinaluhan ko. Lahat ng kaalamang iyon ay ginamit ko sa aking investment.
Nag-umpisa ako sa mababang halaga bumibili ng stocks sa mga trending upward na mga kumpanya tapos ibebenta ko ng mas mahal, sabi nga nila "buy low, sell high".
In one month lumaki ng tatlong beses yung unang investment ko. Naengangyo ako, kung bisyo ang magtrade sa stock market masasabi kong nahook na ako.
After three months naginvest pa ako sa ibang kumpanya, nasa anim na kumpanya na ang nabilhan ko ng stocks gamit lamang ang capital na ginamit ko nung una akong maginvest. Pinaikot ko lang yung kinikita ko sa stock trade sa iba't-ibang kumpanya.
Yung isang milyon na ininvest ko three months ago, ngayon nasa twenty million na. Iba talaga kung pinag-aaralan ng maigi at pinaplano ng mahusay ang isang bagay.
Masaya akong nakilala at nagpaturo kay Christina. Hanggang ngayon ay inaaral ko pa kung paano magiging mas profitable ang investment ko sa stock market.
Sa kabila ng pagtrade ko sa stock market ay natuloy akong namasukan bilang Branch Manager sa dalawang branches ng Supermarket chain nina Alexa.
Yung buwanang sweldo ko ang siyang ginagamit namin nina itay at inay para sa aming pang araw-araw na gastusin sa bahay.
Yung napanalunan ko ay nasa bangko lang. Ang mga kinikita ko sa stock market ay nakatago din sa ibang mga bangko. Ang iba ay nakatime deposit, ang iba ay nakainvest sa insurance na may savings.
Sapat lang ang sweldo ko na umaabot ng bente kuwatro mil at may dagdag pa na travel at food allowance. Bukod duon ay may health insurance ako na binabayaran ng buo ng mga magulang ni Alexa. Kasama ito sa benefits and compensation package ng trabahong inalok nila sa akin na meron din ang ibang branch managers pati si Alexa.
Ang inay at itay ay meron namang sariling health insurance mula sa pagiging military officer ng itay ng ilang taon. Nakukuha nila ng libre ang consultation at ibang gamot na pang maintenance ng libre mula sa Veterans Memorial Medical Center.
Ang day off ko ay nagbabago kada dalawang linggo. Pero hawak ko ang oras ko. Sinisiguro ko lang na mabisita ang dalawang branch na hawak ko araw-araw.
At oo, nagretire na si itay dalawang buwan na ang nakakalipas. Kaya ngayon ay inaabala niya ang sarili sa pagkumpuni ng mga sirang gamit namin at magtanim ng mga halaman at gulay sa aming maliit na hardin na nasa harap ng aming bahay.
Ang inay naman ay masaya kaming ipinagluluto tatlong beses isang araw at limang beses sa isang linggo.
Sa mga araw ng day off ko ay sa labas kami kumakain. Kadalasan nagistaycation kami out of town. Gusto kong maenjoy nang tatay at nanay ang retirement nila lalo na at wala pa akong asawa.
Sinamantala ko din ang halos isang buwang bakasyon bago kami nagsimulang magtrabaho ni Alexa.
Gaya din ng una naming plinano nila itay ay umuwi kami ng probinsiya.
Tuwang-tuwa ang aking mga lolo at lola na halos isang taon naming hindi nakita. Naging abala ako sa OJT at Feasibility Study kaya hindi kami nakapagbakasyon.
Nagulat kami ng aking mga magulang ng tumigil ang aming sasakyan sa tapat ng ancestral home nila.
Siya nga pala, nakabili ako ng sasakyan gaya ng binalak namin ng inay. Isang MPV na kulay asul. Sakto lang ang laki at luwag ng sasakyan para sa plano naming mga gala na sisimulan namin matapos ang effectivity ng retirement ng itay.
So ayun nga, di namin inaasahang nagpahanda ang mga ito para magblow out sa aming mga malalapit na kamag-anak at kaibigan.
May malaking tarpaulin na nakasabit sa bintana mula sa ikalawang palapag ng kahoy na bahay ng mga magulang ng itay. Nasa kaliwang gilid ng tarpaulin ang aking graduation picture at isang amateur na kuha habang ibinibigay ko ang aking valedictory address at sa kanan nito ay ang napakalaking "Congratulations Angeli Punzalan," sa baba nito ay mas maliliit na letra pero nababasa pa din sa malayong nakalagay na "Suma Cumlaude Business Administration Major in Business Management."
Hindi makapasok sa may garahe ang aming sasakyan kahit pa napakalawak ng bakuran dahil sa dami ng lamesa at upuan na nakaayos sa kabuuan ng bakuran na siya namang inuukupa ng mga naunang dumating na bisita.
Ipinark ko ang sasakyan sa may labas ng bakod na gawa sa mga tubo at chicken wire lang. Nang maiayos ko ang sasakyan para di maging abala sa ibang sasakyan na dadaan sa kalsada ay lumabas na kami ng sasakyan.
Nauna ang tatay na lumabas mula sa passenger seat para pagbuksan ang nanay na nakaupo sa center seat ng sasakyan. Mamaya na namin ibababa ang aming mga dala.
Nang pumasok ang inay at itay sa bakuran ay lumabas na ang mga lolo at lola mula sa loob ng bahay na may mga dalang tray ng pagkain na inilapag muna nila sa nakahandang buffet table sa may kanang bahagi ng bakuran bago nila kami sinalubong.
"Angeli, apo" salubong ng aking lolo na nakalahad na din ang dalawang mga kamay naghihintay na yakapin ko siya.
Nang makalapit ako sa kanila ay agad akong yumakap una kay lolo. Mahigpit niya akong niyakap at isinayaw ng pakanan at pakaliwa bago pinakawalan para mabati at mayakap naman ang aking lola.
Naroon din ang mga magulang ng inay na tumayo na din sa kanilang kinauupuan para batiin kami. Agad ko din silang nilapitan at niyakap din ng mahigpit.
Nakita ko sa mga mata ng aking mga lolo at lola na proud na proud sila sa paggraduate ko bilang Suma Cumlaude.
Isa-isa na ding lumapit ang ibang mga kamag-anak namin para batiin kami.
Sa iisang baranggay lang lumaki ang aking mga magulang. Kung tutuusin ay magkababata sila. Graduate din ng Accountancy ang aking ama at ang aking ina naman ay nakapagtapos bilang guro pero mula ng ikasal sila pagkagraduate nila ng college at ipagbuntis ako ng inay ay di na pinagtrabaho ng itay si inay dahil maselan siyang magbuntis.
Siguro yun na din ang dahilan bakit ako lang ang anak nila. Kuwento ng inay ay tatlong araw siyang naglabor sa akin at bago niya ako ipanganak ay nakabed rest siya ng buong siyam na buwan.
Kung tutuusin ay halos kamag-anak namin ang buong barangay. Kaya masasabing ang blow out ng aking mga lolo at lola ay parang baranggay fiesta.
Sa dami ng bisita ay halos inabot ako ng kalahating oras para tanggapin ang pagbati ng lahat.
"Mamaya na ulet ang kamustahan at pagbati sa ating Suma Cumlaude, kumain na muna tayo at umpisahan na ang kasiyahan!" Sigaw ng Lolo Temiong ko, ang tatay ng aking ama.
Ang pinsan at bestfriend kong si Marian ay kinuha ang mikropono mula sa videoke at nagsilbing party host namin ng umagang iyon.
"Magandang umaga sa ating lahat mga kafamily! Ngayon nga ay ipagdidiwang natin ang tagumpay ng ating kafamily na si Angeli! Insan-bff, congratulations muli sa iyong pagtatapos bilang Suma Cumlaude. Lahat kami rito ay proud na proud sa'yo." Nakangiting sambit niya gamit ang mikropono.
Si Marian ay anak ng aking tiyuhin na nakatatandang kapatid ng itay na si Uncle Redo. Magkasing edad lang kami nito at sabay kaming lumaki sa Barangay Isidro dito sa bayan ng San Bartolome, Pangasinan.
Maganda ang aming probinsiya na napapaligiran ng bulubundukin ng Caraballo. May hot spring din ilang kilometro lang ang layo sa amin na nagmumula sa natutulog na bulkan ng Isidro.
Magkatapat lang din ang mga bahay ng Lolo Temiong at Uncle Redo. Wala kaming sariling bahay sa probinsiya dahil sa Manila na nakabili ang itay at inay ng lupa at bahay. Kaya sa tuwing umuuwi kami ng San Bartolome ay nakikipisan kami sa mga lolo at lola. Minsan kina Lolo Temiong, minsan naman kina Lolo Pacio.
Balik sa handaan, si Marian ang nagannounce na upang maging maayos ang pagkuha ng pagkain na inayos ng Lola Viring na buffet style ay isa-isang tinatawag ang table number na nakasabit sa isang kumpol ng Daisies bilang palamuti o center table. Matapos ang ilang pagtawag ay halos may pagkain na ang lahat.
"Puwede po tayong bumalik sa buffet table, naka-unli po tayo ngayon. Salamat sa mga sponsor nang ating selebrasyon ngayon, Lolo Temiong, Lola Viring, Lolo Pacio at Lola Oriang pati na rin sa mga nagluto at nahanda ng ating mga pinagsasaluhan, Tatay Redo, Uncle Arthur, Auntie Alicia at Auntie Ayang. Sa mga nagluto ng panghimagas at nagayos dito sa ating kinakainan, Tiyo Berto, Tiyo Teban, Tiya Luz at Tiya Ana.
Yung mga gusto pong mag-inom, pasensya na ayaw ng Lola Viring sa alak pero marami tayo dyang softdrinks at tubig. Kung gusto niyo talaga uminom ng alak, pwede naman daw pero kanya-kanyang bili." Sabay kamot sa batok niya.
"Yung mga gusto naman pong magvideoke, heto na po ang Mic. Inyong-inyo na po at gutom na din ako," pahabol niya at tumugon ang karamihan ng halakhak.
Likas ang sense of humor kay Marian. Kahit saan siya mapadpad ay madali siyang makisalamuha. Kaya naman bagay na bagay sa kanya ang kinuha niyang kursong Tourism. Pagkababa niya ng mikropono ay lumapit siya sa akin at yumakap ng mahigpit.
"Nagustuhan mo ba ang aming surpresa?" Sabik niyang tanong sa akin.
"Ikaw ba ang may idea ng lahat ng ito?" Balik na tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya at ngumiti ng pagkatamis-tamis saka yumakap sa akin ng mahigpit.
"Hindi naman kailangan, Rian pero salamat." Ginantihan ko siya ng yakap na mahigpit.
"Proud lang kami sa achievement mo Gelay," ipinilig niya ang kanyang ulo sa aking balikat at saka ako hinila sa buffet table.
"Hindi ba at gagraduate ka din ngayong taon?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, sa susunod na buwan ang graduation namin," nakangiting sagot niya habang sumasandok ng pagkain.
Kumuha na din ako ng pagkain dahil ginutom ako sa dami ng nangyari mula umagang bumiyahe kami galing sa Maynila hanggang sa oras na ito.
Nang makakuha na kami ng pagkain ay umupo kami sa isang bakanteng lamesa malapit sa videoke at saka inenjoy ang aming pagkain.
The best talagang magluto ang mga tiyuhin at tiyahin ko. Sarap na sarap ako sa Igado, Pinakbet at lahat ng dessert na nakahain sa mesa. Mula sa Maja Blanca, puto at kutsinta, nilupak at biko hanggang sa halu-halo at mga salad.
Mistulang handaan sa piyesta ang buffet set-up.
Normal sa mga lolo at lola ang magdiwang ng ganitong okasyon. Very proud sila sa achievements naming mga apo nila. Si Marian ay gagraduate din with honors sa susunod na buwan at sigurado mapapauwi nanaman kami ng inay at itay.
Hindi naman masasabing mayaman ang pamilya ng aking itay at ganun din ang aking inay. Likas lamang na masipag ang aking mga lolo sa pagmanage ng kanilang mga bukirin kaya naman nakakaluwag-luwag sila.
Idagdag pa ang pagiging masinop sa pera ng aking mga lola. Based on experience siguro dahil madalas ikwento ng Lola Isya, kapatid ng aking Lola Oriang na sanay silang magbanat ng buto mula pagkabata nila.
Kwento din ng itay na maging sila ay lumaking katuwang ng aming mga lolo at lola sa mga gawain sa bukid. Kaya sanay na sanay sa trabaho ang aming pamilya.
Nag high school ako ay nagabroad ang inay sa Kuwait, namasukan bilang domestic helper para makaipon ng aking pangcollege. Apat na taon din siya duon at masuwerteng sa mabait na amo siya napunta kaya bukod sa buwanang sweldo ay nakakakuha ito ng bonus na katumbas ng kalahating buwan na sahod niya. Tagapag-alaga ng matanda ang naging trabaho ng inay duon. Alam ng amo niya kung gaano kahirap mag-alaga ng bedridden kaya naman ay napakagalante nila sa kanya. Umuwi ang inay nang Pilipinas nung mamatay na ang alaga niya ng dahil na din sa komplikasyon ng mga sakit niya.
Habang nasa abroad ay patuloy na nagsilbi naman sa military ang itay sa Finance Department. Bilang Accountancy graduate ay sa opisina lang ito naassign hanggang sa mapromote at magretire.
Simple lang ang aming buhay pero hindi iyon dahilan para magwaldas ng pera nung dumating ang napakalaking suwerte sa aming buhay.
Kuntento kaming magkakasama at kumakain tatlong beses sa isang araw.
May isa lang kaming naging bisyo simula ng magretire ang itay, ang magtravel. Balak kong libutin ang Pilipinas habang malakas at nakakabiyahe pa ang aking mga magulang.
Nang matapos kumain ang lahat ay inumpisahan naman ng iba ang pagvivideoke.
Nilapitan ko ang dalawang pares ng mga lolo at lola ko na nakakumpol sa isang lamesa malapit sa pintuan ng bahay.
"Sa susunod na buwan ay si Marian naman. Suwerte natin sa mga panganay nating apo dahil gagraduate din siya bilang Magna Cumlaude," Mahihimigan ang pagmamalaki sa sinabi ni Lolo Temiong.
Gagraduate palang Magna Cumlaude si Marian di man lang niya binanggit sa akin. Pero okay lang, sigurado akong gusto niya lang ako isurprise. Mahilig sa surpresa ang pinsan at bff kong ito.
Matapos ang isang mahabang araw, bago pa man mag-alas tres ng hapon ay nagpulasan na ang karamihan sa mga bisita.
Nagsimula na din magligpit ang aking mga pinsan na nakababata lang ng very light. Tuwang-tuwa sila habang nagbubuhat at pinagpatung-patong ang mga plastic na upuan ng tig-sampu.
Nang mailigpit ang ilang mesa at upuan sa may garahe ay ipinasok ko na ang aking sasakyan.
Kinuha ko ang aking bag atsaka umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Gawa ang sahig sa matibay na kahoy na pinakintab ng floor wax.
Tinungo ko ang kuwartong ipinahanda ng lola para sa akin. Inilapag ko ang bag sa dulo ng kama atsaka naglabas ng bihisan.
Pumasok ako sa banyo atsaka naligo ng mabilis.
Apat na araw kami dito at ipinangako ko sa sarili ko na mageenjoy ako sa bakasyon namin na ito.