Pagdating sa bahay ng Lolo Temiong galing ng San Fernando ay inayos ko na din ang mga gamit kong iuuwi sa Maynila. Makabuluhan ang tinginan naming magpinsan habang tahimik na nageempake ng mga gamit ko.
Bumalik kami ng Isidro ng sumunod na buwan para daluhan ang graduation ni Marian at siyempre ang blow out ng Lolo Temiong para sa kanya. Pagbalik namin ng Maynila ay kasama na namin si Marian.
Dahil parehas kaming nasa Maynila ni Enrico ay hindi naging mahirap sa amin ang magkita lalo na tuwing off namin.
Minsan ay sabay kaming magdinner pagkagaling ko sa San Jose Delmonte branch na hawak ko. Minsan duon lang kami sa condo niya na nasa kalagitnaan ng Mandaluyong. Mag-eenjoy sa pagswimming at magsasalo ng ilang maiinit na sandali bago niya ako ihatid sa aming bahay sa Quezon City.
Hindi pa ako handa magkababy pero hindi namin mapigilan ang darang ng aming mga damdamin. Kaya naging maingat kami. Gumagamit siya ng condom tuwing magniniig kami. Ako naman ay nagpaturok sa isang specialistang OB. Ayaw niya akong bigyan nung una ng injectable contraceptive dahil bata pa daw ako pero nagpumilit ako kaya nang kalauna'y pumayag na din ang middle aged woman na doktor ko.
Si Marian ay nag-aral naman ng Language courses sa TESDA habang inaasikaso namin ang mga kakailanganin para sa aming itatayong agency. Tuwing off nila ni Jerome ay isinasama siya nitong pauwi ng San Bartolome.
Every other week naman ay tinutupad ko ang pangako sa inay at itay na lilibutin namin ang Pilipinas. Yakag namin palagi si Marian at kung minsan ay kasama pa sina Enrico at Jerome.
Masaya kami at lalong lumalalim ang pagmamahal namin sa isa't-isa. Pero nang dalhin niya ako sa bahay nila para ipakilala sa mga magulang niya ay may nangyaring hindi ko inaasahan.
Malugod akong tinanggap ng ama at ina ni Enrico. Tuwang-tuwa pa ang mga ito ng malaman na nagtapos akong Summa Cumlaude sa Business Administration. Habang nagsasalu-salo sa hapunang inihanda ng kanyang ina ay may isang babaeng nagpupumilit pumasok sa bahay nila sa San Bartolome.
Nageeskandalo ito.
"Enrico!" Sigaw nito ng paulit-ulit. Kahit anong pigil ng mga kasambahay ay pilit nitong winawaglit ang mga ito sa kanyang daanan.
Nang makarating sa dining area ay sumigaw ito, "Buntis ako, kailangan mong panagutan ang batang ito." Turo nito sa kanyang tyan na halata na ang umbok.
Natigilan ako sa aking kinauupuan at nabitawan ang kubyertos na hawak ko. Hinintay ko ang reaksyon ni Enrico pero tumungo ako. Naiiyak. Nagtatanong, "Bakit ganito?"
Tumayo ito sa kinauupuan at lumuhod sa aking harapan, pilit niyang kinukuha ang atensyon ko pero nanatili akong nakayuko.
"Iha, tumuloy ka at maupo. Kalmahin mo ang sarili mo at aayusin natin ang gulong ito." Pahayag ng ina ni Enrico na naguguluhan sa mga pangyayari pero nanatiling kampante.
Sa tantya ko ay apat na buwan nang buntis ang babaeng ito. Ibig sabihin ay nangyari kung anuman ang namagitan sa kanila bago kami magkita muli ni Enrico.
Madilim naman ang mukha ng ama ni Enrico na nakatitig sa babae pero nanatili itong tahimik.
Ang babae ay nakatingin sa amin ni Enrico hindi makapaniwalang hindi man lang siya tapunan ng ngiti ng aking nobyo.
Pagkuwa'y nagsalita ang ama nito, "Pananagutan ni Enrico ang mga obligasyon niya bilang ama sa bata pero kung ang gusto mong mangyari ay pakasalan ka ng anak ko, siya lang ang magdedesisyon sa bagay na yun."
Umangat ang mukha ni Enrico na sa unang pagkakataon buhat ng dumating ang babae ay tinignan niya ito.
"That was just one night, Lianne and without my consent!" Matigas ang tinig niyang siniwalat sa harap ng lahat.
"I could sue you for rape or after ng paternity test at mapatunayan kong hindi akin ang batang yan ay sasampahan din kita ng slander. Everyone knows you're sleeping around with any guy you encounter." Pagpapatuloy nito. Walang himig ng pagbabanta dahil nararamdaman kong tototohanin niya ito.
Nagangat ako ng mukha para makita ang reaksyon ng babae na mukhang hindi natinag sa sinabi ni Enrico.
"Kakasauhan mo ako ng rape, who will believe you? Me a petite little girl would dare to rape a huge guy like you?" Mataray pang sagot nito.
"I have evidence and I kept it with me knowing you are capable of something like this." Matapang ding sagot ni Enrico.
Hindi na nakasagot ang babae at napalunok pa ito sa tinuran ni Enrico.
"I'll have our driver pick you up tomorrow. My wife and I will accompany you to an OB Gyne and we'll have the paternity test done." May paninindigang turan ni Mr. Braganza saka ito tumayo at nilisan ang dining area.
Nilapitan ako ng ina ni Enrico. She squeezed my shoulders and held it there for a while before she patted them softly and spoke, "We will get this sorted iha, I respect how you feel but please don't make rash decisions because of this commotion." Pag-aalong sambit sa akin ng ina ni Enrico. Alam kasi nitong nung una kaming maghiwalay ay hindi kami nagkausap ng maayos.
Nakatayo pa din sa likod ko si Mrs. Braganza ng kausapin niya si Lianne.
"Thanks for ruining our dinner. You'll get what you deserve once we get the paternity test results. Ipahahatid na kita kay Mang Salvo." Tumalikod na ito at nagtungo sa kusina.
Napaawang na lang ang bibig ni Lianne na palinga-linga sa paligid. Hindi inakalang magiging composed ang mga magulang ni Enrico sa kanyang pagpasok sa eksena.
"Love, kausapin mo ako." Pakiusap ni Enrico.
Gulong-gulo ang isip ko pero dahil natuto na ako sa una naming paghihiwalay ay binigyan ko ng pagkakataong magpaliwanag si Enrico.
"Hinihintay na po kayo ni Mang Salvo sa front door." Ipinaalam ng kasambahay nina Enrico kay Lianne.
Tinignan ako nito mula ulo hanggang sa nakikita niyang beywang saka padabog na lumabas ng dining area.
"Love?" hinawakan ni Enrico ang mga kamay ko atsaka hinagod ng marahan.
"I was drunk nung may nangyari sa amin. It wasn't intended to happen. I have a video of that night, please, please, don't listen to her. Kung ako man ang ama ng bata dahil sa nangyari hindi ko tatalikuran ang obligasyon ko sa bata. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay." Tuloy-tuloy na paliwanag nito.
I feel betrayed and I'm drowned in my thoughts feeling lost with mixed emotions. But I can't discount the fact na natigilan si Lianne ng sinabi ni Enrico na may video ito ng gabing may mangyari sa kanila.
"Bakit ka may video sa nangyari?" Yun talaga ang gusto kong malaman kanina pa buhat ng banggitin niya ito kay Lianne.
"Jerome and I always looked out for each other. Naglasing ako ng gabing iyon dahil narinig ko ang grupo nila Joven na pinaguusapan ka." Tumigil muna ito, pinakikiramdaman kung ano ang magiging reaksyon ko. I felt numb so walang ano mang reaksyon siyang nakita sa akin.
"Nagcecelebrate kami nuon dahil birthday ni Marcus nang marinig kong halos ipagyabang pa niya na dalawa ang girlfriend niya. Nagkabalikan daw sila ni Milagros and you're still in a relationship with him. I almost lost it and I wanted to kill that bastard right there and then for playing you pero pinigilan ako ni Jerome."
"Pigil na pigil ko ang sarili ko while their ass of a group continued making fun of you. Nasa kabilang mesa naman sila Lianne. Lumapit ito sa amin at tumabi sa akin dala ang isang baso ng alak that she offered me. Wala sa loob kong ininom ko iyon and after a while nahilo ako."
"Jerome went to the security office with Dean, he owned the place and checked if Lianne drugged me and it was clear in the CCTV. She put something in that drink."
"Nang halos hindi na ako makatayo sa pagkalasing, she took me in one of the VIP rooms of the bar and did all the work herself. My friends were busy with their girlfriends and only Jerome saw what happened."
"Hindi alam ni Lianne na may CCTV sa halls and all VIP rooms sa bar ni Dean. Jerome asked Dean for copies of the security footage kaya may video kami of what happened that night. We all know what that b*tch is capable of."
Hinawakan ni Enrico ang baba ko at itinaas para makita ang mga mata ko na ng mga panahong iyon ay nangingilid na sa luha.
"That was one of the things that I could never be proud of. I know I can't go back to change that but please, love. Please don't let this get between us." Hinalikan niya ang mga kamay kong hawak na ng mga kamay niya.
Tinitigan ko ang mga mata niya at hindi ko magawang magalit dahil kitang-kita ko na nagsasabi siya ng totoo. Binitawan ko ang mga kamay niya atsaka ako yumakap sa dibdib niya.
He wants me to feel secured and to think na ng mangyari ang namagitan sa kanila ni Lianne ay ako pa din, kapakanan ko pa din ang kanyang naiisip and for that I don't have the right to blame him for what happened. Umaasa na lang ako na pag lumabas ang paternity test ay hindi siya ang ama ng bata sa sinapupunan ni Lianne.
Ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig at dahil mas matangkad siya sa akin ay hinalikan niya ang aking tuktok. Para bang nilalanghap ang amoy ng aking buhok na nagpakalma sa kanyang nabagabag na damdamin.
"Remember I love you and there will be no one else," paniniguro nito sa akin.
Dinala niya ako sa garden ng mansion nila para lumanghap ng sariwang hangin. Nilasap ko ang malamig na simoy at amoy na amoy ko ang sariwang damo at samyo ng mga bulaklak sa paligid. Napapikit ako sa kalmang dulot ng dumidilim nang paligid.
Hawak pa din ni Enrico ang mga kamay ko at inilapit niyang muli sa kanyang mga labi para halikan. Titig na titig siya sa aking mukha habang nakangiti matapos ang kaguluhang kinasangkutan niya kanina.
"Do you want to go inside?" Pilyong tanong nito.
"Ihatid mo na ako sa Isidro," pagputol ko sa iniisip at gusto nitong mangyayari.
"I understand. Let's go then," Inilahad niya ang isa pang kamay habang hawak pa din nito ang isa ko pang kamay.
Nakarating kami sa Isidro ng walang imikan. Mabigat pa din ang puso ko sa rebelasyon nito kanina. Nagpanggap akong nakatulog sa maiksing byahe kaya ng makarating kami sa harap ng bahay ng Lolo Temio magaalas siyete y'media ng gabi ay marahan niyang hinaplos ang pisngi ko para gisingin ako.
Nakatulog nga yata ako dahil pupungas-pungas pa akong tumingin sa kanya.
"We're here, love." Nakangiti at nakatagilid siyang tumititig sa akin. Bumaba siya ng driver's seat atsaka ako ipinagbukas ng pinto ng sasakyan at alalayan pababa mula dito.
"Halika, pumasok ka muna sa loob," yaya ko dito.
Nilakad namin ng magkahawak kamay ang gate papunta sa bahay. Inaabangan naman kami ng mga lolo at lola sa sala kaya dumiretso kami dito para magmano. Nagkwentuhan saglit sina lolo at Enrico bago nagpaalam ito na babalik na ng bayan. Susunduin na lamang ako nito pagluluwas na kami ng Maynila matapos mananghalian.
Dumiretso na ako sa kuwartong tinutulugan ko pag nasa Isidro ako. Gumayak na ako para matulog. Habang sinusuklay ang buhok ko para matuyo ay bumalik sa akin ang sinabi ni Enrico,
"Naglasing ako ng gabing iyon dahil narinig ko ang grupo nila Joven na pinaguusapan ka."
"... nang marinig kong halos ipagyabang pa niya na dalawa ang girlfriend niya. Nagkabalikan daw sila ni Milagros and you're still in a relationship with him. I almost lost it and I wanted to kill that bastard right there and then for playing you..."
"Pigil na pigil ko ang sarili ko while their ass of a group continued making fun of you..."
"That was one of the things that I could never be proud of. I know I can't go back to change that but please, love. Please don't let this get between us."
"Remember I love you and there will be no one else,"
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang mga messages ko. Puro sweet nothings from Enrico. Binuksan ko ang f*******: ko at nakita ang post ni Enrico na itinag ako, "Quoted from Billy Graham, "Nothing can bring a real sense of security into the home except, true love." Tapos ang silhouette picture naming magkaharap with the sunset as our background sa dagat ng San Fernando.
Betrayed and lost pero at the end of the day he still makes me feel secured.