Chapter 4 -Cherry-

2114 Words
❀⊱Cherry's POV⊰❀ Kailangan kong makaalis sa lugar na ito. As in now. Hindi ako pwedeng magtagal dito, at lalong-lalo na hindi ako pwedeng magpakasal sa matandang ‘yon. Over my dead body. Hindi pwedeng dito magtapos ang lahat ng pangarap ko sa buhay, at hindi sa ganitong paraan, hindi sa ganitong bangungot. Kung kinakailangan ko pang akitin o lokohin ang mga bantay sa labas ay gagawin ko. Kahit gaano pa kapanganib, basta makaalis lang ako sa lugar na ito at matakasan ko ang matandang 'yon. Kaya dahan-dahan akong sumilip sa pintuan, pero walang tao. Wala ni isang anino. For a split second, may konting pag-asa akong naramdaman, pero sinakal din agad ng kaba na akala mo ba ay may nakabara sa lalamunan ko. Mabilis ang pagtibok ng puso ko, parang gusto nang kumawala sa dibdib ko. My hands are trembling, my throat feels dry, at parang hindi ko na alam kung alin ang uunahin ko... ang tumakbo palabas o mag-isip ng plano. But one thing’s for sure, I can’t stay here. Not for another second. Kailangan ko talagang makaalis bago pa ako maikasal sa matandang hukluban na 'yon. Si Anton... mukhang mabait naman siya, or at least iyon ang ipinapakita niya sa akin mula pa ng dumating ako dito. Pero kung siya ang kakausapin ko, I’m sure ikukuwento niya agad sa lalaking kasama niya. At ‘yung lalaking ‘yon? Jusko, ibang level ang tingin sa akin. Para bang wala siyang kaluluwa... parang walang kahit anong empathy sa mata niya. At tuwing titingin siya sa akin, para akong hinuhubaran sa mismong harapan niya. Hindi ko alam kung mas maiinis ako o mas mandidiri sa lalaking 'yon. Humugot ako ng malalim na paghinga, 'yung tipong I am trying to calm myself down pero imbes na kumalma, mas lalo lang akong nanginginig sa sobrang kaba. Muli akong sumilip sa pintuan, dahan-dahan, just to make sure na walang makakarinig ng kahit na anong ingay na magagawa ko. Napahawak ako sa dibdib ko... ramdam ko 'yung matindi at mabilis na pagtibok ng puso ko, parang drum na walang tigil sa pagpalo. Parang may mga libo-libong kabayo na nag-uunahan sa pagkarera, ganuon ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan man ako ng sobra. But I don’t have a choice dahil kailangan kong makatakas. Ngayon na. Hindi na ako pwedeng magpabukas pa. Habang madilim sa labas... kailangan ko ng makaalis agad. Maingat akong humakbang palabas ng pinto, bawat galaw ko parang may mabigat at maingay akong naririnig sa sobrang katahimikan ng paligid, kahit wala naman talaga akong naririnig na kahit na ano. Basta ang pakiramdam ko lang ay nabibingi ako sa sobrang katahimikan. But, I stayed alert, panay pa ang sulyap ko sa magkabilang gilid ng pasilyo, kinda expecting na may biglang susulpot mula sa dilim pero wala naman. Nakayapak lang din ako, ramdam ko ang lamig at gaspang ng sahig sa ilalim ng mga paa ko. Tila sinadya talaga nilang tanggalan ako ng kahit anong sapin na magagamit ko sa aking mga paa. No slippers, no shoes at kahit na medyas ay wala. Siguro ay para mahirapan akong tumakas. But if they think that’s gonna stop me, they’re dead wrong. Walang makakapigil ngayon sa akin. Tahimik ang paligid. Wala pa ring tao. Mukhang tulog o baka naman lasing ang mga nagbabantay sa akin. Kahit na si Anton at 'yung demonyo niyang kasama, mukhang may iba silang pinagkakaabalahan ngayon. I don’t know if this is luck o isang trap lang para mabigyan ako ng false sense of safety, pero wala na akong oras para mag-isip... this is my chance. Buti na lang, hindi nila na-lock 'yung pintuan ng kwartong pinagkulungan sa akin. Kung hindi, baka mas lalong humaba ang bangungot na ito at tuluyan na akong maikasal sa matandang 'yon. Slowly, I pushed the door open just enough para makalusot ang katawan ko sa siwang. Paglabas ko, sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa labas ng silid. Napatingin ako sa malalaking bintana. Bukas ito, at isinasayaw ng malakas na hangin ang bawat puting kurtina na nakasabit dito. Mabilis akong naglakad sa pasilyo, halos hindi na ako humihinga pa dahil sa matinding kaba, at patingkayad akong bumababa ng hagdanan. Every step felt like a gamble, na isang maling galaw lang ay siguradong mahuhuli nila ako. Pero sinisigurado ko naman na wala akong magagawang kahit na anong ingay... kahit 'yung huni ng malakas na hangin, parang masyado nang malakas sa pandinig ko. Ganuon katahimik ang buong paligid kaya kailangan kong mag-ingat. They can’t catch me. No, they won’t catch me. I’m not gonna let them. Hindi ako papayag na mapunta sa isang matandang hukluban na halos kailangan nang alalayan para lang makalakad. No way. Mas nanaisin ko pa na mawala sa mundong ito kaysa matulog sa kama katabi ang isang amoy lupa, 'yung tipong hininga niya pa lang, parang pinapaalala sa’yo na anytime ay pwede na siyang ilibing sa ilalim ng lupa. Sa dami ng iniisip ko, hindi ko tuloy namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. I tried to blink them away, pero lalo lang silang pumatak. Muli ko tuloy naalala ang ginawa sa akin ng mga kinilala kong magulang. My so-called parents. Hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa nila akong pambayad-utang, parang isa lang akong bagay na pwedeng i-trade. At hindi lang ‘yon, humingi pa sila ng dagdag na kabayaran, para lang mas lumaki ang pera nila. Ganuon lang ba ang halaga ko sa kanila? Matapos ko silang mahalin at pagsilbihan na parang tunay na magulang... ito pa ang ginawa nila sa akin? Ang sakit. Sobra. Parang may matalim na kutsilyong pilit na humihiwa sa puso ko habang iniisip ko kung gaano ako ka-tanga noon na magtiwala. I thought mahal nila ako na parang tunay na anak. I thought I was safe with them. Pero ganito lang pala ang halaga ko sa kanila... isang presyo sa papel, isang deal sa mesa. Isang pambayad utang. At habang pinupunasan ko ang mga luha ko gamit ang manggas ng damit ko, mas lalo kong naramdaman ang galit na nabubuhay sa dibdib ko. Kapag ako ay nakatakas sa lugar na ito, hinding-hindi na ako magpapakita pa kahit na kanino. Nakababa na ako ng hagdanan, pero sa laki ng mansyon na ito, pakiramdam ko ay maliligaw pa rin ako kahit anong gawin ko. The place felt endless na parang bawat hallway ay may kasunod pang mas mahabang hallway, at bawat sulok ay may aninong parang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung saang pinto ako papasok. Ang dilim pa ng paligid, at tanging mahihinang sinag lang mula sa mga bintana ang nagbibigay ng kaunting liwanag. Then, out of the corner of my eye, isang hagdanan na naman ang napansin ko. Pero bago ako magtungo doon ay sumilip muna ako sa pinakamalapit na bintana. Kailangan kong siguraduhin kung saan ako pupunta, baka mamaya basement pala ‘yon at lalo lang akong ma-trap. I took a deep breath, trying to calm the pounding in my chest, at nang makita ko ang tanawin sa labas, napangiti ako kahit paano. Nasa ikalawang palapag pa lang pala ako. Good. Tama ang kutob ko... ang hagdanan na ‘yon ay patungo sa unang palapag. Sana makatakas na ako. Sana makalabas ako dahil wala akong nakitang taong nagbabantay sa labas. Mabilis akong humakbang, pero maingat pa rin. My heart was racing, pero hindi ko pinapahalata kahit sa sarili ko na ninenerbyos talaga ako. Every step, I kept telling myself... Don’t get caught. Don’t make a sound. Ayokong mahuli nila ako. Ayokong bumalik sa silid na ‘yon at nakakulong sa loob, at naghihintay sa araw na pakakasalan ako ng matandang ‘yon. Just thinking about it makes me sick. Mas lalo tuloy akong naiiyak. Ayoko. Hindi talaga ako papayag. Over my dead body. Mas mabuti pa na patayin na lang nila ako kaysa maging asawa niya. Hindi ko hahayaan na iyon ang ending ng kwento ko. Hindi ako magiging trophy wife ng isang amoy-lupang hayok na parang walang natitirang konsensya. At habang pababa ako ng hagdanan, mas lalong tumitindi ang desisyon ko... this is my one shot. Pag nagkamali ako, game over na. Iyon na ang katapusan ko. Unang palapag na. Nakakaramdam ako ng kasabikan na tumingin sa paligid. Ito na 'yon, alam ko na ang patungo ng kusina kahit na madilim pa. Pero, ito nga ba 'yon o duon sa ikalawang palapag? Dalawa ang kitchen nila, alam klo dahil nakita ko 'yon. Hindi ko lang alam kung aling kitchen ang napasok ko kahapon. Shiiit, kailangan kong hanapin ang palabas ng pintuan para makaalis na ako sa lugar na ito. Nagningning ang mga mata ko habang naglalakad na para bang may liwanag na biglang nagbukas ng pag-asa na makakatakas ako nang makita ko ang malaking main door ng mansyon. Sigurado ako na iyon nga ang nakita ko nung unang araw na dinala ako rito. My heart leapt. Freedom was just a few steps away. Sa sobrang katuwaan ko at adrenaline rush, hindi ko na napigilan ang sarili ko. I started running, each step getting faster, ang tunog ng mga paa kong nakayapak ay halos hindi ko na naririnig sa sobrang excitement. Pagdating ko sa pinto, halos malagutan na yata ako ng hininga sa sobrang kasabikan ko na makatakas. Pero laking gulat ko ng pagbukas. ko ng pintuan... isang matigas at mainit na braso ang biglang yumakap nang mahigpit sa baywang ko mula sa likod. Naramdaman ko ang lakas ng hatak, at bago ko pa ma-process, binibitbit na ako pabalik sa loob. "Hayop ka! Bitawan mo ako!" Sigaw ako nang sigaw, desperado, habang pinipigilan ko siyang hilahin ako palayo sa pinto. Pero imbes na makatakas, narinig ko lang ang malakas, malutong, at nakakainsultong tawa ni Raniel, parang isang mabangis na hayop na nakakita ng laruan. "Hmmmnn..." Bulong niya sa mismong tainga ko, ramdam ko ang init ng hininga niya sa gilid ng mukha ko. "You have no idea how much I enjoy watching you try to escape. Bawat kilos mo... bawat hakbang mo... it’s all part of the fun for me. But damn..." Pinutol niya ang sinasabi niya at bahagya siyang natawa, mas lalong humigpit ang hawak niya sa pagkakayakap sa akin na tila ba nag-e-enjoy siya sa pagkakayakap sa katawan ko. "Ang tagal mo bago nakarating dito sa main door. I was starting to think you got lost. Tell me... was it exciting, thinking you could actually get away from us?" Mapang-asar niyang sabi. Tumutulo ang mga luha ko, gusto ko silang takasan, pero sa tingin, wala ng paraan upang makaalis ako sa lugar na ito. Ramdam ko ang panginginig ko, pero hindi sa lamig, kung hindi sa galit at takot. Naririnig ko pa ang malakas na tawa ng mga kalalakihan, at sigurado ako na ang isang boses na naririnig ko ay kay Anton. Akala ko, isa siyang mabuting tao at hindi katulad ng hayop na si Raniel, pero iisa lang ang ugali nilang lahat... mga demonyo. "Tulong! Tulong, parang awa na ninyo... tulungan ninyo ako!" Sigaw ko. Halos paos na ang boses ko sa kasisigaw, pero wala ni isang dumating. Wala ni isang magtangkang tulungan ako. Pilit akong nagwawala, pero kahit na anong pilit ko, wala pa ring nangyayari. "Kahit na sumigaw ka pa ng sumigaw. Walang makakarinig sa'yo kung hindi ang mga kuliglig lang." Bumabalong ang mga luha ko. Ito na ba talaga ang mangyayari sa akin? Maikakasal nga ba ako sa isang matandang hukluban na malaki ang tiyan? Namumuhi ako sa mga kinilala kong magulang, sana hindi na lang nila ako inampon at itinuring na anak, kung sa pagtuntong ko sa tamang edad... ipangbabayad utang lang pala nila ako. Kaarawan ko ngayon, at dapat ay nagsasaya ako kapiling ang mga magulang ko, pero heto at kasama ko ang mga taong walang kaluluwa dahil ang mga magulang ko ang nagsadlak sa akin sa lugar na ito. "Okay ba ang palaro namin ngayong kaarawan mo? At least, nagkaroon ka ng kaunting pag-asa." Mahina niyang sabi habang ibinababa na ako sa loob ng silid ko. Pagtapak ng paa ko sa malamig na sahig ay isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya. Matalim niya akong tinignan, pagkatapos ay hinapit niyang bigla ang baywang ko at laking gulat ko ng bigla niya akong siniil ng halik. Hindi lang basta halik, kung hindi mapagparusang halik. Kinagat pa niya ang labi ko at naramdaman ko ang mainit-init na likido na tumagas sa nagawa niyang sugat sa pang-ilalim kong labi. Malakas ko siyang itinulak at muli ko siyang sinampal ng malakas. Tumawa lang siya habang dinidilaan niya ang kanyang labi. "Happy birthday, ang goodnight!" Nakangisi niyang sabi. Pagkatapos ay sumara na ang pintuan ng aking silid. Iyak na ako ng iyak, mukhang wala na talagang paraan upang matakasan ko sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD