Chapter 3 -Napipikon si Raniel-

1912 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "You're still lucky that your wedding isn't going to push through today." Sabi ni Raniel habang nakatingin nang diretso kay Cherry. Nagulat naman si Cherry sa kanyang narinig at napatitig ito sa gwapong lalaki na nasa harapan niya... ang gwapong lalaki na kinabubuwisitan niya dahil bastos at arogante. "Umalis si boss, kaya malamang, next week pa mangyayari ang kasal ninyo. Pero huwag ka nang umasa na makakaalis ka pa rito. Pasalamat ka na lang dahil sa halip na ibenta ka sa sindikato ay tinanggap ka na lang ni boss bilang kabayaran sa pagkakautang ng mga kinikilala mong magulang sa kanya." Muli pang sabi nito. Nakaramdam naman ng katuwaan si Cherry dahil hindi na matutuloy ang kasal nila mamayang gabi. Sa tabi naman ni Raniel ay si Anton na pilit na pinipigil ang pagtawa, ngunit nang hindi na niya matiis ay tuluyan na itong natawa. Agad naman siyang siniko ni Raniel sa tagiliran, halatang naiinis sa kanyang matalik na kaibigan na kanina pa siya inaasar. Si Cherry naman ay napatingin kay Anton, nagtataka kung ano ang dahilan ng pagtawa nito. Muling binalingan ni Cherry si Raniel, may bahagyang tuwa sa kanyang boses nang magsalita ito. Kahit na naiinis siya sa lalaking kaharap ay hindi naman niya maipagkakailang masaya siya ngayon dahil may ilang pagkakataon pa upang matakasan niya ang mga ito at hindi matuloy ang kasal. "Ibig mo bang sabihin, wala ngayon dito ang boss ninyo? At dahil wala siya ay hindi matutuloy ang kasal mamayang gabi? Wala rito ang matandang boss ninyo na malaki ang tiyan?" Saglit siyang tumigil, saka napangiti nang bahagya. Tuwang-tuwa talaga siya at ngayon pa lang ay gumagana na ang kanyang utak kung paano siya makakatakas sa lugar na ito. "Ibig sabihin, hindi ako maikakasal sa kanya mamaya? Hindi ako maikakasal sa matandang butete na 'yon." Muli pang tanong nito. Excited at kulang na lang at tumalon sa katuwaan. Dahil sa huling sinabi ng babae ay lalo pang lumakas ang tawa ni Anton. Para bang aliw na aliw ito sa sitwasyon at sa reaksyon ng babae. Napakunot-noo si Raniel at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga, naiinis na naman sa kaibigan niyang tila natutuwa sa lahat ng nangyayari. "Oo, tama ka diyan miss, next week pa siguro ang kasal ninyo. Pero malay natin at biglang bumalik ang boss namin at biglang matuloy ang kasal ninyo. Masarap pa naman 'yong boss namin, siguradong uungol ka sa kanya ng malakas at hihilingin mo sa matandang butete na 'yon na sige pa... isa pa... idiin mo pa..." Sagot ni Raniel, nakangisi pa habang nakatingin kay Cherry. Dahil sa narinig ng dalaga ay isang malakas na sampal ang ipinadapo niya sa mukha ni Raniel. Nagliyab naman agad ang mga mata ni Raniel sa galit at akma niyang susunggaban ang dalaga ng bigla siyang pigilan ni Anton sa braso. "Relax lang..." Bulong nito. Nagngangalit naman ang bagang ni Anton habang nakatitig ng masama kay Cherry. "Bastos ka! Ang kapal ng mukha mo!" Galit na galit na sabbi ni Cherry. Napangisi naman si Anton at pinagmasdan mula ulo hanggang paa ang dalagang galit na galit sa kanya mula ng unang tumuntong ito sa mansyon. "Oo miss. Matanda na, malaki pa ang tiyan. Siya ang magiging asawa mo. Magiging asawa ka ng isang matandang hukluban, at roromansahin ka ng isang matandang hukluban. Pauungulin ka ng isang matandang hukluban diyan sa kama mo, tignan ko lang kung hanggang saan ang tapang mo." Pang-iinis na sabi ni Raniel. Namumula ang mukha niya sa galit dahil pananampal na ginawa sa kanya ng dalaga. Natahimik bigla si Cherry, her breath hitching as an invisible weight settled upon her chest. It was as if an overwhelming fear had just struck her, gripping her heart with an icy touch. Naglilikot ang kanyang isipan kung ano ba ang dapat niyang gawin, yet her body remained frozen, unable to deny the creeping realization of what lay ahead. Little by little, the terrifying reality of the life awaiting her began to sink in, wrapping around her like chains she could never escape from. Isang matalim na tingin ang ipinukol niya kay Raniel at ang hindi niya alam na ang lalaking nasa harapan niya ngayon... ang matangkad, gwapo, at may dugong banyagang si Raniel Antonetti Atienza ay ang mismong pinagkakautangan ng kanyang mga magulang. Siya ang lalaking tinanggap siya kapalit ng utang ng kanyang mga kinikilala bilang magulang. Ang lalaking akala niya ay isa lamang sa mga tauhan ng boss na pilit siyang ipapakasal sa isang matandang may malaking tiyan. Wala siyang kamalay-malay na ito mismo ang lalaking magiging asawa niya. "Hindi! Ayoko! Hindi mangyayari 'yan! Hindi ako magpapakasal sa matandang hukluban na 'yon!" Buong lakas na sigaw ni Cherry, kasabay ng mabilis niyang pagtalon sa kama at sumiksik sa isang sulok. Agad niyang binalot ang sarili ng kumot, para bang may kung anong proteksyon itong maibibigay sa kanya laban sa mapait na kapalarang pilit na itinatakda sa kanya. Napangisi naman si Raniel habang pinagmamasdan ang inis at desperasyong bumabalot sa mukha ng dalaga. Para sa kanya, sapat na ang ganting ito mula sa sinapit niyang pananampal kanina... ang sampal na tumama sa kanyang pisngi, na hindi niya kailanman inasahan mula sa babaeng ito na hindi pa niya lubusang kilala, pero hindi magtatagal ay magiging asawa niya. "Tara na, Anton. Iwanan na natin ang babaeng 'yan dito, hayaan mo siya diyan." Sabi ni Raniel, isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi ng sinulyapan niya si Cherry. "Lumabas na tayo at huwag na natin siyang istorbohin sa pagpapantasya niya sa magiging asawa niyang matandang hukluban na may malaking tiyan." Pang-aasar muli ni Raniel. Galit na galit naman si Cherry na dinampot ang malaking unan at buong lakas niya itong ibinato kay Raniel. Sinangga lang ito ni Raniel, pagkatapos ay nginisihan ang babae bago tuluyang tinalikuran ito. "Bwisit kang impakto ka! Mamatay ka na sana!" Sigaw niya. Nagpanting naman ang tainga ni Raniel at sinulyapan ang dalaga, pagkatapos ay galit niya itong nilapitan at hinablot sa braso. Pero bago pa siya makapagsalita ay bigla siyang kinagat ni Cherry sa braso kaya nabitawan niya ito. Akma niya itong sasampalin, pero mabilis ang naging kilos ni Anton at agad niyang hinawakan ang braso ng kanyang matalik na kaibigan at saka inilayo sa dalaga. "Relax lang, masyado kang napipikon sa babaeng 'yan." Bulong ni Anton. Humugot ng malalim na paghinga si Raniel at saka siya lumabas ng silid. Natatawa na lamang si Anton dahil nakikita niyang napipikon si Raniel sa babaeng pakakasalan nito. Iniwan nilang bukas ang pintuan, isang patunay na hindi nila kinukulong si Cherry sa loob. Malayang makakalabas ang dalaga sa mansyon kung gugustuhin niya, pero hindi siya makakaalis ng lupain ni Raniel. Pagkarating nila Raniel sa kusina ay tuluyan ng bumunghalit ng malakas na tawa si Anton, para bang ngayon lang niya naproseso ang buong pangyayari. Ineksamin pa niya ang pisngi ng kaibigan, pinipisil-pisil ito na para bang sinusuri kung may naiwan pang marka ng matunog na sampal ni Cherry, pagkatapos ay ineksamin din nito ang braso ni Raniel na may marka pa ng ngipin ni Cherry, pagkatapos ay muli siyang bumunghalit ng malakas na tawa. "Ang lakas ng tama, bro. Pati ego mo, mukhang napuruhan!" Pabirong sabi ni Anton bago muling natawa, tila ba hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Sa unang pagkakataon ay may sumampal na babae kay Raniel, at hindi lang 'yon, dahil kinagat pa ito. Napapailing ng ulo si Raniel pagkatapos ay natawa na lang din, pagkatapos ay humarap siya sa kanyang kaibigan. At sa inis niya ay malakas niyang sinuntok si Anton sa balikat, dahilan para mapatigil ito sa kakatawa. "Masakit ang suntok mo. Huwag ka sa akin gumanti." Sabi nito, pero hindi pa rin mapigilan ang pagtawa nito. "Tumahimik ka na nga, Anton, hindi ako natutuwa sa pang-aasar mo." Naiiling na sabi ni Raniel bago tumingin sa direksyon ng kusina. "Tumahimik ka Anton. Magluluto ako, hindi pa tayo kumakain. Alam mo namang pinaalis ko muna ang mga kasambahay para walang makakausap si Cherry. Ako na ang bahalang magluto." Saglit na nanahimik si Anton, pero nang makita niyang talagang seryoso si Raniel sa balak nitong pagluluto ay agad niyang inagaw ang rice cooker mula sa kamay ng kaibigan. Nanlaki ang kanyang mga mata, at may halong inis sa kanyang boses nang magsalita ito. "Ako na lang! Ayoko na ulitin 'yung nangyari noon! Ang huling beses na kumain tayo ng niluto mo, isang linggo tayong na-hospital! Hindi ko na ipapahamak ang sarili ko para lang sa trip mo, bro. Ako na ang magluluto, at ikaw, umupo ka na lang diyan at maghintay! Bwisit ka, may balak ka pa talagang magluto." Inis na sabi ni Anton. Natawa namang bigla si Raniel nang biglang maalala na isang linggo silang na-hospital ng kanyang kaibigan ng sinakitan sila ng tiyan. Hinding-hindi niya 'yon makakalimutan. Sumandok ng dalawang takal na bigas si Raniel at saka binasa ang bigas, pagkatapos ay inalis ang tubig at isinalang na sa rice cooker. "Ano ang ginagawa ninyo?" Napalingon bigla si Raniel at Anton ng marinig nila ang boses ni Cherry. "Magluluto. Tignan mo ang ginawa ko sa bigas, sakto 'yan pag naluto, malambot at masarap." Sabi ni Anton. Si Anton na talaga namang walang kaalam-alam pagdating sa pagluluto. "Gago, nilalagyan 'yan ng tubig. Bakit tinanggal mo ang tubig? Ako na nga lang ang magluluto. Marunong akong magluto Anton, nagkataon lang siguro na may mali sa binili nating ingredients nuon kaya tayo na-hospital. Pero alam mo na marunong akong magluto." Inis na sabi ni Raniel at kinuha ang rice cooker at nilagyan ng tubig. "Ako na... ako na ang magluluto ng pagkain. Huwag na kayong magtalo pa, ako na lang dito." Inis na sabi ni Cherry, pagkatapos ay tinabig ng balikat niya ang katawan ni Raniel. Lihim namang napangisi si Raniel at pinagmasdan si Cherry na naglalakad papalapit sa lababo. "Mukhang matutuwa sa'yo ang boss namin na matandang butete. Mukhang mapapaligaya ka talaga niya sa kama dahil mukhang maasikaso kang asawa sa kanya." Pang-aasar ni Raniel. Pagharap ni Cherry ay isang kutsara ang ibinato niya kay Raniel na tumama sa dibdib nito. Galit na galit ang binata, pero si Anton ay malakas na tumatawa at hinihila na si Raniel papalabas ng kusina. "May araw ka din sa akin, babae ka! Hindi pa tayo tapos, humanda ka talaga sa akin." Galit na galit si Raniel sa dalaga, hindi makapaniwala na kanina pa siya sinasaktan ng babaeng 'yon. Wala namang pakialam si Cherry sa mga sinasabi ni Raniel, pero naaapektuhan talaga siya ng mga sinasabi nito tungkol sa magiging asawa daw niya na matandang butete. Humugot ng malalim na paghinga si Cherry at saka hinarap ang paghuhugas ng bigas habang tumutulo ang kanyang mga luha. "Huwag kang maglalagay ng kung ano-ano sa lulutuin mo. May mga matang nakatitig sa'yo, tumingala ka lang at makikita mo na." Wika ni Raniel, inis na inis ito sa dalaga. Napatingala naman si Cherry at nakita niya ang mga CCTV na nakatutok pa yata sa kanya. "Umalis ka na dito, impakto!" Sigaw niya. Wala siyang kamalay-malay na ang lalaking sinampal niya kanina at kinagat ay hindi isang ordinaryong lalaki, kung hindi ang malupit at makapangyarihang pinuno ng Black Fire Organization na magiging asawa niya. Isang mafia leader na malupit pero halos kasing yaman ng mga Dux at ng mga Hendrickson. Ano kaya ang magiging papel ni Cherry sa buhay ng isang Raniel Antonetti Atienza? Mapapa-amo kaya ng isang Cherry Del Valle ang puso ng isang malupit na pinuno ng Black Fire Organization?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD