Chapter 2 -Cherry-

1614 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Unti-unting iminumulat ni Cherry ang kanyang mga mata, pakiramdam niya ay may kung anong mabigat na nakadagan sa kanyang mga talukap. Nasilaw siya sa maliwanag na sikat ng araw na nanggagaling sa bintana, pagkatapos ay sinapo ng kanyang palad ang sintido niya ng makaramdam siya ng kirot mula rito. "A-aray ko... ang sakit ng ulo ko." Wika niya, pero bigla siyang nagulat ng maalala niya kung ano ang nangyari kagabi. Napatingin siya sa paligid at duon lamang niya napagtanto na nasa isang silid siya na hindi pamilyar sa kanya. Nakaramdam siya ng matinding takot at saka ineksamin ang sarili. May damit naman siya at wala namang masakit sa kanyang katawan, kaya nakahinga ito ng maluwag. Pero ang utak niya ay nagtatanong kung nasaan siya. Tumulo ang kanyang mga luha ng manumbalik sa kanya ang ginawa sa kanya ng mga kinilala niyang mga magulang. Sobrang sakit nito para sa kanya. Bakit siya ginawang pambayad utang? Nagmamadali siyang bumangon at tumakbo sa pintuan ng silid kahit na nakapaa lang siya. Ang nais niya ay makaalis lamang sa lugar na ito, at nagpapasalamat siya na bukas ang pintuan kaya malaya siyang nakalabas. Tumingin siya sa paligid, walang tao kaya tumakbo agad siya at hinanap ang pintuan palabas ng malaking bahay na kinaroroonan niya. Nakarating siya sa unang palapag at saka ito tumakbo ng makita niya ang malaking pinto palabas. Halos madapa pa siya sa kamamadali niya. Napakalaki ng mansyon na pinagdalhan sa kanya kaya naligaw siya sa loob, pero nahanap nya rin ang daan patungo sa unang palapag. Pagkalabas niya ay nagsisisigaw siya, humihingi ng tulong sa mga taong nakikita niya sa paligid, ngunit isa man sa kanila ay hindi siya pinapansin. Parang wala silang naririnig o nakikita. Hindi rin nila tinatapunan ng tingin si Cherry, naglalakad-lakad lamang ang mga ito at nag-uusap-usap, pero hindi siya pinapansin ng mga ito. Ni hindi alintana ni Cherry na nakayapak lamang siya, ang nais niya ay makaalis sa lugar na ito. "Please, I beg you, help me! I need to go home… Is anyone listening? I have been kidnapped! I need help!" Sigaw niya, pero isa man sa hinihingan niya ng tulong ay hindi siya pinapansin. Napatingin si Cherry sa isang gwapong pinoy na nakatayo at nakamasid lang sa ginagawa niya kaya mabilis itong lumapit. Walang alinlangan niya itong kinausap upang humingi ng tulong. "Pinoy ka po? Please tulungan ninyo ako, kinidnap ako at gusto ko ng umuwi sa amin. Please tulungan ninyo ako. Kababayan ninyo ako, kaya nakikiusap ako, tulungan mo ako at ilayo mo ako sa lugar na ito." Wika niya, nagmamakaawa. "Hindi ka kinidnap, Miss. Pinangbayad-utang ka ng iyong mga magulang sa boss namin kaya wala ka ng kawala at hindi ka na makakaalis pa dito. Hindi lang 'yan, humingi pa ng kabayaran ng ilang milyon ang iyong ama kaya mas lalo ka ng hindi makakaalis sa lugar na ito." Sabi nito. "Zachary, hayaan mo lang 'yan. Kahit saan 'yan magpunta sa lugar na ito, hindi naman 'yan makakalabas." Sabi ng isang lalaki na gwapong katulad ng tinawag nitong Zachary. Dahil sa narinig ni Cherry ay mabilis itong tumakbo, hindi siya papayag na hindi siya makaalis sa lugar na ito. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, pero takbo lamang siya ng takbo, umaagos ang kanyang mga luha at hindi na tinitignan pa ang dinaraanan niya. Lingon takbo ang ginagawa niya hanggang sa may mabangga siyang isang matigas na bagay. Pag-angat niya ng kanyang mukha, hindi niya agad napansin na isang matipunong katawan pala ito. Puno ng luha ang kanyang mga mata habang pilit niyang pinagmamasdan ang lalaking nasa harapan niya. "Bro, gising na pala ang babaeng 'yan." Boses ng isang lalaki kaya pinunasan ni Cherry ang kanyang mga luha, pagkatapos ay sumigaw ito ng sumigaw. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" Malakas na sigaw ni Cherry, pero tumawa lamang ang dalawang lalaki na nasa harapan niya. "Miss, kahit na ano pa ang gawin mo, walang makakarinig sa'yo sa lugar na ito. Tumingin ka sa paligid mo, at kahit makarating ka pa sa dulong bahagi na 'yon... pag-aari pa rin 'yan ng lalaking may hawak sa'yo." Sabi ng lalaking nabangga ni Cherry. "Nasa loob ka ng isang malaking estate, kaya kahit na ano pa ang gawin mo, walang makakarinig sa'yo." Sabi naman ng isang lalaking katabi nito, pagkatapos ay tumawa sila at naglakad na palayo kay Cherry. Napatingin naman si Cherry sa dalawang lalaking naglalakad na papalayo. Tumutulo ang kanyang mga luha at saka niya hinabol ang mga ito. Hinila niya ang suot na coat ng isa pero tinabig lang nito ang kamay niya at nagpatuloy sa paglalakad. nagkakatawanan ang mga ito habang iyak ng iyak ang dalaga. "Nasaan ho ba ako? Gusto ko ng umuwi sa amin, ayoko dito." Wika niya, nagmamakaawa. "Nasa poder ka ng taong pinagkautangan ng iyong mga magulang. Sorry Miss, pero wala ng way para makaalis ka pa sa lugar na ito." Sabi ng isang gwapong lalaki. Hindi siya nililingon nito, diretso lamang ang dalawang lalaki sa paglalakad. "Ayoko dito! Ayoko sa matandang 'yon na malaki ang tiyan! Ayoko dito, tulungan ninyo ako, tulooong! Tulungan ninyo ako! Parang awa na ninyo, papatayin nila ako!" Malakas na sigaw ni Cherry. Bigla namang napahinto ang dalawa sa paglalakad at nagkatinginan sila, pagkatapos ay natawa sila at nilingon si Cherry. "Well, kahit na ano pa ang gawin mo ay wala ka ng magagawa pa dahil hindi mo na matatakasan pa ang matandang amo namin. Mamayang gabi ay ikakasal ka na sa boss namin, kaya ayusin mo 'yang sarili mo, maligo ka at magpabango para naman ma-enjoy ka mamaya ng big boss namin sa honeymoon ninyo. Huwag kang mag-alala, paliligayahin ka noon sa kama." Wika ng isang lalaki. Mas lalong nagwala si Cherry at sumigaw ng sumigaw. Takot na takot na ito sa sinasabi ng dalawang lalaki na nasa harapan niya. Kinikilabutan siya sa bawat salitang naririnig niya. Hinding-hindi siya magpapahawak sa matandang 'yon, at gagawa siya ng paraan upang matakasan ang boss ng mga ito. "Kung ako sa'yo Miss, tanggapin mo na lang ang kapalaran mo. Kahit kasi sumigaw ka dito ng sumigaw ay walang makakatulong sa'yo." Sabi ng isang lalaki. Napaupo si Cherry sa lupa at saka umiyak ng umiyak. Nilapitan naman siya ng tatlong naggagwapuhang mga lalaki at pilit siyang itinatayo. "Miss ihahatid ka na namin sa silid mo. Kailangan mong maligo at kumain. May kasalan na magaganap mamaya at ikaw ang bride." Sabi ng isa, sabay tawa. Pero nagwala ito kaya binuhat ng isa sa mga lalaki si Cherry at sapilitang ipinasok sa malaking mansyon. Sigaw ng sigaw ang dalaga, takot na takot pero wala siyang magawa. Ibinalik siya ng mga ito sa silid kung saan siya nagising. Pumasok ang isang lalaki at pinalabas ang tatlong naghatid kay Cherry sa silid. "Huwag kang matakot. Ako si Anton, wala dito ang big boss namin at mamaya pa ang dating niya para sa kasal ninyo. Maligo ka na, nasa loob ng closet na 'yan ang puting dress na isusuot mo mamaya." Wika ng nagpakilalang Anton. Nagsumiksik naman si Cherry sa isang sulok ng silid at takot na takot ito. "Ayoko sa kanya! Hindi ako magpapakasal sa matandang butete na 'yon." Sigaw niya. Natawa lang si Anton at lumabas na ito, pero bago ito tuluyang lumabas ay muli itong nagsalita. "Sundin mo ang inuutos ko sa'yo. Masamang magalit ang big boss ko, at kapag 'yon nagalit ay baka puntahan ka niya diyan sa silid mo bago ang kasal ninyo, and who knows kung ano ang gagawin niya sa'yo." Wika ni Anton at saka niya isinara ang pintuan. "Mom, dad! Tulungan ninyo ako! Czarina, tulungan ninyo ako dito. Ayokong magpakasal sa matandang 'yon!" Umiiyak na sigaw nito. Nagtungo siya sa balkonahe, tumingin sa ibaba. Kahit na bumaba siya dito at tumakas, alam niya na wala din naman siyang lalabasan upang makaalis sa lugar na ito. Napaupo siya sa sahig at saka tumulo ang kanyang mga luha. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanya. Pero bigla siyang napalingon ng muling bumukas ang pintuan ng kanyang silid. "Sino ka? Bakit ka nandito?" Sigaw niya. "Ako si Raniel, at ako ang isa sa tauhan ng big boss namin. Halika na dito, paliliguan kita para naman pagdating ni boss mamaya ay mabango ka." Sabi niya. Biglang napa-atras si Cherry, pero bigla din siyang binuhat ng nagpakilalang Raniel kaya nagwala ito at pinagkakalmot si Raniel. Dinala siya sa loob ng banyo at saka siya itinapat sa shower head at saka ito binuksan. "Sa susunod na kalmutin mo ako... sisiguraduhin ko sa'yo na pagsasawaan muna kita bago ka matikman ng boss namin." Galit na sabi ni Raniel, nakaramdaman naman ng takot si Cherry. "Maligo ka na. Mamaya ay kasal na kayo ng amo namin, at mamaya na rin ang honeymoon ninyo. Huwag kang mag-alala, mabait naman ang amo namin kaya sigurado ako na bibigay ka din sa kanya. Hindi ka naman nuon pupuwersahin ng isang 'yon, sigurado lang ako na ikaw mismo ang bubukaka sa harapan niya mamaya." Sabi ni Raniel, ngumisi pa ito habang pinagmamasdan niya ang katawan nito na basa ng tubig. Napatitig pa siya sa dibdib nito at saka siya dumila sa pang-ibabang labi niya. Tinakpan naman agad ni Cherry ng dalawang braso ang katawan niya, at paglabas ni Raniel ay humalakhak lang ito. "Ano na? Napaamo mo na ba?" Tanong ni Anton. "Parang tigre, kinalmot ako sa braso. Look!" Sabi ni Raniel kaya tawa ng tawa si Anton. Nagtungo na sila sa unang palapag at hinayaan na nila si Cherry. Si Cherry naman ay iyak ng iyak at hindi malaman kung paano niya matatakasan ang mga ito. Hindi niya pakakasalan ang matandang 'yon, pero sa tingin niya ay wala na siyang choice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD