SAMANTHA's POV "KUMAIN ka nang kumain." Nasa Canteen kaming tatlo kasama si Clent. Lahat ng dumadaan ay napapatingin sa direksyon namin. Halos lahat ay babae. May ilan na kapag nahuhuli ko ang mata ay para bang umiirap sa akin. May iba naman na kusang nag-iiwas ng tingin tila nahihiya pa. "Ang dami niyan!" angal ko sa nilapag niyang kanin sa harapan ko. "Ubusin mo 'yan lahat." Hindi pinansin ni Jacob ang sinabi ko at nagpatuloy siya sa pag-upo sa tabi ko at saka nagsimula na ring kumain. Nang mapansin niyang hindi ko pa ginagalaw ang pagkain ay nagawi ang tingin niya sa akin. Pinagkunutan ako ng noo. Busog pa kasi talaga ako. Kanina lang habang nagkaklase ay may dala siyang chocolate na pareho naming kinain ng patago. "Busog pa ko." "Alam ko. Lunch time na kaya kumain ka pa r

