bc

POOR SENYORITO

book_age18+
120
FOLLOW
1K
READ
billionaire
heir/heiress
sweet
bxg
scary
loser
witty
campus
office/work place
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Desperado ng makahanap ng pekeng boyfriend si kimberly para ipakilala sa kaniyang lolo na nais syang ipakasal sa anak ng kakilala nito, munit hindi niya iyon gustong mangyari. kaya naman gumawa ito ng paraan para hindi maitali sa lalaking hindi nito mahal.Isang pangyayari ang naganap ng gabing muntik ng mapahamak si kim, iniligtas siya ng estrangherong lalaki na kanya palang magiging pekeng boyfriend..Hindi halata ang pagiging salat sa hirap at pagiging pulubi ang lalaking nagligtas kay kim dahil sa taglay nitong ka gwapuhan..nakilala niya ito bilang si black, nakipag kasundo ito kay black na babayaran niya ito kapag nagpanggap silang magboyfriend hanggang sa mailipat na ng kanyang lolo ang mamanahin ari arian sa pangalan ni kimPero ang pagpapanggap na iyon ay magiging totoo kaya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“KIM matanda na ako kaya kailangan ko ng makahanap ng mapapangasawa mo at makakatulong mo sa pagpapatakbo ng company natin, matanda na ako apo at isa pa ako nalang ang meron ka paano nalang kapag wala na ako?paano mo mahahandle ng maayos ung company na pinaghirapan ko?"seryosong sabi ni lolo sa akin “Pero lolo paano ako magpapakasal kung hindi ko mahal o kilala ung mapapangasawa ko?"nag aalala kong tanong habang hindi maipinta ang muka..okay lang sana kung may boyfriend ako tas mga sampong taon na kami at ano man oras pwedi ng magpakasal e ang kaso wala. at isa pa kaya kong patakbuhin ang company ng walang tulong ng iba. kaya ko nga ba? simpleng plus divide at minus nga nahihirapan pa ako magpatakbo pa ng company..atyaka bakit ko ba kasi papatakbohin kung pwedi naman pagapangin ano? “Pero iha nasa tamang edad kana pero wala ka paring nobyo buti sana kung meron.“edi sige ipamuka niyo pa na walang nagkakagusto sa akin at maarte ako” hindi naman kita pipilitin kim atyaka gusto ko narin makita ang apo ko sa tuhod"tumayo ang balahibo sa buong katawan ko sa sinabi ni lolo..wala ngang boyfriend nasa apo kaagad si lolo muka bang gusto ko ng magkaanak, sarili ko ngang mood swing hindi ko kayang ihandle ang mag alaga pa ng anak? no way tatanda akong dalaga. “Lolo Im just 23yrs old, hindi pa ako ready tumaba at malosyang!"reklamo ko pero mukang hindi papatalo ang matandang panot na ito. “Ahh basta bibigyan kita ng pagkakataon. pag isang buwan na wala ka pang nobyo na dinadala sa harapan ko, ipapakilala na kita sa apo ng kaibigan ko maliwanag?”napapadyak ako dahil sa inis..at meron pa talagang deadline “Oo na po maghahanap ako basta bigyan niyo lang ako ng panahon, si lolo masyadong aporado!"napipilitan kong sagot Hays saan naman ako kukuha ng gwapo at mukang disenteng boyfriend? hindi ganoon kadali yon! hayaan mo na wala namang sinabi si lolo kung gwapo ba, mayaman o may kapansanan bahala na. Pumara ako ng taxi dahil gabi narin, sa ngayon secretarya muna ako ni lolo sa company. Iniisip ku palang na ipapakasal ako sa lalaking hindi ko kilala at mahal parang ewan hindi ko kaya no, shempre gusto kung ikasal sa lalaking mahal ko talaga, ung bubuo kami ng pamilya at gigising sa umaga na alam namin na mahal namin ang isat isa. “Manong bakit po tayo nag iba ng daan may shortcut po ba papunta sa st.louis subdivision??"nag aalala kong tanong dahil hindi ako pamilyar sa daan na tinatahak namin. “Meron po ma'am"sagot ni manong pero hindi parin ako kumbinsido. “Sure po ba kayo?hindi kasi ako pamilyar sa lugar na 'to manong"sa totoo lang nag uumpisa nakong kabahan madilim na isa pa wala pang gaanong bahay dito, at tulog narin ang mga tao kung meron man. Agad kinuha ang phone para tumawag kay lolo pero. “Holdap ito ms. ibaba mo yang hawak mong cellphone"itinutok niya ang icepick sa akin. Bumukas ung pinto at may isa pang lalaki na lumitaw na hindi ko napansin kung saan galing. hinila ako nito palabas ng taxi habang may nakatutok na matalas na bagay sa tagiliran ko. Ang malas ng araw na ito, Ngayon pa talaga ko mahoholdap kung kelan problemado ako sa paghahanap ng lalaking ipapakilala ko bilang boyfriend kay lolo. Pilit na inagaw ni manong ung bag ko habang may nakatutok na icepick, ayaw ko sana ibigay dahil mahalaga sa akin ang mga gamit na nandon sa loob ng bag ko at..limited edition ang hermess bag na iyon! buong taon akong nag ipon para sa collection kong bag na iyan. “Akin na phone mo, mga alahas mo sa katawan hubarin mo"utos niya sa akin kaya nangangatog ang mga tuhod kong tinanggal isa isa ang mga alahas na nakakabit sa katawan ko. “Eto na, please manong may malaking pera dyan sa wallet ko, wag niyo lang akong sasaktan"makaawa ko sakanila pero nagkatingin lang ang dalawa at hinila ako sa bewang. “Magpaparaos muna kami bago ka namin pakawalan"sininghot ng lalaki ung buhok ko, kinakain na ako ng matinding takot pero ambaho talaga at kadiri ng manyak na ito! “W-wag po, maawa kayo sa akin”makaawa ko pero mukang wala silang balak pakinggan ang pagmamakaawa ko. “Tulong, tulungan niyo ako !"as if naman may tutulong sa akin dito e nasa kalagitnaan kami ng madilim na tulay na walang katao tao. pero malay mo? “Wag ka ng magpagod pa, walang tutulong sa iyo ms mabango at maganda!"bulong niya saka inamoy ang lieg ko..nakakadiri talaga “W-wag please tamana nakuha niyo na ung pera at alahas ko"naiiyak na talaga ako sa ngyayari sa akin ngayon sana manlang magkaroon ng himala dahil ayokong mababoy sa kamay ng mga manyak na 'to. “Hoy alam niyo bang ang ingay ingay niyo?"agad akong napatingin sa nagsalita at nabuhayan ng loob. Nakablack jacket ito at nakahoody kaya hindi ko makita ang muka niya. “Wag mo ng balaking mangialam bata"nakangising banta ni manong “At bakit? teritoryo ko ang tulay na ito at ako ang batas dito, ang sarap sarap ng tulog ko sa malamig na estero. hinoldap niyo na nga balak niyo pang reypin at dito pa sa teritoryo ko"may inis sakaniyang boses. paano niya naging teritoryo 'to e sa gobyerno 'to. tsk “T-tulungan mo ako kuya please pangako magbabayad ako kahit magkano bastta iligtas mo lang ako"makaawa kong sabi, hinigit nila ako ng mahigpit sa braso at walang balak na bitawan. “Babayaran mo ako?”naging atat ang kanyang boses sa sinabi ko, muka din pera iba din. “Oo nga diba? iligtas mo na ako at ibibigay ko saiyo agad”sagot ko kaya natawa ito..infairnes ang sarap sa pandinig ng tawa at boses how i wonder kung anong itsura nito..gwapo ba o pangit? “Pero sa isang kondisyon”napairap ako bago siya sagutin,”Ano yon? dali sabihin mo na”atat kong sagot “Ako ang magpepresyo kung magkano ang ibibigay mo, ano ms. deal?”kahit hindi ko makita ang muka niya ay sigurado akong nakangisi siya sa mga oras na ito.. napaka demanding naman. Makaalis lang talaga ko dito pati ang lalaking ito idedemanda ko, inis kong sabi sa isip ko. “Sige na sige na tulungan mo na ako !"atat na atat kong sabi dahil kanina pa ako nasasaktan sa higpit ng pagkakawak nila sa braso ko. at hindi ko narin matiis ung mabahong amoy ng dalawang ito. “Kung kaya mo bata, pero magiging malamig na bangkay ka muna bago mo makuha ang babaeng ito"pagbabanta ni manong. “Talaga? ilan temperature ba na lamig iyan? atyaka uubra kaya ung icepick mo sa baril ko, subukan natin?"ni hindi manlang ito mukang natatakot at parang nakikipaglaro lang. Naglabas siya ng baril at tinutok sa dalawang lalaki “S-subukan mong iputok iyan at papatayin ko ang babaeng ito!"takot na sabi ni manong habang nanginginig ang mga kamay. “Edi patayin mo, kilala ko ba yan? pag pinatay mo yan edi papatayin ko rin kayo hehe, kaya ung pera,cellphone at alahas na nakuha niyo sakanya kukunin ko nalang"halos manlamig ang buong katawan ko sa sinabi ng lalaking ito..mas nakakatakot pa siya keysa sa dalawang holdaper s***h rapist nato. Mabilis nila kong binitawan saka tumakbo paalis, naiwan pa nila ung taxi na nakabalandra sa daan dahil sa takot, pero ung bag cellphone at alahas natangay na nila.. Hays salamat naman"bulong ko at nakahinga ng maluwag “Anong salamat"bigla akong kinabahan ng nakatutok na sa akin ung baril niya. “K-kuya hindi ba may usapan tayo, magbabayad ako kahit magkano basta iligtas mo ako"nauutal kong sabi. “Oo nga pala magbabayad ka sa akin"natawa ito at ibinaba ang baril, pero itinutok muli sa akin saka kinalabit yung gatilyo kaya napapikit ako ng pumisik sa muka ko ung tubig. “WATER GUN?!"gulat na gulat ako “Obvious ba? sakay sa taxi at babayaran mo pa ako hindi ba?"nauna syang sumakay sa likod at naiwan akong nakatanga. “Teka bakit nandyan ka sa passenger seat?"tanong ko ng mapagtanto ko na walang magdadrive. “Hindi ako marunong, muka ka namang richkid ikaw na magdrive dali, gutom na ko"napabuga nalang ako ng hininga bago sumakay at nagdrive.. “Magkano ba pangangailangan mo?"tanong ko habang nagmamaneho pauwi sa mansyon para kumuha ng cash dahil natangay ang bag ko. “10k lang"bigla akong napapreno kaya muntik na syang masubsub. “10k? anglaki naman e tinakot mo lang naman ung mga holdaper sa peke mong baril tapos 10k, nilalang mo ung sampong libo? seryoso ka?"inis kong sabi. “Hoy ms. malinaw usapan natin kanina, baka gusto mong ako nalang mangholdap sayo, ay mali wala nakong makukuha sayo kaya isasalvage nalang kita at itatapon ko ang bangkay mo dyan sa damuhan"napalunok ako sa pagbabanta niya kaya wala na akong magawa dahil baka balikan pa ako nito kapag ipinakulong ko, malay mo marami syang kakampi sa paligid. “Argh! oo na"inis kong sabi saka nagpatuloy sa pagdrive pauwi ng mansyon. Pagdating don. Maliwanag sa tapat ng gate namin kaya kitang kita ko ang kabuuan niya, nagtanggal siya ng hoody kaya ngayon ay lumabas na kung anong klasing nilalang ang lalaking ito. “Pakibilisan, akina ung pera maghapon akong walang kain at gutom na gutom na ako"baliwalang sabi niya Natulala ako ng makita ko siya, para syang Ham— Hamborger Este Hampogi naman. “Sa itsura mong yan wala kang pera ?!"gulat kong tanong, pano ba naman ay muka syang model ng bench tapos don siya sa ilalim ng tulay nakatira at walang pera? in short isa syang pulube pero hindi halata. “Pinanganak lang akong gwapo pero hindi ako mayaman"nakangisi nyang sabi. kaya tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. “Paanong dun ka nakatira sa ilalim ng tulay e hindi ka naman mabaho o madungis kagaya ng dalawang manyak na ngholdap sa akin"sabi ko pa “Kahit na pulubi ako maarte ako sa katawan no, at hindi porke pulube wala ng karapatan maligo.. ibigay muna nga ung pera gutom nako at gusto ko ng mainit na goto"reklamo niya kaya pumasok nako sa luob ng mansyon para kumuha ng pera na ibabayad ko sakaniya. “O eto na mister na mukang pera!"abot ko sakaniya ng makapal at malutong na tag iisang libo. “Kaya pala ako pinagkakaguluhan at pinag aagawan dahil muka akong pera"ngisi niya, at proud pa nga. “Salamat ha, sinave mo ang isang buwang suliranin ko sa pagkain, sibat na 'ko”tumalikod na siya at naglakad paalis pero .... “Sandali lang"habol kong sigaw kaya agad syang humarap pabalik. “Ano may idadagdag kapa ba sa 10k?"tanong niya “Kapal ng muka mo, Hmm ano.. may trabaho kaba?"nahihiya kong tanong kaya saglit syang napaisip. “Ito ung trabaho ko, magligtas at mamburaot”sagot niya “Gusto mo bang magtrabaho sa akin?"nilakasan ko ang loob at itinanong sakaniya. “Sorry, pero hindi ako nagbebenta ng aliw at katawan"dismayadong sagot niya kaya nag init ang muka ko, “Wag ka ngang assumming, willing akong magbayad ng 10k monthly basta magpapanggap kang boyfriend ko"nahihiya kong sabi dahilan para siya ay mabilaukan. “Boyfriend mo? nirerentahan mo ba 'ko? ano bang tingin mo sa mga lalaki? bayaran? ang sakit mo naman”nakahawak sa dibdib nyang sabi na parang nasasaktan. ”hoy ms. kulang ang 10k mo sa pagkatao ko, masyado akong perpekto para sa 10k mo”mayabang nitong sabi. “Bat ba ang yabang mo?e ano ayaw mo ba o gusto? pagpapanggap lang ang gagawin mo mahirap ba yon?"tanong ko Sige"mabilis nyang sagot kaya nagliwanag ang mga mata ko. “Talagaaa?"nakangiti at di makapaniwala kong tanong. “Sige kako uuwi nako, babuyyy"tumalikod na ito at naglakad paalis..pero hindi ako makakapayag na palagpasin ang pagkakataon na ito “13k monthly!! Sige naman na oh!"desperad kong makaawa. “Sige"sagot niya ulit “Sige, ano?"tanong ko dahil baka inuulol nanaman ako nito. “Sige payag nako basta magpapanggap lang ha? bawal mo kong halikan o yakapin, pero shempre dipende kung pati iyun babayaran mo, mindset ba mindset"nakangisi nyang sabi. “Letche ka, Oo na oo na.. ano bukas susunduin kita deal?”tanong ko “Dun sa ilalim ako ng tulay nakatira puntahan mo nalang ako"tumalikod na ito at tuluyang umalis This is it pansit kim, may ihaharap na ako kay lolo! :) pls vote and comment..thankyouuuuuw

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook