Chapter 4

2908 Words
HABANG binabagtas ko ang daan papuntang company ay nahagip ng mga mata ko ang pamilyar na lalaki sa tabing daan. wala pang isang linggo ng magkakilala kami pero halos alam ko na ang kanyang tindig, kung hindi ako nagkakamali si black ang nakikita ko. Pinapanuod nito ang maraming aso sa tabing daan habang kumakain, street dog ang mga iyon at may mga galis at ubod ng payat, mahilig pala sa aso ang isang to. pero hindi lang aso ang nandon pati narin pusang kalye. Ilan minuto ko syang pinagmasdan bago bumaba ng kotse. "Paano ka matatawagan ng boss mo kung wala kang cellphone?"nakacross arms ang aking mga kamay habang nasa harapan niya, at dahil nakaupo siya sa kalsada ay patingala niya akong tinignan. "Edi hanapin niya ko, siya may kailangan e"simpleng sagot niya at isa isang niligpit ang kasirola at kaldero na wala ng laman. "Bumili ka nga ng cellphone mo, mahalaga ang oras ko kaya wala akong oras puntahan ka, atyaka sa mga asong kalye at pusa na iyan napupunta ang pera na binibigay ko sayo?"medyo inis kong tanong, huminga ito ng malalim at tumingin muli sa akin. "hoy hindi ko iyon hiningi sayo, pinagtrabahuhan ko yan kapal ng face mo"pabalang na sagot kaya napasinghal ako, "Hindi mamahalin, maganda o may lahi ang mga asong yan pero mahalaga sila sa akin"tumayo siya at pinagpagan ang short dahil sa pagkakaupo. "Palibhasa gumagastos kayong mga mayayaman sa mga magagandang aso kaya hindi mo naappreciate ang ginagawa ko"reklamo niya pa kaya natawa ako. "Anong pinaglalaban ng nguso mo? hindi ako bibili ng mamahalin aso no, iniisip ko palang na dinidilaan nila ang paa ko nandidiri na 'ko, ayoko sa mga aso"kwento ko ng manariwa sa isip ko ang aso na niregalo ni lucas nung mga bata pa kami. "E sinong gusto mong didila sayo?"tanong niya kaya napahinto ako at napaisip. "Minamanyak mo ba 'ko?"inis kong tanong kaya natawa siya at napailing iling, auto change attitude talaga tong lalaki na 'to. Napasya akong dalhin siya sa mall para samahan siya na bumili ng cellphone, saka ko na gagawin ang task na pinapagawa ni lolo. meron naman syang secretary sa company niya at hindi niya naman ako kailangan don. "Mamili ka ng cellphone, at bayaran mo"sinalubong kami ng saleslady at malapad na ngumiti, pasimple kong sinilip ang muka ni black at kataka taka na hindi manlang ito ngumiti pabalik at tuloy tuloy sa pagpasok sa store. Buti naman, kahit fake ang relationship namin ayokong nakikita na hinaharot harot siya ng kung sinong aso sa tabi tabi, ikabababa ng ego ko yon. Maraming unit ng cellphone ang nakadisplay don kaya maraming pagpipilian, abala ang kanyang mga mata sa pagpili habang nakasunod lamang ako sakaniya. "Boyfriend niyo po ba ang lalaking ito ms.kim?"nakangiting tanong ng isa pang saleslady na nasa counter. "Ano sa tingin mo?"tanong ko, mahinang natawa ang babae kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Napaka pogi po ng boyfriend niyo ms, kim"kinikilig na giit nito kaya peke akong napangiti. agad na nakapili si black at binayaran..siya ang nagbayad dahil walang libre sa mundo atyaka cellphone niya yon dapat lang na bayaran niya, sa laki ng sahod niya baka umasenso na siya dahil sa pagiging kuripot. Inilahad ko ang kamay ko sakaniya at taka niya naman na tinignan iyon. "Gusto mong makipag holding hands? ano ka hello?"napairap ako at kinuha sa kamay niya ang cellphone. inilagay ko sa contact niya ang number ko at ibinalik din agad sakanya. "Wag mong isa-silent yang phone mo, kapag tumawag ako at di mo sinagot patay ka sakin"nauna akong maglakad at nakasunod lang siya. huminto ako sa isang mamahaling botique na paboritong bilhan ni lucas pag nandito siya sa pinas. "Wala na akong balak gumastos kaya ayokong bumili ng damit, madami pa akong damit sa bah—"hinatak ko na siya papasok. "Ang dami mong sinasabi, kailangan mo ng disente at maayos na damit lalo na kapag gusto kang makita ni lolo"huminto ako at namili ng mga damit na nakahanger at ibinagay sakaniya para isukat niya. "Bakit naman ako gustong makita ng lolo mo, miss niya naba ako agad?"inirapan ko siya bago sagutin. "Isukat mo yan dali"itinulak ko siya sa fiting room at naupo sa sofa kaharap non, marami syang isinukat at halos lahat naman ng damit na napili ko bagay lahat sakaniya kaya hindi rin kami nagtagal sa botique na yon. "Ang dami nito, hindi mo naman siguro ikakaltas to sa susunod kong sahod?"paniniguro niya habang naglalakad kami palabas ng mall. "Hindi, kaya ayusin mo ang trabaho mo"sagot ko, naramdaman ko ang kanyang palad sa aking kamay kaya nabigla ako at napahinto. "Anong ginagawa mo?"tanong ko habang nakatingin sa kamay namin na magkahawak. "Hawak ka sa kamay ano ba sa tingin mo?"kinalas ko ang kamay ko sakaniya dahil di ako komportable. "Walang bayad ang pagholding hands mo sakin dahil hindi naman kita inutusan, tsk"binuksan ko ang compartment ng kotse para don ilagay ang mga bitbit niya na paperbag. "Ate na maganda, penge naman pera, pang kain lang"may batang madungis ang humawak sa laylayan ng damit ko kaya agad akong umiwas. "Kapatid mo ba tong mga to?"tanong ko kay black ng maiayos ang mga paperbag sa compartment ng kotse. "Hindi 'e, baka mga kapatid mo?" "Nasaan ba mga magulang niyo bakit kayo nghihingi ng pagkain sa ibang tao?"tanong ko sa batang lalaki, lumabas sakanyang likuran ang batang babae na mas bata sakaniya. "Nasa bahay po"sagot ng batang lalaki. "Hindi ko kayo bibigyan, umuwi kayo sa bahay niyo at don kayo humingi ng pagkain sa mga magulang niyo"tinalikuran ko sila at binuksan ang pinto ng kotse. "Kuya maawa po kayo sa amin, may sakit si mama..kapag inabutan kami ni papa na walang naiuwi na pagkain sasaktan niya kami"makaawa ng batang lalaki, as if naman na pagkain nga ang bibilhin nila at hindi pang bisyo. "Hindi ka sigurado kung ibibili nga nila ng pagkain ung pera na ibibigay mo, who knows baka ipang bili nila ng solvent ung pera?"tumingin sa akin si black bago tumingin sa mga bata at umupo kapantay nila. "Saan ba kayo nakatira mga bata?delikado sa langsangan, ilan taon naba yang kapatid mo?"tanong ni black sa mga bata. "Apat na taon po" "Sige ganito nalang, sumama kayo saamin sa grocery tapos ihahatid namin kayo sa bahay niyo"nakangiting aniya ni black na ikinagulat ko. "Hoy, isasakay mo sila sa kotse ko?"gulat kong tanong, pero huli na dahil inakay niya na ang dalawang paslit pasakay ng kotse. wala na akong nagawa dahil desidido talaga siya sa pagtulong sa dalawang bata. Habang nasa grocery kami ay hindi ko maiwasan sermunan siya. paano ba naman ay kundi pagpapakain sa mga asong kalye ang pinagkakaabalahan ay pagpapakain naman sa mga batang kalye. "Ngumiti ka nga, tinatakot mo ang mga bata 'e"bulong ni black, ngumiti ako ng peke at umirap. Pagkayari namin makapamili ng ilan delata at iba pang pagkain ay umalis na kami, papunta lang naman kami don sa kabahayan sa ilalim ng tulay..maraming bahay na dikit dikit ng tabing tabing na sako ang nandon at puro din basura. "Nandito na po tayo kuya at ate"itinulak ng batang lalaki ang tabing na plywood na harap sa maliit nilang bahay..walang pag aalinlangan na pumasok si black habang nanatili ako sa labas. At dahil maliit lang ang bahay nila, tanaw ko ang ginang na nakaraty sa higaan gawa sa kahoy. "Ma, siya po ung bumili ng grocery na to ma"masayang aniya ng batang lalaki "Talaga totoy, nako maraming salamat sayo iho"mahinang tinig ng ginang na mukhang may sakit nga. Hindi ko na pinakinggan ang naging usapan nila, nawalan nalang ako ng gana magsalita habang nasa biyahe. pakiramdam ko kasi ay ang sama sama ng mga pinagsasabi ko at ang sama ng ugali ko pero ang totoo naaawa din talaga ako. walang ibang makakaintindi sa sitwasyon nila kundi si black, dahil siguro ay isa sila ng pinagdadaanan sa buhay. Hindi ko alam ang pakiramdam na yon dahil lumaki akong mayaman at ni minsan hindi naramdam ang paghihirap sa buhay.. Siguro kung milyunaryong tao lang to si black, malamang marami na tong natulungan kagaya ng dalawang batang yon. "Anong naglalakad sa isip mo bakit ang tahimik mo, siguro natatae ka no"tumingin ako sakaniya habang siya ay nagdadrive. "Naisip ko lang, siguro kapatid mo talaga ang dalawang bata na yon no? tapos modus niyo lang to..umamin kana kasi kapatid mo ang dalawang bata na yon at planado niyo lahat ng to. sinadya mo na palapitin ang dalawang yon sa akin no?"sunod sunod kong tanong, nanlaki ang butas ng dalawang ilong nito habang nandidilat ang mga mata. "Pinagsasabi mo, e mas kamuka mo kaya sila"natawa ako at iniwas ang tingin, sa halip ay tumingin nalang ako sa bintana. KIMBERLY Inabot ni lolo ang kulay pink na sobre sa akin ng makauwi ako ng bahay. "Invitation card ba 'to? para kanino?"tanong ko at kinuha ang laman ng pink na sobre at binasa ang nakasulat. "Birthday ni miana" "Ang tanda na non may pa invitationcard pa"natatawa kong sabi. "At gusto ni matilda na ikaw ung tumugtog ng piano para sa anak niya"nalunok ko ang sariling laway dahil sa gulat "Piano? ang laki talaga ng galit ni autie sa akin no lola, di masyadong halata na gusto niya kong mapahiya"halos taon taon nalang pinag iisipan ni autie kung sa paanong paraan niya ko susubukan. "Alam mo naman ang auntie mo, masyado kang sinusubukan dahil saiyo ko ipapamana ang brillantes company"naupo si lolo at habang subo ang tabako. May point si lolo masyadong strictong tao si auntie, hindi siya pabor na ako ung hiranging taga pag mana, pero mabait naman si auntie kasi alam mo na minana pa ni lolo ung company namin kaya ingat na ingat sila lalo ako ung susunod na hahawak. "Hindi ba marunong ka naman apo?ipakita mong talented ka para sa akin, ikaw ang pinaka the best kong apo alam ko kaya mo"nakangiting sabi ni lolo para palakasin ang luob ko. "Opo, kaya ko nga lolo thankyou," Si lolo lang ung kaisa isang tao na tiwala sa galing na meron ako, proud sa akin kahit di naman talaga ako karapat dapat, kaya nga kahit ganyan si lolo mahal na mahal ko. "Saan ka nag highchool babe?"nagulat ako ng mag salita si black sa likod ko, hindi ko alam na meron pala kaming endearment. Nandito siya sa bahay dahil inimbitahan siya ni lolo, sabi ko na nga ba at mangyayari to kaya nabilhan ko siya ng damit na isusuot niya pag nagpupunta siya dito. Saan nga ba? saglit akong napaisip bago siya sagutin. "Sa hillford university,"sagot ko. "Pinaka magandang school sa pinas ung hillford university na ang nagmamay ari ay ang family VILLEGAS nuon pang 1893, na nakatira ngayon sa london. mahuhusay ang mga teacher don mula secondary, meron silang piano, guitar at violine lesson. kaya dapat lang na alam mo kung pano tumugtog ng mga instrumento"Mahabang paliwanag ni black "Black is right, even school history he know's very well, im sure ako kapag na-meet ni matilda si black ay siguradong marami itong itatanong"nakangiting giit ni lolo. WTF So isasama ko si black? Hays bakit ba kasi ang dami mong paandar, ayan tuloy gustong gusto kana ni lolo, nakakainis ka talaga black saan mental hospital kaba galing? "Hindi ako marunong magpiano o kahit anong instrument lolo 'e"nahihiya kong sabi kaya mahinang natawa si black. Sikuhin ko nga. "Don't worry babe, marunong ako mag piano. halos lahat ata ng instruments alam ko"proud na sabi ni black. Masyadong pabibo, "Pinabibili mo ako lalo saiyo black"tumatawang sabi ni lolo na ikinairap ko. "Thankyou lolo, kaya ang swerte talaga ng apo niyo sa akin, dahil nung firstime namin na meet ung isa't isa, na fall na agad ang apo niyo,"malakas nyang tawa kaya agad ko syang sinamaan ng tingin. "Ako ba talaga babe?,"nakangiti kong tanong at tyaka siya palihim na kinurot. "Ofcourse not, nabihag ako sa taglay mong kabaitan at pagiging galante"aba't may plano pa akong ilaglag, gusto niya ata madelay ang 13k nyang sahod buwan buwan. "Paano nga ba kayo nagka kilala apo?"Ayaaaan na, nagtanong nanga si lolo. anong sasabihin ko? "Sa tulay po lolo," What the f**k? "Sa tulay?"nagtatakang tanong ni lolo. "I'm kidding lolo, sa sogo po talaga"nanlamig ang ulo ko dahil sa stress, para akong hihimatayin sa pinagsasabi ni black. pati si lolo hindi nakaligtas sa kabaliwan niya, "Sogo? you mean hotel?"tanong ni lolo na lalong nagpakaba sa akin. "Hindi po lolo,"hindi ko maiwasan sumabat. "Sogo, i mean don sa milktea shop lolo, sogo ung name ng shop dahil don sa ingridients na sogo sa milktea"aniya ni black. "Babe, s**o yon hindi sogo" "s**o lo, im sorry"halatang sinadya niya talaga to para asarin ako, konti nalang talaga at pagbabawalan ko na syang huminga kapalit ng isang milyon. Kahit di naintindihan ni lolo ay tumawa at nakisang ayon nalang ito, ngayon araw ako tuturuan ni black kung paano mag piano dahil dalawang araw nalang ay birthday na ng pinsan kong si miana. Dinala ko siya sa guest room kung saan nakalagay ang malaking piano na pagmamay ari pa ni daddy na matagal ng nakalagay sa kwartong ito, hindi naalikabukan ito dahil araw araw pinapalinis ni lolo. Parehas kaming nakaupo sa harap ng piano dahil nga siya ang magtuturo sa akin. Nagsimula na syang magtipa sa piano, nuong una ay hindi ko alam kung ano ang tinutugtog niya pero habang tumatagal ay naiintindihan ko na kung ano. Para kong natutulala sa saliw ng musika habang patuloy ang kanyang pagtipa. Kung hindi lang talaga pulube si black ay perfect na sana, matalino naman talaga si black 'e, aaminin kong gwapo ito at oo na.. gwapo sa lahat ng pulube na nakita ko, siya ung tipo ng pulube na ang bango bango at malinis sa katawan, ultimo balat ang kinis at maputi. mukhang hindi nabababad sa initan o nagagalusan, one time nakita ko syang naninigarilyo pero kataka takang maputi parin ang ngipin nito at mabango. Nahihiwagaan na kay black. Hindi kaya? hindi naman talaga siya pulube? paano kung totoong mayaman nga talaga siya? base sa mga papanalita niya kapag kaharap niya si lolo nagmumuka syang ibang tao, parang hindi si black na kinaiinisan ko? pero kapag ako lang kaharap niya at kaming dalawa lang lumalabas ang pagiging baliw niya. Let me be the one to break it up? So you wont have to make excuses?? We dont need to find the set up where someone wins and someone looses? We just have to say our love was true?? But has now become a lie?? So im tellin you i love you one last time and goodbye.... Ang angelic ng boses niya, gaya ng original na kumanta..at ang sarap non sa tenga niya ang totoo lalo syang nagiging gwapo kapag kumakanta siya. Hindi ko na namamalayan ang sariling titig sakaniya. "Pwedi mo akong maging crush, pero bawal mo kong angkinin"nagising ako sa realidad ng mabungaran ko ang muka ni black na nakangisi, sa gulat ko ay agad ko syang naitulak at dahil magkatabi at malapit lang kami sa isa't-isa ay bumagsak siya sa kinauupuan. "Bakit mo 'ko tinulak?"tanong niya habang hawak ang balakang. "Nakakainis ka kasi 'e!"umirap ako kunwari at umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko namamanhid ang muka ko. "Nakakainis ka kasi 'e nyenyenye,"pang gagaya niya sa reaksyon ko, "Naiinis ka ba o kinikilig? nagbblush ka kimberly brillantes"nakangising sabi ni black. "Mainit kasi kaya namumula ang muka ko"palusot ko, bumangon siya at muling umupo sa tabi ko. Hinawakan ni blackl ang kamay ko at ipinatong sa piano, sa kaba ko ay nanginginig ang kamay ko, s**t bakit ganito napapaso ako sa init ng palad ni black. "Dapat malikot ang daliri mo, sa piano"aniya ni black at lihim na natawa pero ramdam ko ang mainit at mabango nyang hininga sa lieg ko. Ang lambot din ng palad ni black, parang minamanicure din ang kamay nito buwan buwan dahil sa linis. "Saan ka ba natuto magpiano?"hindi ko maiwasan na tanong. "Sa simbahan,"simpleng sagot ni black. "Talaga makadyos ka?" "Oo naman no, makadyos ako"giit ni black. "E tumugtog ng guitara?"tanong ko ulit, marami akong gustong itanong kaya susulitin ko na hanggat free pa. "Dati akong nagpapanggap na bulag sa mga simbahan o overpass, madalas sa tabi ng kalsada"nanlaki ang mga mata ko at napatingin sakaniya. Nagpapanggap syang bulag? "Ang tino-tino mo kausap no alam mo yun?"sarkastiko kong tanong pero seryoso naman siya ng sabihin niya yon. "Lahat na ng trabaho napasukan ko na, napasok ko narin ang umiyak sa mga burol"dagdag pa ni black kaya malakas akong natawa. " Seryoso ka? Ganon ka kagipit ?!"tawang tawa kong tanong, hindi ko alam na pwedi palang maging trabaho ang pag iyak sa mga burol. "Oo ang laki kaya ng sahod dun, tapos magdrive sa funeraria, magbenta ng tanso sa junkshop, magbenta ng candy sa bus at magbenta ng kidney"sabi pa nito kaya wala akong tigil kakatawa. "Para kang sira," "Pinaka madaling trabaho na napasok ko ang taga turo ng bahay sa mga delivery rider ng shoppe"pagmamalaki niya kaya nahampas ko siya sa ulo dahil sa sobrang tawa. "Hinahunting nga ako ng mga bahay na itinuro ko, bakit ko daw itinuro ung bahay nila e wala pa daw silang pera, ang mga engot na yon oorder order tas walang pera, naranasan ko din maging rider kaya alam ko ung hirap ng pagdedeliver"mahabang paliwanag ni black. "Nga pala marunong kang sumayaw?syempre, hindi aral baon ka e"hindi ko pa nasasagot alam na niya. "Ikaw na matalino"irap ko kay black. "Tuturuan na din kita, para 'di ka mapahiya sa auntie mo"napatulala ako sakaniya. "Talaga?"ngumiti lang ito at ginulo ang buhok ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD