Meet Mia
*KRIINGGG
“Huy, tara na mamaya ka na makipagdaldalan.” Sabi ni DJ kaya tinanggal ko na yung foot socks na suot ko.
Kailangan namin mag foot socks sa room dahil mahirap maglinis ng classroom.
“Ang bagal mo talaga lagi.” sabi ni DJ habang naglalakad kami papunta sa canteen
“Di ka pa ba nasanay sa babaeng yan.” sabi naman ni Sannvel
“Whatever,” sabi ko at inirapan ako ni San
My name is Anzhela Mia Del Quintana, Grade 9 student studying in Dark Light Academy.
Kasama ko ngayon ang dalawa kong best friend, since G7 kaming tatlo na ang magkakasama.
“DJ,” sabi ni Clark sabay akbay kay DJ
DJ, although medyo boyish sya kumilos and magsalita, is a girl.
Her name is Dionne Joanne Fernandez and that Clark guy is Clark Clein Barredo, DJ’s long-time boyfriend.
Si Sannvel, yung guy saming tatlo, he is Sannvel Bermudez at for the record, frenemies kami nyan.
“Clein, tara. Hi, Mia.” sabi ni Gino, kaklase din namin and kaibigan
“Ayiee,” sabi ni DJ
“Bagay kayo,” sabi ni Sannvel samin
“Che! Ewan ko sa inyo.” sabi ko
Pagka alis nila puro pang-aasar lang ang ginawa nitong dalawa.
Since Grade 7 shini-ship nila ako kay Gino dahil sa accident na nangyari back then.
“Kilig ka naman.” sabi ni San pagka dating namin sa cafeteria.
“Tigil-tigilan nyo nga ako.” sabi ko
Pagka-kain namin biglang bumuhos ang ulan.
Shocks!
Wala akong payong at nasa kabilang building ang room namin.
Buti si San may jacket na may hood eh paano kami ni DJ?
“DJ, oh.” sabi ni Clark at inabot yung jacket ni DJ na may hood
Naiwan nya yun kanina sa room eh paano ako wala akong dalang jacket dahil di ako nilalamig.
Nagulat ako nung may magpatong ng jacket sa akin.
“Gamitin mo muna.” sabi ni Gino
“Pano ka?” tanong ko
“May payong kami ni Clark.” sabi niya tapos pinakita yung payong
“Ah, sige, sauli ko nalang sa’yo mamaya sa room.” sabi ko tapos sinuot ng ayos yung jacket at hood
Pumunta kami sa room tapos nag suot ako ng foot socks pagkapasok sa room.
Nakita ko yung mga kaklase ko na nakatingin sa akin.
Bakit?
Pagkapunta ko sa upuan ko nakita ko nakatingin sila sa akin.
“Anong meron?” tanong ko kay Joseph na katabi ko sa Math Time
“Malay ko.” sabi niya
“Ren, anong meron?” tanong ko sa kaklase ko na nakaupo sa likod ng upuan ko
“Kaninong jacket yan?” tanong nya
“Kailan pa nasagot ang tanog ng isa pang tanong?” tanong ko sabay taas ng kilay
“Kasi suot mo ang jacket ni Gino.” sabi niya
“Anong meron kung suot ko? Pinahiram niya sa akin dahil naulan.” sabi ko
“Sumuko ka na, Ren, slow yang si Mia.” sabi ni Sannvel na naka upo sa likod ng upuan ni Ren
“Che, di kita kausap.” sabi ko kay Sannvel
“Kasi bihira ang babae na nagsusuot ng jacket ng lalake.” sabi niya
“Okay?” sabi ko nalang kahit na hindi ko talaga gets yung point nila
Maya-maya pumasok si Gino iniabot ko na yung jacket niya
“Thank you.” sabi ko ng naka ngiti
“Wala yon.” sabi nya
Biglang pumunta si San sa board tapos nag-sulat.
Di ko na tiningnan kasi baka kung ano lang, di pa naman kasi English time so I'm sure di sya acad-related.
Sam is our English Class Pres, tapos sya rin ang Auditor ng English Club ng school so kapag absent ang teacher namin sa English, sya ang kino-contact para sa activities of the day.
Nakatali yung buhok ko ng pa-ponytail dahil sobrang haba at mahirap magsulat dahil nasabit sa kamay.
Umubob lang ako at maya-maya nag-ring na yung bell at pumasok na si Miss Sandoval.
“Mino?” taka niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya at nakatingin sya sa board
Tiningnan ko naman yun at may nakasulat na
‘Stay Strong, MiNo.’
Argh, si Sannvel!
Tiningnan ko sya at sinamaan ng tingin.
“Sinong Mino?” tanong ni Miss
“Sina Mia at Gino po,” sabi nila
“Mia?” tanong niya sa akin dahil nakaupo ako sa kaunahan at sa center aisle.
Talk about timing.
“Chika lang po, Ma'am,” tanggi ko agad
“May transferee tayo ngayon at mula siya sa Japatrein so treat him nicely okay?” sabi ni Miss
“Please enter,” sabi ni miss tapos nakita ko na lumipat si Joseph sa tabi ni Aphrill kaya nabakante yung upuan sa tabi ko.
Tumingin naman ako sa mga papel na nasa desk ko.
May iche-check pa nga pala akong mga papel.
Ayaw ko na talaga maging leader.
“Zdravyut mena zevout Fuego Juarez,” napatingin ako sa gitna ng aisle andun sya.
Juarez?
Kamag-anak kaya namin sya?
Baka hindi.
Galing siya sa Japatrein eh.
“Any vacant seats? Who are absent?” Ms. Sandoval
“Emgel Creus, John Rhey Nickelson, Rica Gomez, and Savanna Desingaño are absent today.” Sabi ko kasi ako ang naatasang secretary ng Math
Yung feeling na hate ko ang Math tapos naging Secretary pa ako ng Math.
“Choose your seat, Fuego.” Sabi ni Ms. Sandoval dun kay Fuego
“Does anyone sit here?” tanong niya sakin
“Joseph,” Sagot ko
“Di na, sa kanya nalang, dito na ako.” Sabi ni Joseph
“Wala nang nakaupo.” Sabi ko at umupo na siya
“What is our lesson yesterday?” Tanong ni Ms. Sandoval kaya nagtaas ako ng kamay
“Reena,” Tawag ni Ms. Sandoval
“Tungkol po sa Algebra.” Rinig kong sagot ni Reena
Nagsimula na si Ms. Sandoval idiscuss yung mga topic namin tapos maya-maya nag flash na sa screen yung mga word problems.
“Seat work solve the equations in the board in your notebook we will check after 20 minutes.” Sabi ni Ms. Sandoval kaya inilabas ko na yung notebook ko
Maya-maya nagtawag na si Ms. Sandoval ng pasasagutin sa board kaya nagtaas ako ng kamay.
Hindi nga lang ako napili.
Nag-check kami ng seatwork at thankfully, kahit na may love-hate relationship kami ng Math, perfect ang score ko.
“Who got perfect?” Tanong ni Ms. Sandoval kaya itinaas ko yung kamay ko.
“DJ, Sannvel, Mia. and Fuego. Congratulations” Sabi ni Ms. Sandoval
Pagkatapos ng Math namin AP naman.
Minsan pakiramdam ko puro numbers na yung nasa utak ko kasi naman puro numbers nalang eh, sa Math kailangan tandaan yung mga formulas tapos sa AP may formula rin para sa surplus, inflation, shortage, saka mga dates na kailangan matandaan.
Ekonomiks na ang AP namin so expected ko wala na kaming sasauladuhing dates but it's a prank.
Pagkaring ng bell, isa ako sa mga studyanteng nagdiwang.
Minsan ang sarap ibagsak ang mga klase kaso takot ko lang maging repeater. I
nayos ko na yung gamit ko at as usual, iniwan na naman ako ng magagaling kong kaibigan, understandable naman eh.
“Classmates, wag muna kayo lumabas especially yung leaders sa bawat group ng bawat subject.” Sabi ko nung makita kong pinalapit ni Ms. Lily yung class president namin, si Corrine.
Ganun kasi last time nung may transfer kami, president ang pinapalapit tapos binibigay nalang ng adviser namin yung magiging group niya.
“Mia, dito ka.” Sabi ni Corrine pagkababa ko ng gamit, naglilipatan kasi kami ng upuan.
“Bakit?” tanong ko at lumapit doon
“Ikaw na bahala. Ingleshero eh.” Sabi ni Corrine at napailing nalang ako
“Tulungan nalang kita. Baka naman maalam managalog yan.” Sabi ko
“Teh, hindi keri. Kanina pa kami ini-English, teh.” Sabi ni Hara
“Sige na, ako na.” Sabi ko at tinanggap yung schedul ni Fuego
“Ikaw na bahala, ah.” Sabi ni Corrine at lumabas na sila ng room
“Hi, I’m Mia,” Pagpapakilala ko sa kanya
“Fuego,”
“So, in Science, Math, Filipino, and English ako yung leader mo, at sa iba pang subject magiging ka-grupo mo naman ako.” Sabi ko habang binabasa yung grouping sched niya
“So, where can I sit?” tanong niya kaya dinala ko siya sa harapan at isa isang itinuro yung mga upuan habang binabanggit kung sinong nakaupo doon.
Malay ko kung matandaan niya yun sa dami namin sa room tapos 7 magkakaibang seating arrangement pa ang sinabi ko.
“You can sit beside me because in Filipino, that seat is vacant and I’m also your leader. I hope you remember what I said earlier kahit na medyo nakakalito, sometimes nalipat yung ibang boys pero don’t worry theres always atleast two vancants left.” Sabi ko
“Huy, Mia, tara na.” Sabi ni DJ at dumungaw sa pinto
“Una na ako ha? Tawag na ako ng best friend ko.” Sabi ko at nginitian siya
Mukhang nagulat pa siya at naguluhan nung ibinigay ko sa kanya yung sched niya.
“Ikaw ha pinagpapalit mo na si Gino.” sabi ni San pagdating namin sa Caf
“Pinagpapalit ka diyan. Walang kami, napaka issue niyo.” sabi ko
“Oo nga naman, San, walang sila.” sabi ni DJ habang natatawa
“DJ!” sabi ni Clein kay DJ at umupo sa upuan katabi ni DJ
“Diba si Fuego yun?” tanong ni San sa akin tapos tinuro yung tao sa may Counter
Oo nga si Fuego yun.
“Wala yata syang maupuan.” sabi ni Clein na nakatingin din dun sa tinitingnan namin ni San
“Fuego!” tawag ko
“Dito ka na sumabay sa amin.” sabi ko pagkalapit nya
“Is it alright?” tanong nya na parang nag-aalangan
“Pwede naman.” Sabi ni Clein
“Zdravyut mena zevout Fuego Juarez.” sabi niya kay Clein at naglahad ng kamay pagkalagay ng tray niya sa lamesa.
Natahimik naman kami kaya napatikhim ako.
Ako lang pala ang marunong mag-Russian samin.
“Uh Fuego, we don’t speak russian.” sabi ko at binalingan ang mga kasama namin sa table
“Ito si Fuego, classmate namin siya.” sabi ko
“Sorry,” sabi niya
“Ayos lang.” Sabi nina San
Ba’t ba siya nagra-Russian?
Akala ko ba galing siyang Japatrein ba’t national language ng Delcruss gamit niya?
Umupo naman sya sa upuan sa tabi ko.
Biglang lumapit dito si Gino.
Umupo sya sa tabi ko kaya ngayon napapagitnaan ako ng dalawang lalaki.
“Sinong pipiliin mo Mia, ang dati o ang bago?” pang-aasar na tanong ni San sa akin
Ang loko talaga, pasalamat nalang siya at di yata naiintindihan ni Fuego ang mga sinasabi niyanga kalokohan baka ma-awkward-an pa yung tao samin.
“Che!” sabi ko
“Mia, gusto mo?” alok ni Gino ng egg sandwich sa akin
“Won’t you have rashes and turn red if you also eat that? You’re allergic to chicken.” tanong ni Fuego habang nakatingin sa sandwich na inaalok sakin ni Gino
Nagtataka naman kaming tumingin sa kanya.
“What? You didn’t know that?” tanong nya
“Alam,” sabi ni San at tiningnan ako nang nagtataka kaya nagkibit balikat ako
“Paano mo nalaman?” tanong naman ni DJ pero nagkibit balikat naman itong isa.
Pagka-kain biglang lumapit kay Fuego sina Corrine
“Do you already know your group? Sana ka grupo kita para may gwapo.” sabi ni Corrine
“I’m always with Mia in all groups. Thanks for the compliment.” sabi ni Fuego dahilan para magtaka si Corrine
“Nakakaintindi yata ng Filipino si Fuego.” sabi ko tapos umalis na kaming anim
“Tara na, Clein.” yakag ni Gino kay Clein
“Ikaw Fuego gusto mo sumama?” tanong ni Gino kay Fuego
“Magpa-parkour kami.” sabi ni Gino
“Game,” sabi niya bago bumaling sa akin
“Later, Angel.” sabi niya at umalis kasama sina Gino
“Yung meaning ng First name ko.” Mahinang sabi ko nang ma realize kung bakit niya ako tinawag na ‘angel’
“Ang alin?” tanong ni San
“Tinawag ako ni Fuego gamit yung meaning ng first name ko.” Sabi ko
“Alin yung Anzhela?” tanong ni DJ
“Oo. Angel ang meaning nun eh.” sabi ko
“Bess, ang creepy nun ah.” sabi ni DJ
“Baka akala niya angel ka kahit ang totoo demonyo ka.” sabi ni San
“Napaka mo talaga.” sabi ko at inirapan siya
Pumunta na kami sa room.
“Oh, Mia.” Tawag ni Ms. Lily sa akin
“Bakit po?” tanong ko
“Nakita mo ba si Fuego?” tanong ni Ms.
“Opo, kasama po ni Gino.” sabi ko
“Well, Mia, I have a favor to ask, is that alright?” tanong niya at tumango naman ako
“Sure, Ms. Lily ano po ba yun?” tanong ko
“Gusto ko sana na makipagkaibigan ka sa kanya para di sya maging loner dito sa school. As you can observe, halos pareho sila ni San, noong Grade 7 kayo, yung nga lang masyado syang aloof sa inyo unlike San na nakikipag-usap naman.” sabi ni Miss
“Ah pwede naman po. Isasama nalang po namin siya nina San kapag break time.” sabi ko
“Oh, that's good, thank you for your help, Mia.” sabi ni Miss Lily at ngumiti ako