New Teachers

2568 Words
“Mia!” bigla akong tinawag nina DJ at San kaya tumayo ako naglakad papunta sa kanila Nandito ako sa school ngayon. “Oh, bakit, DJ? San?” tanong ko “Sama ka samin mamaya?” tanong ni DJ kaya napaisip ako “Saan?” tanong ko “Sa caf malamang.” Sabi ni San “Um, kapag di busy.” Sabi ko at bumalik na sa upuan ko. Nagsimula na yung sunod namin klase nung magring yung bell. Pagkatapos ng lahat ng klase namin, inayos ko na agad yung mga gamit ko at lumipat na ng upuan. “Mia, you can go with them, I’ll manage.” Sabi ni Fuego pagkalagay ng bag niya sa upuan tabi ng upuan ko “Sure ka?” paninigurado ko at tumango siya “Okay, then I’ll do my promise.” Sabi ko tapos kinuha yung isang libro sa loob ng bag ko. Nasa last 5 pages na kasi ako tapos tapos na. Nagbabasa ako nung bigla akong tinawag ni Fuego. “Mia,” Sabi niya at may iniabot na libro sa akin “What’s this?” tanong ko “Food, Mia, food,” Sarkastikong sabi niya “Libro kaya. Ikaw talaga, gutom ka na ba at napapagkamalan mong pagkain ang libro?” sabi ko sa kanya at nagpatuloy sa pagbabasa. “You’re asking the obvious, Mia.” Sabi niya “I was asking what this is for.” Sagot ko habang nasa librong binabasa parin ang atensyon “Read it.” Sabi niya “Wait. Last page,” Sabi ko at natahimik naman siya. Pagkatapos ko basahin yung Epilogue ng libro inilagay ko na sa bag ko ulit tapos kinuha ko yung libro ni Fuego at sinimulang basahin. “Let’s go.” Aya niya kaya sinamaan ko siya ng tingin “Asar ka. Papabasa mo ta’s magyayakag ka kung saan.” Reklamo ko sa kanya at narinig ko siyang mahinang natawa Natawa pa nga samantalang naiinis ako. “I thought you’ll be with your best friends?” tanong niya kaya ibinaba ko na yung libro at kumuha ng bookmark mula sa file case ko. “Fine, tara.” Sabi ko at nilagyan ng book mark yung binabasa ko. Habang naglalakad kami nakasunod lang ako kay Fuego dahil nagbabasa ako ng libro. “So, it’s one-sided love?” tanong ko sa kanya nang may marealize sa part ni Maine. “Maybe.” Sagot niya Maiinis ako kung sa ibang tanong niya sinagot yun pero mas gusto kong di ako naspo spoil pag may binabasa ako. Though sometimes I appreciate na may head’s up like break ups or sudden tragedies. “Wait... No it isn’t. Maine Delos Reyes love Fierro Harrison and Fierro Harrison love Maine Delos Reyes, they love each other. So they’re playing hide and seek? Hiding feelings for each other?” tanong ko nang mapagtanto yung naging plot ng kwento Bigla siyang tumigil kaya nabangga ako sa likod niya. Nilagyan ko ng bookmark yung binabasa ko at isinara bago tiningnan si Fuego para makita kung ba’t siya tumigil. “We’re here. There they are.” Sabi niya at tinuro sina DJ at San “Sige. Sure ka talagang ayos ka lang mag-isa?” paninigurado ko at tumango siya Lumapit ako kayna DJ at San tapos umupo sa tabi ni DJ kaharp si San. Nakain pa naman sila pareho kaya inilagay ko sa table yung laibro at nagsimulang magbasa. Ang thrilling ng story. Lagi kasing nag-aasaran sina Maine Delos Reyes at Fierro Harrison tapos akala ni Maine Delos Reyes may gusto si Fierro Harrison kay Quincy Fortalejo tapos akala ni Fierro Harrison may gusto si Maine Delos Reyes kay Javid Gonzales. Sa ending malalaman nilang dalawa na gusto pala nila yung isa’t isa. It's cliche pero sweet parin. “Huy, para kang baliw dyan.” sabi ni DJ kaya nilagyan ko muna ng bookmark yung binabasa ko “Nababaliw nanaman.” sabi naman ni San “Tse. Kinikilig lang ako noh.” sabi ko at ipinatong yung libro sa lamesa “At saan ka kinikilig?” tanong ni DJ “Malamang edi sa story na binabasa ko.” sabi ko “Si San yung lalaki pero sa kanya ako nakakapag kwento kasi yung babae kong best friend may ibang inaasikaso.” sabi ni DJ “DJ, sorry talaga.” sabi ko “Yan kase lagi kayong magkasama ni Fuego.” sabi ni San kaya sinamaan ko sya ng tingin “Sorry talaga,” sabi ko “Oo nalang.” sabi ko, umalis si San at iniwan kami. “Bess,” sabi ni DJ at yumakap sa akin “Oh, anong meron?” tanong ko “Wala na,” sabi niya “Wala nang ano?” tanong ko “Kami ni Clein,” sabi niya kaya niyakap ko sya pabalik Sinubsob niya yung noo niya sa may shoulder ko. Gawain niya na 'to kapag may problema, ever since Grade 7. “Bakit? Anong nangyari?” tanong ko habang hinahagod yung likod niya dahil naiyak na sya “Ayaw ni Papa, pinapili niya ako, p-pag si Clein ang pinili ko di niya na ako papansinin pag siya naman kailangan ko makipag-hiwalay.” sabi niya habang naiyak “Yung Papa mo ang pinili mo?” tanong ko “Malamang. Pero ang sakit,” sabi niya tapos mas hinigpitan yung yakap sa akin “Tahan na, bess, Hayaan mo makakahanap ka ng taong para sa’yo.” sabi ko “Sana, Bess, sana,” sabi niya tapos pinunasan ang luha niya. Ayoko magmahal dahil ayoko masaktan, di kakayanin ng puso ko yon. Bawal ang sobrang emotions, pwede kong ikamatay. Biglang bumalik dito si San. “Dee, may kasama si Clein na babae sa tapat ng room natin.” Sabi ni San “San!” saway ko sa kanya kasi naman kitang naiyak na si DJ sasabihin pa yun. Naramdaman kong nabasa na yung uniform ko. Luh naiyak si DJ. “Shh. Tahan na DJ, ayos lang yan. Makaka-move-on ka rin, Ikaw pa?” sabi ko trying to cheer her up kaso epic failure. “Ayy, sorry.” sabi ni San “Wala pang 1 week, Bess. May bago na agad sya.” sabi niya kaya niyakap ko sya ng mahigpit “Move on. Maraming tao ang nagmamahal sayo, over the seas, in this country. Very happy ako sa naging choice mo. Every person like you deserves someone better. Over one billion live in this country, and not all of them will cheat on you.” sabi ko sa kanya Naglakad kami papunta sa room tapos nakita ko si Clein at saka yung kaklase niyang babae na naglalandian kaya iniiwas ko si DJ doon. Maya-maya mukhang kumalma na si DJ. We’re diverting the topic, though sadyang minsan mabagal maka adapt sa situation si San. “Bess ngayon magpe present si Eli-jay.” sabi ni DJ To think of it, naging MU sila nung grade 7 kami nina DJ at Grade 9 si Kuya Eli-jay. Grade 11 at graduating na sya next year. Sana sila nalang ni DJ, sana dina lang bumalik si Ate Alie. Sya lang naman ang rason kung bakit naghiwalay sina DJ at Kuya Eli. “Huy, tulala ka na naman.” sabi ni DJ “Wala,” sabi ko “Sino bang tinitingnan mo?” tanong ni San “Wala,” sagot ko “Kaya naman pala.” sabi ni DJ “Fuego o Gino?” tanong ni San “Bakit niyo ako pinapapili?” tanong ko “Bess, bawal maging player, wag mo sila pagsabayin.” sabi ni DJ. See? Bumalik na sya sa dati na napakahilig akong i-ship kasama ni San. “Wala akong pinagsasabay.” sabi ko “Aysus. Maniniwala na ba kami ni San?” sabi ni DJ “Mia, sabihin mo na. Ang dati o ang bago?” sabi ni San “Sinong dati at bago?” tanong ko “Si Gino ang dati si Fuego ang bago.” sabi niya “Eh kaibigan ko si Fuego mula pagkabata.” sabi ko “Siya si Sunny?” tanong ni DJ “Parang ganun na nga.” sagot ko Biglang nagtilian ang mga nandito sa court kaya napatingin ako sa tinitilian nila. Seriously, anong meron? Artista? “Anong meron?” tanong ko kay Fuego na lumapit dito “Secret.” sabi niya tapos bumalik dun sa gitna. “Ayiee.” iritan ng mga babae Anong meron? “Anong meron, DJ? San?” tanong ko sa dalawang kong Best friend. “Ewan ko sa’yo, Mia.” sabi nila Ano daw? “Bess, anong meron?” tanong ko uli “Tanong mo sa kanila.” sabi niya Aisht ano bang meron? “Isa pa! Isa pa!” cheer ng mga ta “Okay, next song,” sabi ni Fuego Pagkatapos nya kumanta nag iritan na naman sila. Sabagay, gwapo naman kasi si Fuego. Tumingin sya dito at ngumiti. At ang resulta? Iritan na naman ang mga nanonood. “Nginingiti-ngiti mo dyan?” tanong ko sa kanya nang lumapit sya dito ng nakangiti “Nothing,” Sabi niya “The cold Fuego became warm.” Napaharap ako sa pinanggalingan ng boses “Nee-chan Lav!” sabi ko at yumakap sa kanya “What are you doing here?” tanong ni Fuego sa kanya “I came for Mia.” Sabi ni ate Lav at tumingin sa akin “Want to go shopping with me later?” tanong nya sakin “Da, Nee-chan.” Sagot ko at tumunog na ang bell “I’ll see you later Mia.” Sabi ni ate Lav at umalis Sumabay ako kayna DJ at San pabalik sa classroom. Maya-maya ay pumasok si Fuego at napansin ko na nakatingin sa kanya yung mga kaklase namin. Siguro dahil sa eksena kanina sa court. “Why are they looking at me?” tanong niya “I don’t know.” Sagot ko “Ah, okay,” Sabi nya Maya-maya ay pumasok ang isang lalaki na naka uniform ng parang pang teacher. “Magandang hapon, Angels.” Bati nya “Magandang hapon din po.” Bati namin pabalik “Ako ang inyong practice teacher, tawagin niyo nalang akong Sir Russ.” Sabi niya Ah, practice teacher pala sya. “Ang ating aaralin ngayon ay tungkol sa Noli Me Tangere.” Sabi nya Itinuro nya samin ang unang kabanata ng Noli Me Tangere. Napansin kong di maintindihan ni Fuego ang ibig sabihin kaya ipinaliwanag ko sa kanya. Mukha namang nakakaintindi sya ng tagalog kaso masyadong malalim ang tagalog na gamit ni Sir Russ kaya nga minsan di ko rin nage gets yung ibang term pero naintindihan ko rin kapag iniintindi ko ang sentence na pinaggamitan. “Sino sa inyo ang may katanungan? Wag na kayong magkimkim ng tanong nang sa gayon ay hindi niyo na kailangang gambalain pa ang inyong mga kamag-aral, nais ko ring malaman kung may naintindihan ba kayo sa aking mga itinuro.” Tanong ni Sir Russ kaya napatingin ako kay Fuego “He was asking if we had questions, so that we don’t have to bother our other classmates.” Sabi ko nang mapansin kong naguguluhan si Fuego “Arigatou,” Sabi nya kaya nginitian ko nalang sya “Oh, sige, anong tanong mo?” Tanong ni sir Russ kay Naquil “Sino po ang kasinatahan ni Crisostomo Ibarra?” tanong ni Naquil “Sinong nais mong sumagot sa iyong katanungan?” Tanong ni Sir Russ “Si Fuego po.” Napatingin ako kay Fuego nang banggitin ni Naquil ang pangalan nya Napakapabida talaga nitong si Naquil. “Bakit sya ang nais mong sumagot?” Tanong ni Sir Russ Darn. Ayusin mo buhay mo, Naquil, bwiset ka. “Nagdadaldalan po kasi sila nung katabi niya.” Sagot niya Nagdadaldalan ka dyan, bakit tahimik kayo nina Greg? Poshel ty. Bwisit talaga kahit kelan yung si Naquil. “Sino si Fuego?” Tanong ni Sir Russ kaya nagtaas ng kamay si Fuego, kinurot ko naman ang braso niya para ibaba nya kaso hindi sya natinag. “Ikaw, ikaw si Fuego?” Tanong ni Sir Russ “Opo,” sagot ni Fuego “Bakit ka nakikipagtalastasan sa iyong katabi gayong tayo’y may araling pinag-aaralan?” tanong ni Sir Russ “Why are you chitchatting with your seatmate while we’re discussing? Yun yon.” Mahinang sabi ko habang nakatingin kay Fuego “I’m not chitchatting, Sir.” Sagot ni Fuego “Paalala lamang pero Filipino ang lingwaheng nararapat mong gamitin.” Sabi ni Sir Russ kaya nagtaas ako ng kamay “Ano iyon at ano ang iyong ngalan munting binibini?” tanong nya “Ako po si Mia, ipagpaumanhin niyo po ang pagsasalita ni Fuego ng ibang lingwahe pagka’t sya’y bagong kamag-aral po namin na nagmula sa Japatrein at ngayon lang po umuwi dito.” Pagpapaliwanag ko “Kung gayon bakit sinsabi ni Naquil na sya’y nakikipagdaldalan?” Tanong ni Sir Russ “Hindi po sya nakikipagdaldalan sa katunayan po nagtatanong sya ng mga ibig sabihin ng mga salitang inyong sinasambit upang kanyang matutuna’t maunawaan.” Sabi ko at tumingin kayna Naquil at Greg na kasalukuyang nakatingin samin habang nakangisi “Kung mayroon man pong nakikipagdaldalan iyon ay sina Naquil at Greg.” Dagdag ko “Maari ka nang umupo.” Sabi ni Sir Russ kay Fuego at bumaling sa akin “Ikaw na lamang ang sumagot sa katanungan ni Naquil, munting binibini.” Sabi ni Sir Russ “Si Maria Clara Delos Santos po ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra.” Sagot ko “Maari mo bang ibahagi ang iyong nalalaman ukol sa kanya?” tanong ni Sir Russ “Ang kinagisnang mga magulang ni Maria Clara Delos Santos ay sina Santiago Delos Santos o mas kilala bilang Kapitang Tiago at Pia Alva Delos Santos.” Sagot ko “Tama, maari ka nang umupo.” Sabi nya at umupo na ulit ako Maya-maya ay nagpaalam na si Sir Russ kaya naglipatan na kami ng upuan para sa MAPEH namin. Panibagong practice teacher ang pumasok. “Good afternoon, Angels.” Bati nya “Good afternoon, Miss.” Bati namin pabalik “I am your Practice teacher in MAPEH. You can call me Miss Dani.” Sabi nya “So our topic for today is about health. What are the noncommunicable diseases?” Agad akong nagtaas ng kamay nang itanong nya iyon. If there is something I like the most about MAPEH it would be health. “Yes, what’s your name?” sabi nya at itinuro ako kaya tumayo ako “Anzhela Mia, Mia lang po.” Sabi ko “What is noncommunicable disease?” Tanong ni Miss Dani “Noncommunicable diseases are diseases that are not transmitted through communication it is either genetically passed or result of age and lifestyle.” Sagot ko I mentally memorized that description dahil yan yung usual na tanong sa naging test namin noong Grade 7. “Very good. Exactly, name some of them and give examples.” Sabi ni Miss Dani kaya napaiwas ako ng tingin “My first example would be Cancer my example for cancer would be blood cancer which is Leukemia, the second example is Heart Disease... E-examples are Congenital and Congestive heart disease, and my last example would be Diabetes.” Sagot ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko, medyo natigilan pa ako nang hawakan ni Fuego ang kamay ko kaya nag stutter ako. “Fascinating, you are advance reading then. You may take your seat.” Sabi ko at umupo na ulit ako
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD