Asha Ngayon na opisyal na ang relasyon namin ni Night ay mas naging sweet at malambing siya sa akin. Masyado rin siyang maalalahanin at lumalabas kung minsan ang pagiging strikto niya lalo na kung may nakatingin na ibang lalaki sa akin. Natutuwa ako sa ekspkresyon ng mukha niya na kulang na lang ay tusukin niya ang mga mata ng mga kalalakihan na tumitingin sa akin. Hindi naman ako nagrereklamo dahil kung tutuusin ay kinikilig ako tuwing gano’n siya at pakiramdam ko ay mahal na mahal niya ako. May mga pagkakataon lang na parang lahat ng isusuot kong damit ay ayaw niya at kulang na lang ay pagsuotin niya ako na parang madre. Pero dahil alam ko na ang kahinaan niya ay nagagawa ko siyang mapapayag tuwing magsusuot ako ng dress o kaya ng mga shorts. Pero ngayon ay hindi kami magkikita ni Nig

