Asha Isang buwan ang lumipas simula nang manligaw sa akin si Night at sa isang buwan na iyon ay ang dami kong nalaman tungkol sa kanya. Unti-unti ko ring naibigay ang buo kong tiwala sa kanya dahil isa siyang tao na may isang salita. Palagi niya rin akong pinagtatanggol sa mga taong may masamang balak sa akin kaya naman kung minsan ay hindi ko pa rin maiwasang magalit sa aking sarili. Pero tuwing ginagawa ko iyon ay pinararamdam niya sa akin na hindi ako gano’ng klase ng tao. Aaminin ko na sa isang buwan ay nahulog na ang loob ko kay Night at hindi ko alam kung kaya ko pa ba ang mawala siya. Kaya naman bilang pambawi sa lahat ng mga ginawa niya sa akin ay ako naman ang nag-isip ng sorpresa para sa kanya. Ngayong gabi sa tulong ng aking ina at kapatid ay sinabi ko sa kanila ang aking pla

