Asha Nang matapos akong kumain ng agahan ay agad akong kinausap ng aking ina at kapatid tungkol sa nangyari kagabi. Ayoko silang mag-alala kaya naman sinabi ko na lang na nagkaroon kami ng isang matinding away ni Night kagabi. “Hays. Ikaw talagang bata ka. Akala ko pa naman ay may nangyari nanaman sa iyong masama. Naku, ayusin niyong dalawa ni Night iyang gusot niyo at baka mamaya tumagal pa iyan, Asha,” sabi ng aking ina. “Pasensya na kayo kung nag-alala kayo sa akin, Mama, Tasha. Hindi na ho mauulit iyon. Unang away ho kasi namin ni Night kaya ho gano’n ang naging reaksyon ko.” Napailing na lang ang aking ina at nagsimula na siyang maghugas ng pinggan. Napatingin naman akong muli sa hawak kong bulaklak na may kasamang sulat. Umakyat ako sa aking kwarto at sinara ko ang aking pinto sa

