Asha Nang mahimasmasan ako ay inaya na akong umuwi ni Night sa condo niya. Sumakay ako sa kanyang kotse kung saan ay tinahak na namin ang daan pauwi sa tirahan niya. Makalipas ang ilang minuto ay ipinarada na ni Night ang kanyang sasakyan at agad akong pinagbuksan ng pinto. Magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa elevator kung saan ay parang ang sarap sa pakiramdam ang init ng palad niya. Pagdating namin sa kanyang kwarto ay una niya akong pinapasok hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pinto. Nang makita ko ang loob ng condo ni Night ay para bang nakabalik ako sa aking pinanggalingan. Ilang oras lang akong umalis mula rito pero pakiramdam ko ay ang tagal kong nawala. Inilibot ko ang aking mga mata at nakita kong maayos na ang buong bahay at wala na rin sa salas iyong ginamit ko kan

