Asha Nagising ako kinabukasan dahil sa amoy ng mabangong pagkain at dahil na rin sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Pagmulat ko ng aking mga mata ay naririnig ko ang mga huni ng ibon sa labas at agad na ininat ang aking mga kamay. Nang makabangon ako ay dumiretso na muna ako ng banyo upang maghilamos at magmumog. Pagkatapos ay inayos ko ang aking sarili sabay pumanhik sa baba kung saan ay naabutan ko ang bagong luto na waffle, bacon, hotdog, at itlog. May dalawang pinggan na ang nakahanda pero hindi ko naman alam kung saan pumunta si Night. Hinanap ko siya sa salas pati na rin sa banyo at saka sa balkonahe pero wala rin siya. Habang nakadungaw ako sa balkonahe ay muli kong sinara ang sliding door dahil wala naman siya roon. Paglingon ko ay halos mapatalon ako sa gulat nang ma

