Asha
Kinabukasan ay excited akong gumising at naghanda para sa pagpunta ko sa library bukas. Nang matapos akong maligo at makapili ng aking damit na susuotin ay masaya akong lumabas ng aking kwarto. Naabutan ko sila Mama na abalang kumakain at nang makita nila ako ay agad akong nagpaalam sa kanilang dalawa.
“Iha? Pupunta ka nanaman ba sa bayan?” Natigil ako sa aking paglabas sa bahay. “Napapansin ko kasi na nitong mga nakaraang araw ay palagi ka na lang lumalabas. Hindi naman sa hindi kita gustong payagan dahil nasa edad ka naman na, Asha. Pero sana ay kilatisin mo muna ng mabuti iyong tao bago ka ulit magdesisyon. Hindi mo pa naman siguro nakakalimutan iyong ginawa ni Birch sa iyo ‘di ba?”
Napaharap ako sa kanilang dalawa habang si Tasha ay abala lang na kumakain habang tipid lang na ngumiti sa akin si Mama. Huminga ako ng malalim at lumapit kay Mama saka tumabi sa kanya.
“Mama, alam ko naman ho iyon kaya ho hindi ko agad binibigay ang tiwala ko sa kanya. Natuto na ho ako sa huli at nagpadalos-dalos ho ako sa aking desisyon. Sa pagkakataong ito ay sisiguraduhin ko na ho na hindi siya tulad ni Birch,” paliwanag ko.
“Huwag niyo na ho kasing alalahanin si Ate, Mama.” Sabay kaming napatingin kay Tasha. “At saka iba ang pakiramdam ko kay Kuya Night. Hindi siya tulad ni Birch na parang may mga tinatago. Pansin ko kay Kuya Night ay mukha namang seseryosohin ka niya. Basta ako boto ako sa kanya.”
Napangiti naman ako sa aking kapatid sabay bumaling sa aking ina na humugot ng hangin.
“Paalala lang naman iyong akin, anak. May tiwala naman ako sa iyo kaya wala akong dapat ipag-alala.” Sabay haplos ni Mama sa aking pisngi. “O sige na. Baka hinihintay ka na ni Night sa bayan. Mag-iingat ka lang iha.”
Tumango naman ako at mabilis na lumabas ng aming bahay sabay sumakay na ng tricycle. Pagdating ko sa library ay kunti pa lang ang tao at pansin ko na wala pa si Night. Kaya naman habang hinihintay ko siya ay dumiretso akong muli sa pasilyo ng mga mystery books.
Habang namimili ako ay napansin ko na ako lang ang nandito sa pasilyong ito at nasa pinakadulo pa ito na parang hindi na ito pinupuntahan ng mga tao. Habang naghahanap ako ng mga libro tungkol sa devil’s mark ay napatingala ako at nakita kong may isang libro roon na ang titulo ay The Mark of the Devil. Ang problema ay masyado itong mataas kaya hindi ko tuloy ito maabot.
Tumingin ako sa aking kanan at kaliwa upang humingi sana ng tulong sa mga nagbabantay dito pero sa laki ng library ay wala akong makita. Huminga ako ng malalim at naisipan kong akyatin na lamang ito total ay mukha namang hindi masisira ang bookshelf. Nagsimula akong umakyat hanggang sa maabot ko na ang libro na gusto kong kunin. Inaabot ko ito at nang makuha ko ito ay gano’n na lang ang gulat ko sa boses na aking narinig.
“You need help?” tanong ng isang lalaki.
At dahil sa gulat ko ay nabitawan ko ang hawak ko sa bookshelf dahilan upang mahulog ako. Napapikit ako habang hinihintay ko na mabalian ako ng buto o masugat sa aking kapabayaan. Pero bago pa man sumayad ang aking katawan sa lupa ay naramdaman ko ang isang matigas na bagay o tao.
Pagmulat ko ng aking mga mata ay agad na sumalubong sa akin ang pares ng mga mata na kulay asul. Doon ko lang napagtanto na si Night pala ito at siya ang nakasalo sa akin noong mahulog ako. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin na kunting galaw lang ng aking mukha ay mahahalikan ko na siya.
Napalunok ako habang nakatitig sa gwapong mukha ni Night na kapag lalapitan pala ay halos wala akong makitang pores o whiteheads. Ang pula rin ng mga labi niya na para bang nalapatan ito ng lip gloss dahil kumikintab ito at mukha pang malambot. Ang tangos din ng ilong niya pero ang nagpamangha sa akin ay ang mga kulay niyang asul na mata.
Kapag malayo siya ay para kang nakatingin sa isang malinaw na tubig pero sa malapitan ay para itong walang hanggan na kalangitan na sinamahan ng kumikinang na mga bituin. Naramdaman ko na lang ang mainit na hininga niya sa aking mukha at amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. May nagtutulak sa akin na halikan siya pero natigil iyon nang makarinig kami ng isa pang boses.
“Naku! Ma’am ayos ka lang ho ba?” tanong ng isang lalaki na empleyado ng library.
Agad naman akong ibinaba ni Night sabay nahihiyang nagpasalamat sa kanya at inayos ko ang aking damit. Binalingan ko na lamang iyong lalaki dahil hindi ko tuloy magawang kausapin si Night pagkatapos ng nangyari.
“Ayos lang ako. P-Pasensya na sa ginawa ko,” hinging paumanhin ko.
“Sa susunod ho ma’am ay magtawag na lang ho kayo ng mag-a-assist sa inyo para maiwasan po ang disgrasya.” Tumango naman ako. “Wala na ho ba kayong kukunin, ma’am?” tanong niya na aking ikinailing.
Nang ayos na ang lahat ay umalis na iyong lalaki at doon ko lang muling naalala na kasama ko pala si Night. Ayokong maging awkward ang pagkikita namin kaya naman sinubukan ko siyang kausapin kahit na sobra-sobra ang hiyang nararamdaman ko.
“Sorry kung ginulat kita kanina. Wala ka na bang ipakukuha?” tanong niya sa akin.
Umiling ako at nagpasalamat sa kanya. Pumunta kami sa dati naming pwesto kung saan ay nakita kong may hawak din siyang libro. Nagsimula kaming magbasa na dalawa at sinubukan kong ituon na lang ang aking atensyon sa aking binabasa. Habang lumilipas ang oras ay nasa kalagitnaan na ako ng aking pagbabasa nang makaramdam ng pagod ang aking mga mata.
Kinusot ko ang aking mga mata at pagtingin ko sa aking harapan ay natigil ako nang makita kong prenteng nakaupo si Night na nagbabasa. At dahil tanghaling tapat na at ang inuupuan namin ay malapit sa bintana ay nasisinigan siya ng araw. Hindi ko maiwasang mamangha sa kagwapuhan niya lalo na at kumikintab ang balat niya dahil sa sinag ng araw.
Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil naalala ko na halos muntik na kaming maghalikan kanina at iniisip ko kung ano ang pakiramdam na mahalikan ng mga labi niya. Maya-maya ay nagulat na lang ako nang iangat niya ang kanyang tingin sa akin sabay napangiti siya. Gusto kong iiwas ang aking tingin pero parang may magnet na nagtutulak sa akin upang makipagtitigan pa lalo sa kanya.
“Kaya naman pala pakiramdam ko ay parang may nakatitig sa akin. Ikaw pala iyon, Asha. May masakit ba sa iyo sa pagkakahulog mo kanina?” Napatungo ako sabay napailing. “Oh. Okay, good.”
Pagkatapos nun ay naisipan naming kumain sa labas at nagpapasalamat ako na medyo nawala ang pagkaasiwa ko sa kanya. Nagsimula kami ulit na nagkwentuhan na para bang nakalimutan na namin ang nangyari kanina. Nang tapos na kaming kumain ay bumalik kaming muli sa library upang ituloy namin ang pagbabasa hanggang sa abutan na kami ng hapon.
Nang malapit nang magsara ang library ay naisipan na rin naming umuwi at katulad ng dati ay siya ang naghatid sa akin pauwi. Habang nasa daan ay nagtatawanan na kami at nagkwekwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Wala na ang kahit na ano’ng pagkaasiwa na aking nararamdaman na aking ipinagpasalamat. Nang maiparada ni Night ang kanyang sasakyan sa tapat ng aming bahay ay agad niyang pinatay ang makina nito.
“We’re here.” Tumango naman ako.
“Bukas ba ulit?” tanong ko.
“Oof! About that…Uhm, hindi ako makapupunta bukas dahil may kailangan akong asikasuhin. I need to go in Batangas. Baka manatili ako roon ng tatlong araw,” sabi niya na medyo ikinalungkot ko.
“O-Oh, gano’n ba? Mag-iingat ka sa pagmamaneho ha? At saka tawagan mo ako oras na makarating ka roon para alam ko kung ligtas ka.” Napangiti siya at doon ko lang napagtanto na tunog nobya ang paalala ko. “A-Ano…ang ibig kong sabihin—”
“It’s okay. I like how you care about me.” Nakagat ko ang aking ibabang labi sabay napatungo.
Nagkaroon ng kunting katahimikan sa aming dalawa nang maramdaman ko na parang may nakatitig sa akin. Pag-angat ko ng aking mukha ay tama nga ako dahil nakatitig sa akin ng mataman si Night. Umayos siya ng upo sabay tumikhim bago siya nagsalita.
“Asha, ang sabi ko ay maghihintay ako sa iyo at willing pa rin akong gawin iyon. Pero hindi naman siguro maikakaila na may atraksyon tayong nararamdaman para sa isa’t isa. Alam kong naramdaman mo iyon kanina pa at ayokong mag-assume pero gusto kong malaman mula sa iyo na tama ang nararamdaman ko.” Napalunok naman ako habang nakatitig sa kanya.
Hindi ako makapagsalita dahil totoo naman ang sabi niya at ramdam na ramdam ko ang atraksyon na iyon mula sa aking paa hanggang ulo. Para bang lahat ng parte ng katawan ko ay gustong magwala sa sobrang kilig ko kanina. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa aking pisngi.
Halos mapapikit ako nang maramdaman ko ang init na nanggagaling sa kanyang palad. Maya-maya ay naramdaman ko na lang na gamit ng hinlalaki niya ay hinaplos niya ang aking labi. Libo-libong kuryente ang dumaloy sa aking katawan kaya agad kong iminulat ang aking mga mata.
“Asha? May I kiss you?” tanong niya.
Tumango ako na parang nahihipnotismo sa kanyang tanong. Lumapit ang kanyang mukha hanggang sa naramdaman ko ang paglapat ng kanyang mga labi sa akin. Nang maramdaman ko ang kanyang malalambot na labi ay napaungol ako sa sarap nito.
Hindi ko alam pero parang may nalalasahan akong strawberry mint flavor sa mga halik niya. Nagsimulang gumalaw ang mga labi namin ng dahan-dahan nang maramdaman kong kinakagat niya ang ibaba kong labi. Napasinghap na lang ako nang maramdaman ko ang dulo ng kanyang dila sa aking labi at hindi ko alam ang ibig nitong sabihin.
Habang naghahalikan kami ay napasinghap na lamang ako nang pumasok ang dila niya sa aking bunganga. Hindi ko maiwasan ang umungol dahil kung kanina ay masarap ngayon naman ay mas lalong sumarap lalo na at nasa loob ng aking bunganga ang kanyang dila. Sa sarap niyang humalik ay halos mamasa ang aking p********e.
Nang pareho kaming mawalan ng hangin ay naghiwalay ang aming mga labi at napatitig kami sa isa’t isa na hinihingal. Ramdam ko ang pamamaga ng aking mga labi tanda na gano’n na pala kalalim ang paghahalikan namin. Kinulong ni Night sa kanyang mga palad ang aking mukha sabay binigyan niya ako ng halik sa aking noo.
“Gusto kita, Asha,” sabi niya. “I am not expecting for an answer, but once I get back from Batangas I will court you.”
“Night…”
“Thanks for the kiss, amare.” Nagtatanong ang aking mga mata sa tawag niya sa akin. “Oh, amare is the Latin for love.” Halos namula ang aking pisngi sa kanyang sinabi sa akin.
“T-Thanks. I-I, uhm, I enjoyed the kiss too.” Ngumiti siya sabay binigyan ako muli ng dampi sa aking labi.
“Pumasok ka na dahil mukhang kanina pa naghihintay ang Mama mo. Baka kung ano ang sabihin nila at pagbintangan pa ako na gumagawa ako ng milagro kasama ka.” Natawa ako sa kanyang sinabi.
Hinalikan niya ang aking palad na aking ikinakilig sabay hinalikan niya ako sa aking mga labi bago ako lumabas ng kanyang kotse. Binaba naman niya ang bintana ng kanyang kotse para hindi sabihin nila Mama na may ginawa nga kaming kababalaghan sa loob. Saktong pagtingin ko nga sa balkonahe ng aming bahay ay naghihintay na roon sina Mama at Tasha.
Napailing na lang ako sa inaakto nila at natatawang tumawid ng kalsada papasok ng aming bahay. Agad naman akong nagmano sa aking ina at may mapang-asar na ngiti sa kanyang mga labi si Tasha. Sabay-sabay kaming napalingon kay Night nang marinig namin siyang bumusina bago siya nagmaneho paalis. Pumasok na sa loob si Mama at naiwan kaming dalawa ni Tasha.
“Ayie. Ito talaga Ate kinikilig na ako. Alam mo iyong kilig ko noon sa inyo na Birch ay ibang-iba ngayon kay Kuya Night. Nag-kiss kayo noh? Naglapaan ba kayong dalawa?” Agad namula ang aking pisngi.
“Ano ba iyang term mo, Tasha?” suway ko sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay habang nakasunod naman sa akin si Tasha.