Gumising ako ng maaga dahil may lakad akong pupuntahan.
Isang white t shirt, jeans at sneakers ang aking sout. Naka pony tail ang buhok at isinout ang aking sling bag. Pinuntahan ko si Tiyang sa kuwarto. "Tiyang nauna na akong kumain. Kumain ka na lang po."
"Sige iha mag-ingat ka sa lakad mo. Ikumusta mo ako sa mga bata."
"Opo. Ako na lang po magbabayad ng kuryente, sahod ko naman kagabi. Sige alis na ako."
Pumara na ako ng traysikel at pumunta mo na divisoria para bilihan ng pasalubong ang mga bata. Isang linggo ding hindi ko sila nakita kaya namiss ko sila sobra.
Pagbaba ko pa lang sa traysikel ay binungad na nila ako sa tarangkahan. "Ate Maria.. Yehey nandito si Ate Maria.."
"Oyy namiss ko kayo.. Payakap nga ako."
Agad naman silang yumakap sakin. "Awee ang cute. Ito oh, may pasalubong ang ate. Si sister fely nasan?"
Napamahal na rin ang mga bata sa akin kaya pag araw ng sabado ay binibisita ko talaga sila. Ang ibang bata ay wala ng magulang, ang iba may mga kapansanan. Minsan nakakalungkot din dahil yong mga batang nakasanayan mo ay mawawala paunti-unti. May pumupunta dito na hirap magka anak para mag ampon kaya nakakalungkot na isa na naman sa mga bata ang malalayo pero masaya din naman dahil mabibigyan na sila ng magandang buhay.
"Magandang araw sister fely." nagmano naman ako rito.
"Iha.. ikaw pala. Kumusta pag-aaral mo?"
"Okay naman po sister, ang mga bata okay naman ba? Wala na mang problema?"
"Wala naman. Namimiss ka lang nila."
Pagkatapos ng maghapon ko sa bahay ampunan ay dumiretso na ako sa club. Pag sabado kasi maraming costumer kaya kailangan maaga para maghanda. Hindi pa man ako nakakapasok sa club ng may batang gusgusing lumapit sa akin na may dalang bulaklak.
"Hello, ang sweet mo naman. Eto o, bili mo pagkain ha?"
Binigay niya sa akin ang bulaklak na may kasamang sulat. "Pinapabigay ate, utos lang po."
"Ha? kanino galing?"
Pero umalis na agad ang bata at tumakbo papalayo. "Teka sandali.."
Binasa ko naman ang nakapaloob na sulat. "Im forever yours." bigla naman akong napangiti pero napawi rin ng lumabas si Lila na isa sa kasamahan ko sa trabaho. "Oyy.. may manliligaw na. Sino? Share ka naman."
"Wala. Bata ang nagbigay." pumasok na ako sa loob baka maraming tanong na naman si Lila sa akin.
Alas diyes na pasado ng matapos ang aking trabaho. Hanggang 8 lang sana ako pero nakiusap ang Sir namin na hanggang 10 kami kaya omo-o na lang ako. Ang iba kong kasama ay nagsi uwian na at ako na lamang ang natira at si manong guard. Tinawag naman ako nito. "Bakit po Manong?"
"Sundo mo ba iyan? Kanina pa kasi iyan dito."
Napatingin naman ako sa labas kung saan may lalaking nagyoyosi at patingin tingin sa paligid. "Naku hindi. Hindi ko nga kilala iyan. Sige po mauna na ako."
Habang naglalakad ay panay may sumisitsit sa akin kaya napapalingon ako sa aking likod. Sa eskinita pa ako makakapara ng traysikel dahil pasado alas diyes na ng gabi. "Diyos ko lord. Ikaw na po bahala sa akin."
Pagdating sa kalye ay bigla na mang may mga kalalakihang humarang sa akin kaya napa atras ako. Lalapit na sana ang isa sa kanila ng may humarang sa aking likod. "Pre ako na lang, huwag mong patulan ang babae."
Agad silang sumugod at sinuntok ang lalaki at tinadyakan. "Hoy itigil niyo 'yan! Tatawag ako ng pulis!" Agad naman silang nagsitakbuhan ng makitang may paparating na traysikel.
"Bakit mo ba kasi ako sinusundan? Ayan tuloy ang napala mo." sabay dampi ng ice sa kaniyang mukha.
"Bakit ba kasi ganoong trabaho pinasukan mo? Delikado sa babaeng katulad mo."
"Pakialam mo ba? Kaya ko naman sarili ko. Pero salamat, sana sa susunod huwag mo ng uulitin para hindi ka mapahamak."
"Matagal na kitang nakikita sa school at isa ka sa kilalang honored student pero hindi ko pa alam ang pangalan mo."
"Maria. Mariaca Velasquez."
"Drake."
Pagkababa ko ng traysikel ay sinalubong agad ako ni Tiyang ng yakap. "Nakung bata ka. Bakit ngayon ka lang? Nag alala ako sa'yo."
"Marami kasing costumer tiyang kaya alas diyes na kami natapos."
"Sabi ko naman sa'yo huwag ka na lang magtrabaho. Kaya naman kitang buhayin." mangiyak-ngiyak pa nitong sabi.
Hinawakan ko naman ang kaniyang kamay at pinunasan ang luha. "Tiyang.. kaya ko ang sarili ko, di bale maghahanap ako ng iba. Huwag na kayong magalit."
Napansin naman nito ang hawak kong bulaklak. "Aba! kanino galing 'yan? May manliligaw na ba ang anak ko?"
"Wala po. Bigay lang ng isang bata sa trabaho."
Araw ng Linggo kaya naisipan namin ni Tiyang na magsimba at mamasyal na rin sa parke. Habang kumakain ng ice cream ay hindi ko maiwasang mapatingin kung saan nakatitig si Tiyang. "Alam mo, ganon na ganon kami nong lalaking minahal ko. Matagal ang pagsasama namin pero napunta lang sa wala."
"First love mo tiyang? Nasaan na ngayon?"
"Hindi ko alam. Bigla na lang kasi siyang nawala na parang bula, hindi ko naman alam kung ano ang kaniyang dahilan." mangiyak ngiyak pa nitong sabi. "Sobrang nawasak ako non pero nandiyan ang mang kiko mo para sagipin ako. Siya ang nandiyan sa akin nong sobrang durog na durog ako. Sa tagal ng panahon, nahulog din naman ako sa kaniya pero hindi kagaya nong pagkahulog ko sa lalaking una kong minahal."
"Baka may dahilan siya kaya ganon. Huwag niyo na pong intindihin yon, makakasama lang sa inyo."
Umuwi na rin kami ni tiyang pagkatapos dahil nag text si Lotty na may lakad kami mamayang gabi. Ewan ko sa babaeng 'yon. Puro lang naman kalokohan ang alam.
"Ano ba kasing ginagawa natin dito? May klase pa tayo bukas. Pagalitan pa ako ni tiyang."
"Sandali lang.. Imi-meet ko nga yong ka textmate ko, pag panget uwi agad tayo okay."
Sa di kalayuan ay nakita ko naman si Drake na may kasamang babae, nakahawak kamay papasok sa isang club. Agad ko namang hinablot si Lotty.
"Yes maam? May room reservation ba kayo?"
"Wala. Ahh.. anong club to miss?"
"Lodging house club po."
Hinablot naman ako ni Lotty palayo doon. "Hooy.. Anong gagawin mo doon? Nahihibang ka na ba?"
"Umuwi na lang tayo."
at ang nilakad namin ay napunta lang sa wala.