Chapter One
Huni ng mga manok, ibon, baka, baboy at kalabaw at kambing ang nabungaran ni Maria pagbaba niya sa kanilang munting kubo. Pinakain niya agad ang mga ito at bumalik sa kubo para maghanda ng umagahan.
Habang nagsasaing ay naligo mo na siya sa batis dala-dala ang nilabhan niyang damit kagabi galing sa trabaho.
Pakanta-kanta lang itong nagbanlaw sa batis at nagbabad sa batis ng ilang minuto. Pagdating sa bahay ay isinampay ang binanlawang damit at naghanda na ng umagahan. Nagtimpla siya ng dalawang kape at nagprito ng itlog. "Tiyang, kakain na po. Gising na."
Pumasok naman sa kusina ang kaniyang Tiyang at naghilamos. "Anong oras na ba? Abay bilisan mo na diyan at male-late ka na." Nagpunas ng tuwalya sa mukha at may kinuha sa bulsa. "Ito, baon mo."
"Naku tiyang, may tira pa ako kahapon. Itago niyo na lang iyan. Alam kong kailangan mo 'yan."
Kinuha ni Aling linda ang kaniyang kamay at inilagay ang pera. "Alam kong mas kailangan mo 'to kaya sige na, naghihintay na si Mang tonio sa paradahan."
Pagkatapos kumain ay nagbihis ako at nag-ayos. Pinuntahan ko si Tiyang sa kusina na kumakain at humalik dito. "Alis na ako tiyang."
Pagdating sa paradahan ay nakita ko agad si Mang tonio na nagsisigarilyo. "Magandang umaga Mang tonio, ang aga pa para magyosi ahh.."
"Pampawala lang ng antok iha, saglit lang ha.. Hintayin mo na natin si Bebeng at Dodong." ang kaniyang mga anak na nag aaral sa elementarya.
"Sige po."
Pagkababa ko ng traysikel ay sinalubong agad ako ng aking kaibigang si Lotty. Umakbay ito sa'kin at nagsimula na naman sa kaniyang pagiging marites.
"May bago pa lang transferee dito, kaso ang taray. Sayang maganda pa naman."
Kinuha ko ang naka akbay nitong kamay. "Mamaya na lang tayo mag-usap. Mag uumpisa na klase ko."
Tinawag pa ako nito pero hindi na ako lumingon. Puro lang naman chismis ang alam non.
Pagpasok ng classroom ay umupo agad ako sa aking upuan at inayos ang aking bag.
Iidlip na sana ako dahil wala pa naman ang Professor namin ng umingay ang mga kaklase kong babae na para bang kilig na kilig. Tinakpan ko na lamang ang aking tenga at yumuko.
Pagkatapos ng unang klase ay niligpit ko agad ang aking gamit para pumunta sa music loob. Makikita sa loob na may kumakanta, nagigitara at nagsusulat ng kanta.
Sumiksik lang ako sa isang sulok para makatulog. Isinout ang aking headset para walang istorbo.
Naalimpungatan ako ng magsilabasan ang mga kasamahan ko sa club at nagtititili. Napairap na lamang ako dahil alam kong mga miyembro lang naman ng mga kalalakihan ang walang magawa sa buhay kundi ang pagiging astig at pagpapaguwapo.
Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya lumabas ako para pumunta ng canteen. Bigla naman may bumangga sa akin at napaupo ako sa sahig. "Miss, next time tumingin ka sa dinadaanan mo."
Tumayo ako at pinagpag ang aking palda. Tinitigan ko siya sa mata at ngumiti saka ako umalis na parang walang nangyari.
"Nakilala mo na ba yong transferee natin? Sa narinig ko, Sammy pangalan niya. Nasa kabilang section yata."
"Oh tapos?"
"Yon lang. Kinuwento ko lang sayo para updated ka."
"Hindi naman kasi ako chismosa katulad mo." tumingin ako sa relo at niligpit ang aking mga gamit. "Mauna na ako, may klase pa ako."
Papunta na ako ng classroom ng mapadaan ako sa section na sinasabi ni Lotty. Hinanap ng mga mata ko ang sinabi niyang transferee.
"Sinong hinahanap mo miss?" napahawak naman ako sa dibdib dahil sa gulat ko sa lalaking nasa aking harapan. May panyo sa noo. May hikaw sa kabilang tenga, maitim ang damit sapatos at pantalon, makapal na kilay, mapulang labi at may magandang mata. Napa-atras naman ako dahil lumapit ito sa'kin at bumulong sa aking tenga. "Ano pogi ba? Pumasa ba sa standards mo?"
Hindi ako sumagot bagkus tinaasan ko ito ng kilay at binangga bago umalis. Pogi mukha niya!
Pagkatapos ng maghapong klase ay diretso agad ako sa Club kung saan ako nagtatrabaho. Isa akong waiter at 6-8 pm ang pasok ko.
Pumasok ako sa storage room para magbihis at kinuha ang papel at ballpen.
Para sa panggastos namin araw-araw ay pumasok din ako bilang waiter dito sa club. Nagtitinda lang sa palengke si Tiyang ng gulay at isda. Minsan kulang pa ang kinikita dahil nagrerenta din siya.
Kapag konti lang ang customer ay tumutulong ako sa ibang gawain katulad ng paglilinis at paghuhugas.
"Ikaw maria, saan lakad mo mamaya?" tanong ng mga kasamahan ko dahil biyernes ngayon at sahoran namin.
"Uuwi na, naghihintay sa akin si tiyang."
"Si maria talaga, malaki ka na. Dapat alam mo na ang mga bagay na makakapagpasaya sayo. Try mong gumala, uminom ganon."
"Kuntento na ako sa buhay ko."
Sa aming pag-uusap ay may pumasok na miyembro ng kalalakihan na may kasamang iilan ring babae. Pumuwesto sila sa gilid at may isang nagtaas ng kamay at tinawag ako.
"Go Maria! Baka nasa kanila na ang hinahanap mo." inirapan ko na lamang sila.
"Yes? Ano pong order nila?"
"Isang case ng beer miss tsaka dalawang platter ng sisig."
Hindi pa man ako nakakaalis ng may humawak sa aking kamay. "Kilala kita ahh.. Ikaw yong kanina. Dito ka pala nagtatrabaho?" Sinipat ako nito mula ulo hanggang paa kaya kinuha ko ang aking kamay. "Ano ba! Trabaho pinunta ko dito, hindi paglalandi." sabay alis ko.
Napansin ng mga kasamahan ko ang aking mukhang nakasimangot kaya nilapitan agad nila ako. "Oh anong nangyari?"
"Wala, nagpapapansin lang."
Katapos kong maihatid ang order nila ay unalis agad ako. Panay tawag nong lalaki sa akin pero hindi ko na pinansin.
Katapos ng shift ko ay nagbihis agad ako at naghintay ng traysikel sa labas. Medyo konti lang ang kustomer ngayon kaya bihira lang ang mga traysikel na mapadaan dito. Pumunta ako sa unahan at baka may nakatambay lang na traysikel pero wala. May dalawang lalaking papunta sa aking direksyon kaya kinakabahan ako. Hindi ko alam saan tatakbo pero bigla na lang may humila sa akin at isinandal ako sa pader. Isiniksik niya ang kaniyang ulo sa aking leeg. Sisigaw na sana ako ng magsalita ito. "Huwag kang maingay o baka gusto mo lapitan ka nga mga lasing."
Hinawakan nito ang aking palda at hinimashimas na agad kong ikinagulat. "Ay naku pre may shota pala, sayang. Jackpot sana." rinig kong sabi ng dalawang lasing. Lumiko sila sa isang iskinita at nagpasalamat ako sa diyos. Tinulak ko naman ang lalaki. "Ano ba? Bastos! Sinusundan mo ba ako?"
"Ikaw na nga tinutulungan ikaw pa galit at hindi kita sinusundan. Natiyempuhan lang pauwi na sana ako ng makita kita."
"Kung tutulong ka lang din naman sa ganoong paraan, huwag na lang." may palapit na mang traysikel kaya pinara ko ito at sumakay. "Salamat sa tulong mo m******s!" sabay irap dito.
Pero sa isip ko salamat sa kaniya, kundi baka pinaglamayan na ako ngayon.