C L A I R E "I can't believe you betrayed our family." malamig na sabi ni Heinz sa aking harapan. Sa kaniya ko lamang maaaring sabihin ang lahat. Sa kaniya ko lamang masasabi ang lahat ng aking lihim sa aming pamilya. Siya na ang aking malapit na insan at kaibigan kung kaya't alam kong ito ang kaniyang isasagot sa akin matapos kong sabihin ang lahat sa kaniya. Kaniyang mukha ay napakaseryoso at hindi rin makapaniwala na iyon ay aking nagawa. Tama siya. Niloloko ko ang aking pamilya. Sina ina at ama at maging ang buong angkan ng mga Villa Rama. Ngunit hindi ko rin aakalain na ganoon ang magiging epekto ng lahat ng ito. Hindi ko aakalain na magiging ganito ang takbo ng aking buhay. Hindi na ito simple tulad ng aking pinapangarap. Simula noong lumisan ako sa aming bayan ay dito tatakbo ang

