C L A I R E Ako ay nakauwi ng aming bahay na dala-dala ang mga pagbabanta ni Mrs. Montenegro. Hindi naman nahahalata nila Ina ang aking pasanin dahil sa mga dala kong mga gamit kanina sa mall. Pati narin ang mga pinamili ni Yvette para sa aking mga kapatid. Nakuha naman nito ang aking bilin sa kaniya at hindi rin ako nangamba dahil hindi naman pala kina Ama ang mga taong sumusunod sa akin. "Ako na po ay kumain... ako'y maliligo na muna." aking sabi sa kanila. "Oo sige, Claring. Maraming salamat dito," sagot ni Ina sa akin. Dumapo ang aking tingin kay Ama at sa kaniya nagpasalamat ng malaki. Sa kaniya galing iyon lahat at iyon ang aking ginamit upang kami ay magkita ni Ethan. Ako ay masaya subalit mayroong kirot din. Matapos ng masasayang oras sa piling ni Ethan ay ganoon lamang pala k

