C L A I R E Nagkaroon kami ng mahabang oras sa isa't isa. Kumain at nag-usap usap sa mga bagay. Ngayon ay nakatingin kaming dalawa sa matatayog na gusali at malawak na Maynila. Sa mga oras na ito ay siya lamang ang aking iniisip. Mahigpit niyang yakap ang aking baywang at nasa likuran ko lamang siya. Tahimik. Ninanamnam ang aming nanatiling oras. "I'll call you every night and we'll secretly meet in school." kaniyang bulong sa aking tainga. Iyon na ang aming naisip na paraan upang masilayan ang isa't isa. "Hmmm," tumango ako. "Damn... I don't want to let you go for now. I wish we have lots of time... just like the old times, baby." sabi niya sa akin. Kagaya nang dati. Noong kami ay magkasama sa iisang bubong. Siya lamang at ako. Nagmamahalan. Ninanais ko rin bumalik sa nakaraan nguni

