C L A I R E Nang ako'y bumangon ay aking nakita ang buong paligid. Dito niya dinadala ang kanyang mga ginagalaw na mga babae. Kaya ang aking naisip ngayon ay katulad na ako sa kanilang lahat. Ako'y hindi makapaniwala sa lahat ng nangyayari sa akin. Ako'y natukso lamang at dahil sa pangangailangan ay nangyari ang hindi ko inaasahang pagsuko ng aking diwa. Nahihirapan akong bumangon ngunit aking pinipilit na lamang iyon upang mapuntahan si Master...Sir Ethan dahil ako ang katulong ako dapat ang gumagawa ng lahat ng gawain sa kanyang pamamahay. Aking kinuha ang aking nakakalat na damit at iyon lamang ang aking sinuot. Ako'y dumaing sa sakit. Nais kong sumigaw dahil bawat hakbang ko sumasabay doon ang kirot at pagkapunit sa akin. Ako'y napapapikit na lamang sa tuwing kumikirot iyon. Nilibot

