Slave [12]

1659 Words

C L A I R E Aking natapos ang konting paglilinis na hindi gumagalaw masyado. Konting oras lamang ang aking iginugol para lamang doon para bumalik sa silid ni Sir Ethan. Natatakot akong mabigyan ng parusa kaya aking ibinalik ang aking pinag kainang pinggan sa silid niya at hindi hinugasan ang kanyang pinggan doon sa lababo. Bumalik ako sa pagkakahiga na tanging pag iisip na lamang ang aking magagawa sa ganitong mga oras. "Ano na kaya ang nangyayari sa baryo?" Hindi namin napag-uusapan ni Sir Ethan ang tungkol sa ganoong bagay. Dapat ako'y magsalita na upang maipahatid na sa aming bayan ang pera kapalit ng aking hiyas. Napapaluha na lamang ako sa tuwing aking naaalala ang kalagayan nilang lahat; nais kong umuwi at damayan sila ngunit kailangan ako'y naririto dahil sila'y umaasa sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD