C L A I R E Tinawagan ko si ina bago ako umalis. Ganoon kay si ama. Panghuli ay si Ethan na pinadalhan ko lamang ng text at kay Freud ngayon ang ginagamit niya pang-text sa akin. Mukhang si Freud na ngayon ang kaniyang kasama. Gumagawa ngayon si Ethan ng paraan upang mabuhay na hindi nanghihingi sa kaniyang mga magulang, pareho na nilang tinatalikuran ang isa't isa. Hindi ako masaya na iniisip ang ganito dahil hindi ko pinangarap na magkabuwag kami ng aking pamilya. Ayaw ko ring mangyari ito kay Ethan sa kadahilanang magkadugo sila at dapat nagmamahalan. Nang dahil sa away pamilya ay nangyayari ang ganito. Sana ay magkaayos na ang lahat. Ayaw ko ng ganito... ayaw ko ng kaguluhan. Umalis na ako ng aming bahay at sumakay ng taxi. Hindi pa ako nakakapunta sa kompanya nila ama at sana ay hi

