C L A I R E Ako ay natakot, na baka nagkamali ako sa aking iniisip. Naglalaro ngayon ang aking utak, ako ay naniniwala kay ama ngunit hindi maialis sa akin ang pangamba. Napakaganda parin ni Ginang Valmonte. Ito pala ay kasal na, ngunit ang kaniyang mata ay kakaiba... ito ay malungkot at inosente parin kagaya kay Ethan. Ang inihahambing ni Heinz na inosente. Ayaw kong bigyan ng kahulugan ang kaniyang pagtitig kay ama, ngunit may kakaiba din sa kaniyang pagngiti... panghihinayang. "So? This is your family, Claire?" singit ni Ma'am Dana. Tumango ako at ngumiti sa kaniya, "magandang gabi, Ma'am Dana. Ito ang aking pamilya." "The Villa Rama, taga bukid clan..." pag sang-ayon niya. Nakakairita. Nakakainsulto ang kaniyang sinabi, hindi ko masikmura ang kaniyang kasamaan. Hindi niya na dapt

