C L A I R E Umaga ng Lunes ay aming hinatid ni Ina ang aking mga kapatid sa bago nitong paaralan. Kahit na Linggo ay naisaayos na ni Ama ang lahat ng mga kakailanganin naming lahat at ang aking kutob ay noong nasa bukid pa kami nila ito pinagplanuhan ng maayos. Umuwi naman kami agad ni Ina upang matignan si Clara. "Malayo ba dito ang iyong paaralan?" tanong ni Ina sa akin. "Nasa Quezon City lamang po. Mas madalian kung sasakay ng MRT." sagot ko. Kumakain kami ngayon ni Ina at Clara. Mayroon kaming dalawang katulong ngunit ang kanilang trabaho ay maglinis lamang ng buong bahay. Hindi kaya iyon ni Ina dahil masyadong malaki ang mansion na ito. Kung kaya't kinakailangan namin ng katulong ngunit sa gawaing kusina naman at paglalaba ng mga damit. Pagpapaganda ng hardin ay kami na ang gagawa

