C L A I R E Buong gabi ay hindi ako nakatulog. Madaling araw na namin natapos nila ina ang pag-eempake. Sila ina ay pinagpahinga na namin ni Heinz hanggang sa ako na lamang ang natira. Nakatulog si Heinz sa gitna ng aming kwentuhan. Mukhang dinalaw narin ito ng pagod dahil sa mahabang araw na kaniyang ginugol. Masaya ako na siya ay natuwa at nasiyahan sa buong araw nitong pamamasyal. Ang aking iniisip--ang aking mga kapatid. Hindi sila nasanay na sumakay ng eroplano, na sa aming kahirapan ay mabibigla sila sa pangyayaring ito. Ayaw ko rin silang madamay sa gulo ng aming pamilya. Ninanais ko ring huwag isali si Clara dahil sa kaniyang pinagbubuntis. Sana ay magawa ko nga ang lahat ng aking nais mangyari. Alas kwatro ng madaling araw nang ginising na namin sila. Si Heinz ay nauna nang mag

