C L A I R E Nang ako ay makababa ng tuluyan ay may isa nanamang taong magbibigay sa akin ng sakit sa ulo at dibdib. Nais kong matahimik muna ng kahit saglit. Ang aking nais ngayon ay makauwi sa aming lugar at mamuhay na lamang doon ng matiwasay kasama ang aking pamilya. Kung ano man ang kanilang ugnayan, ang mga Villa Rama at mga Montenegro ay labas na kami doon. Kung totoo ngang nakakaalala na ang aking ama ay pinili niyang manahimik at manirahan ng kasama kami. Pinuntahan ko si Manong sekyu upang tulungan ako. Ayaw kong sumama kay Heinz. Ayaw kong sumama sa kahit sino. Ayaw kong magtiwala ulit sa iba. Kahit na may ininilihim sa amin ang aking magulang ngunit sa aking tingin ay sila lamang ang dapat kong paniwalaan. "Claring! Saan ka? Pinalayas ka?" tanong nito. Tumango ako ayaw ko na

