C L A I R E Napakalamig talaga dito sa aming bayan. Mas malamig pa sa baba. Mas malamig pa sa buong Bukidnon. Mukhang hindi na ako sanay sa ganitong ginaw kung kaya't kinakailangan ko pa ng tsaketa. "Good morning..." bungad sa akin ni Heinz. Lumapit ako sa kaniya. Tinatanaw niya ang ibaba kung saan naroroon ang aming batis. Matatanaw mo rin galing dito ang buong Malaybalay City. Ngunit sa mga oras na ito ay ulap na hamog ang bumabalot sa buong Malaybalay City. "Magandang umaga sa 'yo Heinz." tumabi ako sa kaniya. "Nais mo bang maligo sa batis? Sasamahan ka ng aking mga kapatid mamaya." "You already missed four days of your classes Claire. I'm not sure with your majors but luckily we didn't have class in our one minors. Remember you're a scholar." sabi nito. Kagabi ay nagpakilala siya

