bc

Dating With The Politician's Son

book_age18+
530
FOLLOW
4.4K
READ
billionaire
possessive
friends to lovers
pregnant
CEO
drama
twisted
bxg
nerd
city
like
intro-logo
Blurb

WARNING RATED SPG!! 18+

Marinella Viola 23 years old, babaeng weird kung manamit ang taste niyang suotin ay sinaunang panahon kumbaga panahon pa ni kopong-kopong. Higit sa lahat hindi naniniwala sa pag-ibig par sa kan'ya ang pag-aasawa ay sakit lang ito sa ulo at pagulong-gulong ang na idudulot nito sa kanyang buhay. Walang forever iyan ang nakatatak sa kanyang isipan dahil ng maaga siyang naulila sa magulang ay ni minsan ay hindi sumagip sa isip niya ang magkaroon ng pamilya dahil natatakot siya na magaya siya sa kanyang magulang.

Pero may isa siyang malaking problema kailangan niyang masunod ang nakalagay sa testament na iniwan ng kanyang Lolo Julio. Hindi niya makukuha ang mga ari-arian na iniwan sa kanya ng kanyang yumaong lolo kung hindi siya mabuntis at magkaroon ng anak. Walang choice si Marinella kundi sundin ito dahil may masamang plano ang kanyang Tito Noel sa kumpanya.

Pero tila nagbago ang pananaw ni Marinella sa lalaki ng makilala niya si Sandro Sander anak ng Senator ng Pilipinas. Sa lakas na taglay na karisma ni Sandro kahit sinong babae ay nababaliw sa kanya. Kaya binansagan ito hari ng kagwapuhan, dakilang playboy at habulin ng kababaihan, para kay Sandro libangan lang sa kanya ang mga babae.

Hindi niya rin kasalanan kung ang babae mismo ang nagkakandarapa sa kanya. Pero kay Marinella lang ito tinamaan ng kupido ang puso niyangbato.

Si Marinella na ba kaya ang magpaaamo sa puso niya at si Marinella na rin kaya ang tamang babae para sa kanya? Tuluyan nabang mabihag ni Marinella ang puso ni Sandro na sawi sa pag-ibig?

At kaya rin bang paninindigan ni Marinella na hindi siya naniniwala sa tunay pag-ibig? Kung ang kanyang puso ay tumitibok na ito kay Sandro. Handa na ba si Marinella kay Sandro niya isusuko ang kanyang pagkababaë para sarili niyang intesyon?

Paano kung siya rin ang may sabi kay Sandro na, no commitment at kung kailan nahuhulog na siya sa binata saka pa matatapos ang kanilang kasunduan.

****

Walang perfect na relasyon.

"Sandro bakit siya pa, bakit siya pa? Bakit siya pa? Nalilitong tanong ni Marinella kay Sandro walang tigil ang buhos ng kayang mga luha.

"Dahil mahal ko siya Marinella dahil mahal ko siya. Hindi ikaw ang babaeng karapat-dapat sa akin!"

"Sandro!"

Alin ang susundin nilang dalawa puso o isip?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 MARINELLA Muntik na akong mapamura hindi ko namamalayan ang oras habang kausap ko ang sarili ko. Baka bigla naman susulpot ang Tita Nova ko na walang ginawa kundi inisin ako. Hindi porket na wala sa uso ang pananamit ko iniisip nila sa akin dito sa mansion ay bobo at wala akong alam sa nangyayari sa mundo. Masaya pa naman akong na nangangarap na maging Miss Universe someday libre ang pangarap Ganito ako every morning, kausap ko ang sarili. Kung may makarinig sa mga sinasabi ko ay siguradong pagtatawanan ako. Hindi kasi kaakit-akit ang pananamit ko nasa old fashion ang taste kung manamit. Kahit taong grasa ay pagtstwanan ako. Maaga rin akong naulila, ni minsan sa buhay ko ay hindi ko nararamdaman ang yakap ng isang ina. Tinatanong ko nga ang sarili ko na ano kaya pakiramdam na may inang naglalambing sa'yo? Minsan ini-imagine ko ang amoy ng aking ina. Nang isilang ako ng aking ina ay kinuha agad siya kinuha ni Papa God. Maselan daw si Mama sa pagbubuntis niya sa akin pero mas pinili ni Mama na mabuhay ako at makita ko ang mundo, kaya tinaya ni Mama ang kanyang buhay para sa akin para maisilang ako. Si Papa naman ay mula ng mawala si Mama ay hindi na rin niya inaalagaan ang kanyang sarili. Sa masamang palad maaga rin siya kinuha ni God. Ang aking Lolo ang nagpalaki sa akin. Last year din siya sumakabilang buhay. Ngayon ay mag-isa na lang ako maliban sa mga kamag-anak namin. Pangarap ko talaga sa aking buhay na may isang ina akong masasandalan tuwing nalulungkot ako. Minsan hindi ko maiwasan na mainggit sa mga batang nakikita kung kasama nila ang kanilang magulang. Minsan kung birthday ko ay hinihiling ko sa panginoon na mabuhay muli ang mga magulang ko, kahit alam ko na malabong mangyari ang hiling ko. Minsan iniiyak ko nalang ang lungkot ko, kung tinanong ako ng iba kung kaibigan sinasabi ko na lang sa kanila na okay lang ako kahit na deep inside na ako. Isa ito ang dahilan na hindi ako naniniwala sa forever dahil maaga nawala ang mga magulang ko at iniwan nila ako agad. Alam ko rin napaka-babaw ng ganitong dahilan. Si Lolo from on time gusto niya talagang makita na may anak ako. Kaya isa rules sa testament ay makukuha ko lang ang iniwan niyang kayamanan kung may anak na ako. Kahit na hindi rin nakasulat sa testament na hiling ni Lolo na mabuntis ako at magkaanak ay plano ko rin sa sarili ko na maging single mother. Napabangon ako bigla na may kumatok sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Inayos ko ang sarili ko at kinuha ko sa aking desk ang makapal kung antipara at sinuot ko ito. Tumayo ako at binuksan ko ang pintuan. Pagbukas ko ay aking Tito Noel ang nabungaran ng mata ko. Kasama niya ang second wife niya na si Tita Nova. After kasi mag divorce ni Tito at Tita sa Milan ay nag-asawa agad si Tito "Alas nuebe na ng umaga Marinella, hanggang ngayon ay nakahiga ka pa rin. Huwag kang feeling prinsesa sa bahay na'to, alalahanin mo na kami ang bumubuhay sa'yo." Sabi sa akin ni Tita Nova. "Pasensya na po Tita," paumanhin ko sa kan'ya at hindi ko siya kayang tingnan. Hindi dahil sa takot ako sa kan'ya kundi sa kapal ng kanyang labi at parang nagtatrabaho siya sa club sa kapal ng kanyang make-up. Kung pintansan ko si Tita Nova akala ko naman sa sarili ko ay nasa moda akong manamit. Tumawa akong mag-isa umiling-iling. Nang iwan nila ako ni Tito ay sinarado ko ang pintuan. Ang kapal din ng mukha niya na sasabihin niya sa akin na sila ang bumubuhay sa akin. Dapat nga ako magsabi sa kanila na ako ang bumubuhay sa kanilang pamilya dito sa mansyon na ito. Kung pwede lang ay pinalayas ko na sila rito sa mansyon. Pagbaba ko ay naririnig ko nag-uusap si Tita at Tito sa library room ni Lolo. I know na alam nila ang kagustuhan ni Lolo na sa akin lahat iniwan ni Lolo ang kanyang kayamanan at iba pang negosyo ni Lolo isang sikat na negosyante ang aking Lolo. Nasa pamilya ni Lolo ang mahilig sa negosyo isang business tycoon si Papa. Dahil walang ibang kapatid si Daddy at ang pinsan ni Daddy ngayon ang humawak sa ibang negosyo at minsan ay tinuturuan ako ni Tito Samy sa pamamalakad ng negosyo namin. Pero makangalan lang sa akin iyun kung mabuntis ako ito kasi nakalagay sa testament ni Lolo. 10% lang ang iniwan ni Lolo kay Tito Noel dahil hindi naman siyang totoong anak ni Lolo. Pero makukuha lang ni Tito Noel ang kanyang share kung pirmahan ko ang testament. Until wala pa akong anak ay hindi ko iyun pwedeng mapirmahan. "Noel, huwag na huwag mong hahayaan mabuntis ang Marinella na'yan. Kung hindi kahit isang piso ay wala kang makukuha. Much better na dapat ay mawala ng maaga ang babae na'yan sa buhay na'tin." Madiin na sabi ni Tita at nakatayo ako malapit sa pintuan ng library. Nang marinig ko na pinatigil ni Tito si Tita sa kanyang kadaldalan ay mabilis akong bumaba. Nakaramdam ako ng takot baka maging mapanganib ang buhay ko. Dapat habang maaga ay kailangan ko ng kumilos ng maaga. Hinding-hindi ako makakapayag na mapasakanya ang pinaghihirapan ni Lolo at Papa. Pumasok agad ako sa loob ng kusina at naabutan ko si Yaya Tiffany na naghahanda ng almusal namin. Niyakap ko siya ng mahigpit sa kanyang likod. Siya kasi ang nag-alaga sa akin mula ng isinilang ako. Lumingon siya sa akin sa pag-kayakap ko sa kan'ya. "Ella, hindi ka ba anak naiinitan sa suot mo anak." Ngumiti lang ako sa sinabi ni Nanay sa suot ko na kapanahunan pa ng sinaunang panahon. "Ang ganda ko kaya Nanay sa suot ko." Nakangiting sabi ko kay Nanay. Pagkalipas ng isang oras ay lumabas ako ng mansyon namin. Hindi rin akong nagpaalam sa mga tao sa mansyon. Baka lalo lang ako ma-emberna sa anak ni Tito na ubod na sama ng ugali akala mo naman ay may karapatan siya sa bahay. Tinawagan ko agad ang kaibigan ko na si Kylie na magkita kami sa Cafe na tambayan namin dito sa Taguig. Nang nasa cafe na kami ni Kylie ay sinabi ko ang mga pinagsasabi ni Tita. Nang marinig ni Kylie ang mga sinabi ko ay gusto niyang kulamin ang Tita ko na clown ang makeup. "Tulungan mo ako Kylie na hanapan ng matinong lalaki. Iyung pwede niya akong buntisin disedido na ako na magpabuntis." Walang takot na sabi ko sa kaibigan ko. Tila hindi makapaniwala sa akin si Kylie sa mga sinasabi ko. "Bakit hindi mo na lang kaya sagutin si Narex. Matagal ng may gusto sa'yo ang lalaki na'yun at mukha naman siyang mapagkakatiwalaan." Seryosong sabi ni Kylie sa akin. "Oh no! Alam mo naman wala akong plano sa totoong relationship. Higit sa lahat hindi ako naniniwala sa tunay na pag-ibig at walang forever inday. Baka sasakit lang ulo sa pag-aasawa." Bigla akong pinalo ni Kylie sa kamay ko. "Mabait naman si Narex ayokong umasa siya sa akin. Ayoko ko rin na saktan siya bata lang ang gusto ko. Sinabihan ko rin na friend lang kaya kung maibigay sa kan'ya. Ayoko rin na siya ang maging ama ng anak ko." "Ang choosy mo mare," kinindatan ko lang si Kylie. "Aba syempre inday Kaylie. Isip muna ang pairalin bago ang puso at sa panahon ngayon ay mas maraming manloloko kaysa sa matino." Saad ko at sabay kaming tumawa. "Okay fine, bukas ng bukas hahanap kita ng maka-date mo at ikaw na ang bahala sa next move mo. Then dapat palitan din na'tin ang outlook mo mare baka alam muna." Hindi na ako nagsasalita at sinimangutan ko siya. Maya-maya ay binayaran namin ang bill namin at lumabas kami ng Cafe. Paglabas namin ay pinuntahan namin ni Kylie ang isang bahay na once a month ay tinulungan ko sila binibigyan ko sila ng pera para sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Nang nasa loob na kami ng barangay ay maraming taong nag-iipon-ipon. Election pala ngayon lumapit kami ni Kylie kung saan banda ang nagsisigawan. Iyung sigaw ng mga tao ay hindi sigaw na suporta sa kundi sigaw na kilig lalo na ang mga kababaihan. "Senador Sander para sa senado!" sigaw ng mga tao. Tiningnan ko mabuti kung sino ang mga tumatakbong politiko. Hinanap ng mata ko kung sino ang sinisigaw ng mga tao na Sander kung bata ba o matanda ito. Inikot-ikot ko ang mga mata ko at iniisa-isa kung tingnan pero wala akong nakita na binata puro may mga edad na ito. "Marinella halika rito, lalabas yung ang anak ni Mr. Sander na si Sandro. Timing talaga ang punta na'tin dito dahil nandito ang gwapong anak ng ni Mr. Sander," sabay hila ni Kylie sa kamay ko. Nang lumabas ang hinihintay ng madlang ay pakiramdam ko ay nabingi na ang tenga ko sa sigawan ng mga tao. Tiningnan ko ang Sandro na sinasabi nila hindi ko siya makita ng maayos dahil siksikan ang mga tao. "Buti kung gwapo ang at hindi playboy ang ang lalaki na'yan," sabi ko at tiningnan ako ng babae taas baba ng marinig niya ang sinabi ko. "Manalamin ka muna manang bago kang humusga ng tao. Baka kapag makita mo si Sandro baka ikaw ang maghubad sa harapan niya, baka magising ka na nasa new generation na tayo ngayon sa pananamit," susumbatan ko sana siya ay hinarangan ako ni Kylie. "Hindi naman masama ang sinabi ko. Baka lang naman iyun." Sabi ko kay Kaylie at hindi ko rin natuloy ang sasabihin ko dahil may baritono na boses ang biglang nagsalita. "Good morning everyone, I'm Sandro Sander. I am here to support my father for the Senate of the Philippines." Parang nanigas ang tuhod ko at ayaw gumalaw ng marinig ko ang boses ni Sandro. Pati si Kylie parang na estatwa. "Ang gwapo talaga niya mare," tila may kinikiliti sa kinikilig ang kaibigan ko. Inangat ko ang mukha ko para masilayan ko si Sandro pero may isang babaeng tumulak sa akin. Nadapa ako sa lakas ng pagtulak niya sa akin ay nasugatan ang kamay ko na tumama sa bato. Tinulungan ako ni Kylie para tumayo at hindi ko na nakita ang babae na tumulak sa akin. Halos masusuka na ako sa amoy ng lalaki sa tabi namin. Ilang segundo ay tiningnan ko ang lalaking nagsasalita. Nanlaki ang mata ko at tila mga bituin na kumikislap na napako ang mata sa binata na nagsasalita sa stage. Tama nga ang sabi nila na gwapo ang lalaki pero kilos pa lang niya ay kung paano siya magsalita, one hundred percent na womanizer. Ang mata ko talaga ay para akong may sixth sense. Huminga ako ng malalim. This is the first time na iba ang kabog ng puso ko ng makita ko si Sandro Sander. "Ano kaya kung siya ang maging ama ng anak ko, tapos ang kanyang sperm lang ang kukunin ko sa kan'ya," sabi ng isip ko na hilot ko ang batok ko sa mga pumasok sa kokote ko. "Ano ang nasa isip mo mare? Parang nagbago ang isip mo. Ano sa tingin mo sa kan'ya pasado ba siya sa'yo? Jojowa-in o magpabuntis sa kan'ya?" malanding sabi sa akin ni Kylie. "Bunganga mo buti kung papayag siya," suway ko sa kaibigan ko. "Mabuti naman naisip mo iyan. Simula ngayon ay e-makeover na kita. Ang ganda at sexy mo mare kaso tinatago mo ang iyong kagandahan sa likod ng sinaunang panahon na mga damit mo. Saan mo ba nabibili ang mga suot mo hindi ko naman nakikita sa mga mall o store? Para kang hindi anak mayaman sa fashion mo. Tapos balak mo pang maging Miss Universe." Nakangiting sabi sa akin ni Kaylie. Pasimpleng tumawa ako at siniko ako ni Kylie sa aking tagiliran. "Ikaw talaga kaya nga love na love kita Inday." Nang mapansin ni Kylie na ang mga mata ko kay Sandro ay tinapik niya ang noo ko. "Oh, God! Tinamaan na ba ni kupido ang puso mo. Bukas magpa-party ako finally tumibok na rin ang puso ng kaibigan ko." Halos masakal na ako ni Kylie sa pagkayakap niya sa akin. "Nasasakal ako Inday!" sabi ko at kaliwa't kanan niya akong hinalikan. Napalingon kami ni Kylie ng magsalita ang isa sa mga host sa stage. "Alam ko lahat kayo ay kinikilig kay Sandro Sander, sorry guys taken na siya." Sabi ng babae. "Ouch taken na pala, umm hanap na lang tayo ng ibang jojowain. Doon tayo sa walang sabit ang talino mo talaga mare, kung ipagpatuloy natin ang nasa isip ko hindi pa tayo nakakaalis sa kinatatayuan na'tin ay uuwi tayo na sawi ang ating puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook