Chapter 20
MARNELLA
Mag almusal ka muna at kailangan natin mag usap. Ipahatid ko kay mnong ang almusal mo or else na kung gusto mo bumaba sa baba. Don't worry pwede mong gamitin ang elevator.” May awtoridad ang tono ng pananalita niya.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Nagtitigan kaming dalawa. Pinunasan niya ng tuwalya ang kanyang dibdib n na basang-basa ng sarili niyang pawis.
“Sandro ano ang ibig mong sabihin na ipapapulis mo ako at wala akong ginawa na masama sa inyo. At ano rin ang ibig sabihin na ikaw ang tumulong sa akin? Ang sabi sa akin ni Manong Damasco ay siya ang nakakita sa akin at siya rin ang nagdala sa akin dito?” tanong ko nakatingin lang siya sa akin.
"Narinig mo naman siguro ang sinabi ko. Mag almusal ka muna then may pag uusapan tayo.” Sabi niya malaking hakbang ang ginawa hanggang sa dinaanan niya ako parang wala siyang nakikita na tao.
Napapikit ako ng mata ko at huminga ako ng malalim dahil parang may kakaibang init ng hangin ang na dumaan sa akin. Kahit naliligo siya ng sariling pawis ay ang fresh niya at ang sarap sa ilong ang kanyang masculine scent. Pinahid ko ng kamay ko ang pawis ko sa noo ko.
Sinundan ko ng aking mata ang malapad niyang likod. Muli akong bumuntong hininga a at lumabas na ako.
Paglabas ko hindi ko na siya nakita at hindi ko alam kung saan ito pumasok sa isa sa mga pintuan dahil hindi lang apat o lima ang mga pinto. Hinanap ng mata ko rin ang elevator na sinasabi niya. But I prefer na bumaba na lang ako sa hagdanan.
Hindi ko siya maintindihan bakit niya sinabi sa akin na ipapapulis niya ako. Ako na nga ang mamatay sa kamay ng taong hindi ko kilala ay tila ako pa ang maging suspek at may atraso sa kanya. Lalo tuloy ako naguguluhan.
Parang ibang Sandro ang nakikita ko ngayon. Kabaliktaran yata ang mga sinabi nila Chantel na mabait ang amo nila pero bakit parang may reflag si Sandro. Nakamot ko ng ulo ko at napa-iling ako. dahil kung ano-ano ang gumugulo sa kokote ko ngayon na hindi ko maintindihan. Much better pa siguro na umalis na lang ako dito baka mas lalo ako mapapahamak at lalong maging mapanganib ang buhay ko.
Naalala ko ang mga sinabi ni Nanay Belen sa akin a huwag akong magtiwala kahit kanino. Kumusta kaya si Nanay Belen. Tama nga lahat ng kutob ko at kutob ni Nanay tungkol kila Tita Nova.
Hanggang sa dahan-dahan akong hinakvng pababa ng hagdan ang paa ko. Kaya ko naman bumaba sa hagdanan kahit hindi pa gumagaling ang sugat ko ay kakayanin ko na bumaba. Hindi ako bisita at nakakahiya rin na pagsilbihan nila ako ng mga tauhan ni Sadro.
Tatlong hakbang pa lang ako pababa sa hagdanan ay napaaray ako ng bahagyag sumakit ang binti ko.Parang bindi pa ko pa kayang bumaba.
“Stubborn lady!” Napahawak ako sa dibdib Boses sa baritono na boses ni Sadro nasa likod ko siya.
Nagulat lang ako ng bahagya niya akong binuhat na estawa ko ng sumbsub ang mukha ko sa leeg niya.
“Anong ginagawa mo ibaba mo ako.” Sabi ko ng hagdanan.
“Huwag kang malikot kung Ayaw mong dalawa tayong mahuhulog!” madiin niyang sabi.
“Hindi mo kailangan na buhatin ako at hindi ko kailangan ng tulong mo.” Sabi ko. Sa totoo lang para akong napapaso sa init ng katawan ni Sandro na dumikit sa katawan ko. Tanging sando lang ang kanyang suot. He sighed hard.
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko na gamitin mo ang elevator!” madiin na sabi niya. Nang lumingon siya sa akin ay nagsalubong ang noo at mata naming dalawa. Parang sasabog ang dibdib ko sa lakas ng dagundong nito. Pareho kaming naduduling ng magtitigan kami. Binaba niya ang mata niya sa labi ko. Uminit lalo ang magkabilang pisngi ko. Nakakatuyo ng lalamunan ang mata niya kung paano niya ako tinitigan.
Ilang segundo na parang tumigil ang ikot ng mundo sa amin ni Sandro hanggang sa inangat ni Sandro ang kanyang mukha at wala ng salita na lumabas sa kanyang bibig. Pero ang puso ko ay walang tigil na timitibōk para akong naliligaw. Naligaw naman talaga ako at sa kamay pa talaga ni Sandro Sander sa daming tao sa Pilipinas si Sandro pa nakakita sa akin.
Nang nasa baba na kami ay sa dining area niya ako dinala. Nahiya ako kila Manong na lahat sila ay natulala nakatingin sa aming dalawa ni Sandro nagtataka rin sila sa ginawa ni Sadro.
“Pagkatapos niyang kumain dalhin nyo sa living room!” utos ni Sadro. Hindi na niyang hinintay na may may sumagot at tinalikuran niya kaming lahat.
Tahimik ang lahat ay wala ni isa ang nagsasalita. Pakiramdam ko ay pulang pula ang magkabilang pisngi ko at nahihiya ako kila Manong Damasco.
“Marinella ngayon ko lang nakita si Sir Sandro na may buhat siya na parang bagong kasal at ikaw lang yun. Sana ikaw na rin ang dream girl niya at maging princess.” Bulong ni Chantel hindi ako umimik sa sinabi niya.
Malabong mangyari ang nasa iniisip mo.” Saad ko.
‘‘Alam mo Marinella maganda ka at kinis ng kutis mo ang lambot ng mga kamay mo wala ka yatang mabigat na trabaho hindi katulad ng kamay ko. Tuyo na pala ang damit mo nilabhab ko at heto pala ang antipara mo pinaayos ko kanina dahil nakita ko na nasira.” Binigay ni Chantel ang makapal ko na antipara .
Mabilis kung sinuot sa mata ko parang umasim ang mukha ni Chantel. Hindi na siya nagsalita hinila ni Chantel ang kamay ko at pinaupo naniya ako sa upuan.
“Sa kusina na lang ako kakain nakakahiya sa boss n'yo at hindi niya ako bisita.” Sabi ko.
“Naku Marinella siya nga ang nag utos sa amin na dito kakain at mukhang concern nga sa'yo si Sir Sandro, diba ang sabi ko sa'yo mabait si Sir Sandro.” Lumunok ako.
“Sa Lagay na yun ay mabait. Hindi mo ba nakita ang ginawa niya.” Sabi ko nag iba ang reaksyon ng itsura ni Chantel. Kahit si Manong Damasco ay nagulat.
Ganun lang yun minsan si si Sir Sadro. Pero mabait yan.
“Baka mabait lang pagtulog.” Tumawa lang si Chantel.
‘Parang kilala mo ang boss namin hija. Magkakilala ba kayo?" pagtataka na tanong ni Manong.
"Opo manong. Manong bakit ang sabi mo sa akin na ikaw ang nakakita sa akin?” tanong ko. Tiningnan ko si Chantel. Nagulat sila ng sabihin ko na magkakilala ni Sandro.
“Pasensya kana hija kung hindi ko sinabi sa'yo ang totoo. Kayong dalawa na lang ang mag-usap ni Sandro. Kung hindi ako magsinungaling sayo baka kahapon ay umalis ka at iniisip ko baka ma paano ka sa labas lalo na sa kalagayan mo hija.” Mahinahon na sabi ni Manong Danmasco sa akin.
“Nakita nyo po ba kung nasaan ang packback ko? tanong ko alam ko na hindi nila sasagutin ang tanong ko.
“Baka naka kay sir,” bahagyang sagot ni Chantel. Inangat ko ang mukha ko. Nakita na kaya ni Sandro ang laman ng packback ko.
Ilang sandali ay iniwan muna ako nila Chantel para makakain na ako n. pero bago umalis si Chantel ay bumulong siya na titingnan niya sa kwarto ni Sandro ang pack back ko.
Hindi nagtagal ay natapos na rin ako kumain tumayo ako ar makausap ko na si Sandro. Nang makita ako ni manong Damasco ay lumapit at tinulungan niya akong alalayan papunta sa living room.
Nang nasa living room na ako Si Sandro agad ang nabungaran ng mata ko na naka de kwatro. Naka fit black t-shirt na siya ang blurs short.
Biglang kumunot ang noo niya parang may something sa mukha ko natitig sa akin.
“Have a seat. Manong iwan muna nyo kami ni Marinell.” Utos ni Sandro at umalis din kaagad si Manon.
Marinella alam ko may humahabol sa'yo. Tell me kung sino ka ba talaga? Alam ko hindi ka magsabi ng totoo. Sino ka Marinella Bakit may taong gusto kang patayin? Bakit napunta ka sa lugar na'yun ng ganong oras,?” tanong ni Sandro.
Nakatingin lang ako sa kanya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga tanong nito sa akin.
Kasi… Hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil may halong kaba akong nararamdaman.
“Dahil ba sa pera na nasa packback mo. Ninakaw o tinakbo mo ba ang malaking per Marinella kaya may bumaril sa'yo sa binti? Nang bi-victim kaba para may manakawan ka?” nalito ako at pakiramdam ko nahihilo ako sa mga sinasabi ni Sandro.
‘‘Hindi ko gawain ang mga iniisip mo sa akin Sandro!” Saad ko.
“Kung hindi mo gawain anong ibig sabihin ng mga dolyares sa bag mo? Hindi ka naman siguro nila iganyan kung wala kang ginawa na masama diba. Kaya pala na ang liit ng tingin mo sa 500k at one million.’ Kumuyum ang kamao dahil hindi ko na nagustuhan ang mga sinasabi ni Sandro sa akin.
Uulitin ko sa'yo Sandro na hindi ko gawain ang paratang mo sa akin at huwag na huwag mo akong husgahan dahil ni minsan sa buhay ko wala akong ninakawan at malinis ang konsensya ko.
Ang pera nayan ay akin pera ng magulang ko. Kung iniisip mo sa akin na msgnanakāw ako at gusto mo akong ipapulis yan ang e-dahilan mo sana hinayaan mon ako mamatay sa daan at hindi muna ako tinulungan. Mas gustuhin ko pa na nawala na ako kagabi sa kamay ng mga taong gusto nila akong patayin dahil sa pera na'yan!” sigaw ko. Nanginginig ang boses ko at buong katawan ko parang gusto kung ilabas ang sama ng loob ko sa harapan ni Sandro. Tumulo din ang mga luha ko. Blur na ang paningin ko.
“Marinella,” mahinang sambit ni Sandro sa pangalan ko.
“Sandro nakikiusap ako sa'yo na ibigay mo sa akin ang bag ko gusto kung lumayo gusto kung iwan ang lahat dahil hindi ko alam kung ano pa ang mangyari sa akin sa mga susunod na araw.” Sabi ko.
“Marinella, pwede kitang tulungan at protektahan at sabihin mo ang lahat ng totoo tungkol sa'yo. Kailangan mo rin akong tulungan sa problema ko matulungan tayong dalawa.” Seryosong sabi ni Sandro sa akin.
Pinahid ko ang luha sa inabot ni Sandro na panyo mula sa bulsa niya. Tiningnan ko siya at umupo siya sa tabi ko. Nanibago tuloy ako sa kanya.
“Paano ako nakakasiguro na totoo ang mga sinasabi mo?” tanong ko.
“Look at Marinella, sa mukha kung ito ay mukhang manloloko at hindi mapagkakatiwalaan.” Kumunot ang noo ko pinigilan ko ang sarili ko na hindi tumawa sa reaksyon ng itsura ni Sandro.
“Mukha nga hindi manloloko sa daming babae na pinaiyak mo at pinaasa.” Saad ko.
Ano naman ang kinalaman ng mga ko sa usapan natin na dalawa. Hindi ko kasalanan na iiyakan nila ako umaasa sila. Dahil alam nila ang kung sino sila. Ano pag iisipan mo ang sinabi ko sa'yo. Dahil ako lang ang makakatulong sa problema mo kahit hindi ko pa alam kung sino ka. Sampung minuto kitang hahayaan na mag isip Matrinella. Kung ayaw mong pumayag ay kahit saan ka man magtago ay mahahanap at makikita rin ng taong gusto kang mawala sa mundong ito. Iiwan kita ng sampung minuto at babalikan kita later. Kung ang pipiliin mo na umalis sa poder ko ay malaya mo rin makukuha ang packback mo and best of luck sayo,” Sabi ni Sandro. Tumayo siya at iniwan niya ako.
Ang mata ko ay sa packback na iniwan niya sa tabi ko. Tumayo ako. Ano kaya ang condition niya sa akin. Bakit kailangan din niya ang tulong ko.
“Sandro,” tawag ko sa kanya mabilis siyang lumingon sa akin.
“Wow ang bilis mong mag isip.” Sabi nito at pinasok niya sa bulsa niya isa niya na kamay.
Ano ang maitutulong ko sa'yo?” tanong tipid siyang ngumiti.
“Very simple lang hindi kagaya sa problema mo. Magpanggap ka lang na buntis sa harapan ng Lola at Lolo ko.” Lumaki ang mata ko sa sinabi ni Sandro.
“Buntis!" malakas na sabi ko.
" Oo, yun lang nothing else huwag kang mag alala dahil dalawang buwan or less lang naman yun. at kayang-kaya kitang protektahan. Feeling ko gumaan ang pakiramdam ko parang siya ang makakatulong sa problema ko. He sighed at hinihintay niya ang sagot ko.