Chapter 13 In one Bed

4977 Words
FRIDAY EVENING, SEVEN SHARP AT FELICISSIMA RESORTS CASINO AND HOTEL. Napabuntong hininga ako sa mensahe ni Ree. Why would he want me to go there? I don’t go to Casinos nor join parties in places like that. Ang alam ko maraming mga matatandang mga negosyante ang nagagawi sa lugar na ‘yon and literally not a place for me. I would rather be in Taguig and sink myself to martinis kaysa naman humarap sa mga matatandang seryoso sa buhay. I took a long breath and head to my closet to check on my clothes if I got something to wear. Suddenly my caller tone broke the silence. “Yes,” I said in emotionless tone. “Are you dressed?” Ree asked. “Should you take me?” “Of course, I want to.” Mabilis niyang sagot at napanguso ako. “I don’t want to,” saad ko. “I am on my way to you, I’ll pick you up.” “N-no, no I will be there. Mauna ka na,” sabi ko na lang. Ayoko na may naghihintay. He dropped the call and I get dressed. Wearing my most comfortable dress ay nagpahatid ako sa driver namin. Pagbaba ko ay napataas ako ng tingin, I am in doubt if I really can stay longer in a place like this. Dinner ba for two? Or he is up to something? Baka mamaya papasukin niya ako sa elevator tapos ipababagsak niya bigla dahil may gusto na naman siyang makuhang sagot mula sa akin. “Good evening, Ma’am,” bati ng isang staff na babae. “Reservation for Mr. Roshchild, please.” “Follow me, Ma’am,” saad ng staff. Walking in my four inches stiletto confidently and with my almost naked make up. I just wanted to look fresh tonight. People here turns their head. Hindi na nga ako nag-ayos ng todo, pero sumusunod ang tingin nila. Am I not wearing the right thing her Patungo kami sa isang hall na may malaking pinto. It seems like a party is happening inside. The two door entrance opened for us and I am so surpised to see everyone in a party dress. Good thing that I picked the perfect one for tonight. Hinanap ng mga mata ko si Ree but I cant find him. “What are you wearing?” a voice whispering behind me. Napakurap mata ako at dahan-dahan na humarap. It’s him. Ngumiti ako, not really a genuine one, pretending I am happy to see him. “Hello, am I late?” bati ko sa kaniya. He looked down on me, trying to see his self how I look. “You are in time,” seryoso siya, “but aren’t you cold with your bare back and thin string straps?” he asked. “I am not,” sabi ko, though the cold air started to freeze my bones. I never expected what happened next. He took off his coat at ibinalot sa likod ko. “Hey, anong ginagawa mo?” singhal ko sa kaniya. “You can’t meet them na ganiyan ang itsura mo. Isang dangkal lang ang haba ng skirt mo, wala ka bang ibang alam suotin?” He couldn’t be serious? Why does he hates everything I wear. “Where on the world have you been? Even in the primitive era, people wear less on their skin.” Iniabot ko sa kamay niya ang hawak kong pouch at tinanggal ko ang coat niya. Umikot ako sa likod niya at ipinatong ito sa balikat niya. “Don’t tell me what to wear, you are not a boyfriend, or a husband to do that.” I whispered softly and leave him where he stands. Nagtungo ako sa isang waiter na may dalang drinks. I took a glass and drink from it. At hindi ako nagkamali nasa likod ko na naman siya. I can feel him behind me. Natawa na lang ako sa isip dahil daig na daig niya ang tatay ko kung kumilos. “Sir are you gonna guard on me?” “Masyadong labas na lahat ang balat mo, I have a business to do tonight. Paano kita ipakikikilala sa mga taong ‘yon, if you look so destructive?” Nilingon ko siya agad. “Destructive? Then close your eyes,” tumawa ako ng bahagya. “Ito lang ang mayroon ako sa closet ko.” I gave him a glass of wine to keep him cool now. Nagsasalubong ang kilay niya kaya natatawa ako sa isip ko. Why does he seems so old school? “You should have brought a coat or a shoal, at least.” “Pang-matanda lang ang shoal. Sisirain mo naman ang itsura ko.” “Fine. Let’s not argue now. I want to introduce you to some friends,” sabi niya. Seriously? He’s taking me to his friends now? Kaya ba halos ipasok niya ako sa coat niya? Nakakatawa naman ang lalaking ito. He’s young but too old school. He grabbed my hand, he’s not supposed to do that. How dare, he? Pero mahigpit ang hawak niya at sumunod na lang ako sa kaniya. He took in a circle of people busy chatting while holding their glasses of wine. “Everyone, good evening. I want you all to meet that owner of the lot I picked, my business partner, Lia, daughter of the great Enrico Herrera,” he introduced me to all of them. I am in shock to meet this man. It’s been a while since the last time my fist have kissed his nose. I slightly bit my lip to caml myself. I took a breath and pretended like everything is casual. “Lia it’s good to see you deviously hot and sophisticated,” untag ni Tim. Umirap ang mga mata ko ng hindi napapansin na lahat sila sa akin nakatingin. I then realized, I should act accordingly dahil mga kilalang tao pala ang naririto. Most of them are proprietors of luxurious hotels here in the city. “Hello, everyone. I am delighted to see you all, my Dad’s contemporaries,” sabi ko sabay ngiti. I can see how Tim looks at me from head to toe. Isa-isa silang nakipagkamay sa akin at when I faced Tim, he grabbed my hand and put it in his lips. Buti na lang at nakaayos ako, kung hindi siguro ay tinakasan ko na lang ang isang ito. I don’t feel comfortable seeing him here. “Hija do you still recognize me?” sabi ng isang matandang lalaki, I think he’s a bit older than my father. Naningkit ang mga mata ko nang tingnan ko siya. He looks a bit familiar, but I can no longer recall his name. When was the last time na dinala ako ng daddy sa mga okasyon like this? That was when I was fifteen. I remember kung gaano ko napahiya ang daddy that moment when I accidentally bumped into a staff na may hawak na drinks. Nabuhusan ang isa sa mga future investor at partner ni dad in business. Napaksosyal pa naman ng babaeng ‘yon, she was so disappointed in me dahil nabuhusan ng wine ang signatured coat niya. After that incident, may parents never took me again to meet their circle. It’s been eight years, and now I think I have grown a lot. Iyon lang, walang degree na maipagmamalaki. “I am sorry, may I know at least your family name, Sir?” “Malcolm, call me Malcolm.” Ngumiti na lang ako sa kaniya. “So have you finished your masters in Oxord?” nasamid ako sa narinig ko. Couldn’t he just ask me any question aside from that? Anong gagawin ko sa UK? Mukhang mapapahiya na naman ako nito. “By the way, Sir Malcolm. Lia is so happy to finally meet you, could you excuse us?” biglang bawi ni Tim. Tinapik niya ang balikat ni Ree at napatingin ako kay Ree. His eyes tells me to follow them. THINGS HAVE BEEN DIFFERENT SINCE WE DECIDED TO PUT IT THAT WAY, PARTNERSHIP IN BUSINESS. I am now officially going to be an owner of a training school. Well, thanks to him for giving the drive to try the scariest thing to do. Isang bagay pa, ay kailangan ko makitungo ng maayos kay Tim. Since his firm, will do the rest of the job for us. Ang firm ng pinsan niya ang siyang hahawak sa project ng construction ng building. Wala akong alam sa mga bagay na ‘yan kaya ibinibigay ko na kay Ree ang lahat ng otoridad to make things happen. “Lia I am very proud of you, hija.” Dad hugged me after the groundbreaking ceremonies. For another time, I am happy to have please him. I know ito ang gusto niya, to be his successor. But I guess, there is nothing to celebrate yet, dahil hindi pa kami nagsisimula. “Thank you, Daddy. Inspirasyon kita at gusto kong bumawi,” sabi ko pa. I am happy to see my parents watch me get things they thought I can never do. At least now, masasabi kong may kabuluhan na rin kahit papano ang buhay ko. After the groundbreaking, nagsimula na ang construction sa site. Everyday yata nandoon si Ree at inaasikaso ang mga tao. What am I supposed to do then? I always keep myself busy doing my own thing. One time I got a call from him. “Where are you?” he asked. Ako naman itong nakadapa dahil ninanamnam ang bawat hagod ng kamay sa likod ko. It’s been a tiring week kaya I think I deserve much break. “In a SPA,” sabi ko. “Great. I can’t meet the accountant now. Can I send you?” I listened to the silence from the receiver. I think he waits for my yes. “No, I can’t,” sabi ko. “Please just for now. I can’t meet him. May susunduin ako sa airport.” “Who?” in a curious tone I asked. “It’s personal.” “Fine. Send me details. And let me tell you, I don’t have time to change my clothes, I am wearing,” hindi ko man lang natapos ang sasabihin ko. “At least wear a coat, Lia.” He hanged and I rolled my eyes. I fixed myself at inasikaso ang mga inutos niya. I asked him to hire an assistant para naman hindi siya mahirapan, pero ayaw. He would always do it his self dahil sabi niya mas madali kung walang conflicts, pero heto at ako ang iniistorbo. When I realized that he needs someone by his side, I started to make arrangements sa usual routine ko. On weekends I do my girl thing. And on weekdays, I go to see him and help him kapag kailangan niya. I often bring him hot drinks or anything he could eat while working, but it will all end up sa workers niya. I wonder how this man survives his life being so independent. But somehow I think I am lucky that he trusts me a bit. Days have passed by. Naging maayos na ang pakikitungo ko kay Ree, he made me realize na hindi ko kailangan ng degree para maging qualified na magkaroon ng sariling negosyo. I think I am starting to love this new thing. Busy ang isip ko every now and then. Excited and anxious of what could be. Nagtaka lang ako na sa groundbreaking namin ay wala man lang isang tao ang ipinakilala sa akin na galing sa family niya. Is he all alone? Whenever I try to ask, something pulls me back not to. Hindi ko alam kung bakit. I can feel depth in his thoughts na hindi ko naman masabi kung ano. He’s not quiet, actually marami siyang plano na inilatag sa akin, I could hardly digest. As much as I want to get to know him, he puzzles my mind and he blows it all the time. He’s a man of dedication and so workaholic. One time I came to see him para ibigay ang ilang dokumento sa kaniya. I saw him standing on the side at malayo ang tingin. “It’s a five story building,” basag ko. Nilapitan ko siya at tumayo sa tabi niya looking at the same direction. “Hindi ‘yan madaling matatapos.” He looked at me na nakakunot ang noo. I handed him his glasses na kinuha ko mula sa table na nasa tabi lang niya. “What is your family business that you can afford all these?” tanong ko. Hindi siya sumagot agad, instead I heard him took his breath. “You will never want to know me, Lia.” “Talaga? Paano kung gusto ko?” hinarap ko siya trying to get his attention. “I still won’t let you. Live your life, huwag mo na ungkatin ang buhay ko.” Nagbaba siya ng tingin sa akin. “I just wonder, how do you survive this long? I haven’t heard you talk about you parents, your family or at least fiancé? Where’d you really live?” Umiwas siya ng tingin sa akin at lumipat ng pwesto. “You have my name, my address and that is the least I can share to you.” Napanguso ako sa narinig ko sa kaniya. He never wants to talk. So I stand beside him. “From this day, I will patiently wait for you to trust me of your deepest thought.” Mabilis kong ibinulong sa tainga niya. Ayoko na inaayawan ako. We will see, Roshchild kung gaano ka katigas. MONTHS AND A YEAR HAD PASSED. Finally the construction is done. Apaw langit ang kaligayahan sa loob ko. But I cannot describe how I see the fulfillment in Ree’s heart. “Congratulations!”, bati ko sa kaniya. “Were not there yet,” sabi niya. Umiwas ba naman agad at naupo sa harap ng mga papel sa mesa. “I want to celebrate with you,” sambit ko. Lumapit ako at naupo sa desk niya, katabi siyang nakaharap. “Get down, Lia.” Mariin niyang utos. “By the way, the sprinklers are working well.” “Mr. I am humbly asking for your little time, a thirty minute break wont bite,” nagtaas ang kilay ko at ngumiti sa kaniya. My eyes could ever express my excitement, pero napakaseryoso niya. Hindi ko na nga pinansin ang sinabi niya. Ilang segundo na hindi ako nagsalita. I look down on him, still busy with his stuff. “Ayaw mo?” seryoso kong tanong. “It’s a no. Next time, maybe.” Tumayo ako at kumuha ng papel mula sa desk niya. I have my lighter from my purse, hindi koi to hinahayaan na wala sa purse ko. I don’t know, basta dapat nasa loob lang ‘yan. Now I will make you leave your works and give me your precious time, Ree. Hindi niya ako sinundan ng tingin dahil pumipirma ito sa ilang mga papel na nasa harap. Tumayo ako sa ilalim mismo ng censor upang masiguro na mabilis nito ma-detect ang usok. I lit the paper in my hand while looking at him, emotionless. In my thoughts, kailangan niyang pagbigyan ako dahil nababagot ako dito sa loob na walang ginagawa. Seconds have passed by and the alarm awakened him. “Lia,” mabilis siyang tumayo at inagaw ang hawak kong papel na nabitawan ko bago pa man siya lumapit. I fell on the carpet at mabilis niyang inapakan. While I? Nananahimik at nakatingin sa kaniya. “Nasisiraan ka ba?” he asked me in disgust. “Malapit na. Tara na, dine with me.” Napahilamos siya ng mukha at ngumiti ako ng matamis. I like how he does that, he looks deviously hot whe he’s disgusted. Parang ang gusto ko na ganiyan siya lagi lalo na kapag ang buhok niya ay nakatali lang. Ang linis niya tingnan pwera sa balbas niyang pinagdadamutan ng razor blade. Since that day I startled him, he never refuses my invitations. Somehow I feel at ease when I am with him. One night we were out for dinner. “Ree matagal mo na ako kasama. Can I at least be true to you?” “Matagal ko nang nakikita ang ugali mo, hindi pa ba totoo ‘yon?” “Antipatiko,” bulong ko. “Alam ko,” saad niya. Did he hear me? Ibang klase ang tainga ng lalaking ito. “I want you,” mabilis kong sabi. I am expecting him to be surprised, but no. He’s so dumb not to see how serious I am. “Ree, sabi ko gusto kita,” inulit ko pa. “I heard you,” he sliced his steak at parang walang pakialam. My heart started to feel frustrated dahil akala ko matutuwa siya o kahit kaunting kilig man lang sana. “Then? Is that all you can say?” naiinis na ako sa kaharap ko. “I thought were having business, I want you too,” he said. This have put me into a puzzle I cannot even connect correctly to my thoughts and emotion. I intentionally told him this, coz I really have started to like him. Kahit wala siya kwenta kausap minsan.Kahit sa hangin lang madalas ako nakakaramdam ng presensiya niya, but this guy have caught me. “Want?” “Is that how you want to hear it from me?” tanong niya. He put down his knife at hinarap ako habang nagpapahid ito ng bibig niya using the napkin. Lumalim ang hugot ko ng paghinga. I felt embarrassed. Akala ko he would even make me feel fine by feeling that way. Like he’s gonna tell me, it’s okay. We can be friends, that is all we are. But he answered me the same thing like I can never believe in that. “You know what?” nagsalubong na ang kilay ko sa damdamin kong nag-aapoy sa loob ko. “You ain’t cool. You are boring, you’re lifeless and dumb. You never have this empathetic behavior, you’re rude and really a disgusting person.” Napabulyaw ako sa harap niya. Hindi ko alam kung bakit, pero naiinis ako sa kaniya. Why can’t he look at me the same? Why couldn’t he take his chances dahil narinig na niya na gusto ko siya? Nakakagigil kang lalaki ka. Akala ko pa naman ay titingin ka sa akin kahit saglit lang. I am speechless now looking at his eyes. Tumayo ako at tumalikod. I will leave now dahil wala naman pala akong mapapala sa lalaking ito. Trabaho lang ba talaga ang mahalaga sa kaniya? Paano naman ang nararamdaman ko? It could not have grown kung sana ay hindi na siya nakipagmabutihan sa akin. Nakakapanggigil. Mabilis akong naglakad palabas sa resto kung saan kami naroon. Naiinis ako sa sarili ko pero mas nakakainis siya. My birthday is days away from now tapos heto siya at parang wala lang pakialam. I clenched my fist as I walk away from him. Nasa labas na ako, it’s dark already. I think nasa alas otso nan g gabi. Lights outside looks brilliant but my mood seems destroyed. Lumapit ako sa sasakyan. Darn it, wala akong sasakyan. Nakisakay lang pala ako sa kaniya papunta dito. He brought me here dahil hiniling ko. Tapos? Ang laki kong kahihiyan sa sarili ko for telling him I like him. Tapos sinagot ako. But I don’t want that answer from him. Sana man lang may sinabi siyang iba. Hugot ng mahabang paghinga ang nagawa kong muli at nanlabo na ang mga mata ko. Am I crying? What is this for? Lia will never shed in tears again. Pero ang bigat sa loob. Did he just snobbed me? Kulang pa ba lahat ‘to? Or he will never like me dahil I don’t dress like other ladies, so demure. Ano ba ang kulang sa akin? Why couldn’t he just look at me, like I am lovely to him. “Lia you have to wait,” sabi ng tinig mula sa likod ko. Tumila yata ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata ko. Pinahid ko agad at maliksi ko siyang hinarap dahil bubulyawan ko sana. Suddenly his grip on my neck I felt and his lips locked mine. Tumigil, huminto at walang hangin na dumaloy sa sistema ko. I can’t even feel my heart in a second and suddenly it started extremely pumping the blood to my vessels. What is happening now? Sa sobrang kaba ko na kumilos ng mali ay nabitawan ko ang purse ko hanggang sa napayakap ako sa kaniya. I don’t want him to take it. I want him to stay in my lips like were not gonna lose each other. Kung para saan itong ginagawa niya, ayoko na tigilan niya. Napakahina ko talaga na hindi ko man lang siya nasumbatan na ulit at bumigay na ako sa pagsakmal niyang ginawa sa bibig ko. It lasted a minute I guess. “I am sorry,” sabi niya sabay harap sa akin. “I didn’t mean to offend you,” dagdag niya habang hawak na niya ang mukha ko. Ako na ngayon ang walang masabi sa kaniya. Anong nangyayari na tila nalunok ko na ang sasabihin ko sana. I lost control and I cannot utter a word. Napakagat na lang ako ng aking labi at tumingin sa mga mata niya. He looks different now. Hindi na ang lalaking nagsusungit kanina. Is he in love with me too? Why did he kissed me? Tanungin ko na ba? Pero baka sabihin niya na ginawa ko ‘yon mag-isa? Now way! He made the first move to me. Kaya hindi na ako umayaw. “You want to say something?” he asked. Iba ang tono ng pagkakasabi niya. Why does he suddenly sounded so romantic? I want to pinch myself from dreaming, but no. Ree looks at me differently. I slowly opened my mouth to speak. Pero ibinaba niya ulit ang bibig niya sa labi ko. He again kissed me and this time, not just a kiss. But something I can not resist to touch. ISANG katok ang siyang gumulantang sa akin. Nasa loob ako ng aking makapal na kumot at tanging pagbuntong ng hininga ko lang ang siyang naririnig ko sa bawat paghugot at pagbuga ko ng hangin mula sa dibdib ko. I still can’t believe what he did last night. Alam ko na malakas ang loob ko sa lahat ng bagay. But with just a kiss? Anong ginagawa ko ngayon? “Lia..” ang tinig ni mom mula sa pinto. Nagdadalawang isip akong bumangon at pinakikiramdaman ang aking sarili. Hindi matigil ang pagkatok niya sa pinto at ako naman ay parang ewan na kunyari ay hindi pa nagigising. Ikinurap ko ang aking mga mata at naalala ko na kailangan ko pumasok dahil kahapon ay nag-set ako ng appointment sa catering service para sa isang event ng training school. Pero paano ko ba siya haharapin? Bumangon ako at naupo habang isinandal ang likod sa head board ng kama ko. Bigla kong napansin ang sarili ko sa malawak na salamin sa harap ko. My bags under my eyes looks purple I guess. And now I suffer from headache. Sino ba naman ang hindi sasakit ang ulo? Hindi ako natulog ng kakaisip sa nangyari. Inihilamos ko agad ang dalawang kamay ko sa mukha ko. I need to fix myself now. Babangon ako. Iginalaw ko ang sarili ko upang ibaba sa kama ang aking mga paa. But I changed my mind. Bumalik ako sa pagsalukbong ng kumot. Para akong paslit na hindi mapakali. Napalunok ako ng aking laway nang biglang narinig ko na bumukas nag pinto. Nandilat ang mga mata ko dahil tiyak kong papasok ang mommy. What should I tell her? Or should I convince her na tulog ako. Oo nga, tulog pa ako. Kaya naman ipinikit ko ulit ang mga mata ko. Isang tikhim ng boses ng lalaki ang siyang gumising sa aking diwa. I quickly opened my eyes realizing that I am with somebody. Napaisip ako dahil narinig kong may kumatok sa pinto at tawag ang pangalan ko. Babae ang tinig at tiyak ko na mommy ko ‘yon. Kahit na malamig ang kwarto ay ngayon ko lang naramdaman ang biglang pagpapawis ko sa loob ng kumot. Napabilis ang pintig ng puso ko at halos gusto kong sumilip kung sino ang tumikhim. “I know you’re awake,” wika ng tinig. I know it. Nandilat lalo ang mga mata ko dahil alam ko na kung sino ang kasama ko. This could not be happening. Bakit nasa loob siya ng kwarto ko? Pinapasok siya ni mommy? Halos putol na paghugot ng hininga ang ginawa ko. Ayokong magpahalata na gising na ako. Biglang gumalaw ang kama at ramdam ko na may naupo sa tabi ko. Halos sumabog ang dibdib ko sa kaba dahil katabi ko na siya. You gotta be kidding me, Ree. “Get up now, Lia.” Anong mukha ang ihaharap ko sa kaniya? He kissed me last night. Tapos ano? “Makikinig ka na lang ba? O makikiramdam?” “Bakit ka nandito?” mabilis kong sambit. Nahihiya ako pero kailangan na malakas ang loob ko. “Me? I brought your breakfast.” Narinig ko kung paano siya humugot ng kaniyang paghinga. I know he’s trying to convince me too na okay lang siya. “I’m fine. Umuwi ka na,” sabi ko rito. “I am home.” Sa aking narinig ay bigla na lang akong kinabahan ng todo. He is home? Mabilis kong binuksan ang kumot at naupo. Nagkasalubong agad ang mga mata namin at lalo akong nakaramdam ng hiya dahil totoong wala ako sa bahay ko. “Paano ako napunta?” naudlot ang sinabi ko. “Sumama ka,” mabilis niyang tugon. Natameme ako at hindi alam ang sasabihin. “What?” nagkunot ang nook o dahil ang alam ko ay hindi ako natulog. “Don’t you remember?” tanong niya at tumayo na ito. Inabot niya ang isang upuan at humarap sa kama kung saan ako naroon. Nakangisi pa siya ng tingnan ako sa mga mata. I don’t like that killer smile, Ree. Pakiramdam ko bumagsak ang temperatura sa katawan ko dahil sa tanong niya. Bigla na lang nanlagkit ang pawis ko kahit na alam kong malamig ang kwarto. “Anong ginawa ko?” tanong ko sa kaniya. “We kissed. Pumasok ka sa kotse ko. Tapos nakita mo ang inumin ko na nandoon. Ayon hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon na pagsaluhan natin.” Napakagat labi na lang ako. Did I? Paanong? “We--- k-kissed?” “That’s all, Lia.” Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. After kaya n’on? May sumunod? Should I ask him? Pero natatakot ako sa sagot niya kung sakali. No, wala na akong matandaan. All I know I have been awake for a long time. Kanina pa ako nasa kama at alam kong hindi ako natulog. “You knocked? I mean, kumakatok ka kanina?” “Nope. Kapapasok ko lang. Bakit pa ako kakatok? Tulog na tulog ka kagabi.” ‘Natulog ako?” gulat na gulat kong tanong. “Sino ba ang hindi matutulog? Naubos mo ang laman ng bote. Forty six percent alcohol content.” Tumayo ako mula sa kama na wala sarili. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi niya. Pero bakit hindi masakit ang ulo ko? “Uuwi ka na?” tanong nito. “I should,” mahinang sagot ko na tila wala na sa sarili. “Take a shower first. Then you eat,” saad nito na binalewala ko. “Lia,” mabilis niyang hinawakan ang pulsuhan ko. “Don’t leave yet,” saad niya. Tiningnan ko kung paano niya hawakan ang kamay ko. Anong ginagawa namin? Nasa loob ako ng bedroom niya? Tama ba? Tapos hawak niya ang kamay ko. “Nakakahiya,” sabi ko na lang. Nakaramdam na talaga ako ng pagkahiya. Hindi ko kasi alam ang mga ginawa ko. I can’t even remember if I really did that. “You said last night,” bungad niya. Hinarap ko siya kaagad. “Anong sabi ko?” “Should you ask?” he said. “Of course,” nalilito kong sagot. “You said you like me,” saad nito. Napahawak na lang ako ng aking ulo. Saan ko ba sinabi? Nahihibang yata ang isang ‘to. Paano niya nalaman? I have been keeping that with myself. Nagkatiginan na lang kaming dalawa. Hindi ko alam ang sasabihin. Kaya ba hinalikan niya ako? Does he like me too? “Kaya ba dinala mo agad ako sa bahay mo? Mapagsamantala.” Hindi ko napigilan ang sarili ko. Tama nga, kailangan na iparamdam ko naman sa kaniya na hindi tama ang ginawa niya. Bakit ako inuwi? “Okay, I am sorry. I was not prepared last night. You suddenly got drunk. And I think I cant bring you home sa estado mo.” Binitawan niya ang kamay ko. “May.. may ano..” sabi ko. Nagtatanong ang mukha niya. “May ginawa ka?” tanong ko. He smiled a bit. Kita ko ‘yon. Mas lalo akong nanliit sa aking sarili dahil hindi ko lubos maisip kung sakali man. Bakit kasi uminom ako? “May ginawa ka,” sagot niya. Lunok ng laway ang siyang tugon ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Could he be lying? Anong ginawa ko? No, I can’t think this way. Maling-mali. Ano na lang ang sasabihin niya? “It was great. And I do appreciate.” Sa narinig ko lalo akong nahihiya. “I’m leaving.” Seryoso kong sabi sa kaniya. “Not yet,” saad nito. “Forget about last night.” Tumalikod ako. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Dalawa ang pinto sa harap ko. “Forget?” pahabol niya. “Wala ‘yon. Hindi ko maalala kaya wala ‘yon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD