REE’S POV
I could hardly open my eyes when his arms wrapped around me. Nilingon ko siya sa kaliwa ko at mukhang mahimbing pa ang tulog nito. We had a hard night. I never thought he would be like this. Sa simula ay ayokong kausapin siya. Hindi ko lubos maisip sa aking sarili na kaya niyang gawin ang mga bagay na ‘yon. How can Lucas be seriously drug dependent? Hindi siya ang Lucas na kilala ko. He even confessed to me who he really is. Hindi ko siya maitatakwil dahil lang sa napasubo siya sa bagay na hindi nararapat. Last night I was moved by his confession that he fell in love with his same s*x. He told me everything. Ang sabi niya nakilala niya ito noong college pa lang siya. Hindi kasi ito kasundo ng daddy niya kaya hiniling niyang mamuhay sa probinsiya. Good thing that this man have survived life alone. Doon ay namuhay siyang walang magulang sa tabi. He’s a loner actually. Kaya nagulat na lang din ako nitong umuwi na ako dito na malaki ang ipinagbago niya. He keeps on chasing that man. He said, he have saved him from dying. Lucas have been a victim of harassment sa university na pinasukan niya. Malamya naman talaga siya noon pa. Sickly and a bit nerd. Ayon sa kwento niya, some of their seniors forcefully recruited him sa brotherhood. Wala daw ni isang estudyante doon ang hindi miyembro and he had no choice. He was abused by men, until one night, a certain Jeff Montemayor saved him from those men. From that day, he felt secured having someone whom he could rely on. I felt pain in my heart upon knowing. Gusto ko na rin pagsisihan na hinayaan ko siyang mag-isa. Supposedly kami ng mommy ang kasama niya. But we were both busy with our own life abroad. Ang akala ni mom na magiging maganda ang buhay ni Lucas, ay nagkamali siya. Now she has to beg him to go back to her. I think mahihirapan siyang makuha muli ang tiwala nito. I know it was hard, but this man have grown into a different person. A person I should embrace.
Ngayon naman mas lalong nagagalit ang mom dahil sa mga bagay na natuklasan niya sa isang ‘to. At first hinid ko rin naman matanggap. But since he opened up everything to me, naintindihan ko si Lucas. I can never turn my back from him. He is still my brother and that will never change everything.
I blew my breath when Lia suddenly appeared in my thoughts. Nasaan na ba siya? She left without saying anything. Pinuntahan ko sa bahay nila, pero wala daw siya doon. Gabi-gabi akong nag-aabang sa labas ng bahay nila, hoping that I might see her. Pero wala, dahil bigo akong makita siya. She have been hiding and I don’t know how to make it up to her. I am worried kung ano ang nangyari roon. I told Lucas about us, but he asked me if I could spare his sister. I told him that were not there yet. I know I am still grieving but I am so grateful I met Lia. She always makes me wonder and that makes her more attractive. She’s different. I admit, she turned my spiral life into something wonderful.
A moan, I heard. “What time is it?” he asked me. Bumangon ako at naupo sa kama habang nakayuko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ngayon. Everyday I go to the office para lang maghatid ng bulaklak sa table ni Lia hoping she would be there. Pero nalalanta na lang ang mga dala ko at wala pa rin Lia na nagpapakita. Ilang sandali pa ay nakita kong nagsusuot na ng pantalon ang kapatid ko.
“I have an appointment,” sabi niya. “Could you pick me up later?”
“Magpapasundo ka? May sasakyan ka naman,” sabi ko.
“Ihahatid ko ‘yon for check up. Medyo kabado na ako sa takbo,” sabi niya sabay button ng polo niya.
Tumayo ako at napansin kong bukas ang pinto ng kwarto. We were drunk last night kaya siguro nawala na sa isip ko. In barefoot I walked out and head to the kitchen. Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin kong may mga pagkain na nakalapag sa mesa. Mabilis akong lumapit dito at tiningnan isa-isa.
“Luke did y-you j-just?” putol kong sabi dahil nasa tabi ko na siya at abala sa pag-button ng polo niya.
“Wow you cooked?” tanong niya. Alam niyang hindi ko ginagalaw ang kitchen ko. He knows I don’t cook anymore.
Umiling ako at nakita ko siyang kumuha ng isang slice na egg roll mula sa plate gamit ang fork. I wonder kung saan galing at paano nagkaroon nito. “I think it’s Mom,” sabi ko na lang. Mabilis na inilapag ni Lucas ang hawak.
“I should go,” sabi niya.
“You sure?” tanong ko.
“Yeah. Galit pa ako kaya hindi ako mabibili ni Martha sa ganiyan. May susi ba siya ng bahay mo?” he took a glass of water. “Grow up, Ree. Huwag ka na papa-control sa kaniya.” Ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko.
He left and I am still staring at the foods on the table. My mom would never do this, alam kong hindi siya ang nanay na maghahanda para sa anak. I grew up na walang mommy sa hapag. I eat by myself until Aya came na nagkaroon na ng nag-aalaga sa akin. I called for the housekeeper kahit na weekend pa ang sched ng paglilinis niya. I should go and find Lia again. Sana ay bumalik na siya sa office.
LIA’S POV
Pa-isa-isang bumagsak ang luha mula sa aking mga mata. I don’t understand. Bakit si Lucas ang katabi niya? Lucas was half naked and his legs were wrapped in Ree’s body. Hindi ko masagot ang sarili ko. Bakit sila magkatabi? Don’t I know? Pareho ba sila? Nagkagusto ba ako sa katulad ng kapatid ko?
Mabilis kong nilisan ang lugar na ‘yon na karga ang mabigat na dibdib. Pakiramdam ko pasan ko ang lahat ng sakit sa puso ko. I wanted to disappear now. Nakakahiya para sa dalawang ‘yon. Kaya ba mailap si Ree dahil lalaki ang gusto niya? Worst is, my brother. Bakit sila magkakilala? Kasalanan ko rin naman na naging padalos-dalos akong nagtiwala. Ngayon nasasaktan ako, at iyak ang kayang ibigay sa sarili ko.
Umuwi ako sa bahay. I am going to France at doon na muna ako sa kuya namin. Ayoko na makita ang Ree na ‘yon. I will just ask our family lawyer na asikasuhin ang pagbebenta sa shares ko. I will ask dad na igive up ko na ang sinimulan namin. I just can’t waste my time here. Baka nga hindi dito ang buhay na nararapat sa akin.
Padabog kong isinara ang pinto ng sasakyan nang marating ko na ang bahay namin. Mabilis kong pinahid ang mukha ko. I should pretend I am okay.
“You are home,” bungad ng mom. Napayuko ako at mabilis na humalik na lang sa pisngi niya.
“And you got nothing to say?” tanong nito. Tantiya ko na tumataas ang kilay ng nanay ko. Tiyak na napapaismid na naman ito sa akin. Hindi ko siya inimik. “Lia,” sumunod ito sa akin.
“Mom I am tired, please.”
“Pagod ka? Ni hindi ka man lang tumawag. Your Dad is so worried.”
“Si Dad, of course he always does,” sabi ko na walang emosyon. Umakyat ako sa hagdan. Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na ang tinig ni dad.
“Yssabelle,” sambit niya sa tonong malalim.
Napatigil ako at napaisip. Galit ang tono nito. Bumaba ako lumapit sa kaniya.
“I want to go to France,” mabilis kong sabi. “I am selling my shares sa training school. I think you can have it, tawagan mo na lang ang lawyer natin, Dad. Pagod na ako.” Tumalikod ako matapos kong sabihin ‘yon. Walang lingon-likod akong umakyat. Pasalampak akong nahiga sa kama ko. Bigla na lang naninikip ang dibdib ko. Nagagalit ako sa sarili ko. Why didn’t I confronted the two of them? Sana man lang binulabog ko ang mga walang hiya. They owe me an explanation.
“Lia open the door,” ang tinig ni dad.
“Dad I can’t talk to you,” mabilis kong pinahid ang luha ko.
“Please open,” ulit niya.
Tumayo ako at inayos ang aking sarili at saka ko binuksan ang pinto. Bigla na lang bumuka ang bibig ni dad.
“Anong problema at nawala ka ng isang linggo? Tapos bigla mo na lang sasabihin na igive up ang naipundar?”
“I want to sleep,” tanging sabi ko. I want to tell him everything, pero maiiyak ako lalo. I cant show them that I failed again. Yumuko ako dahil hindi ko kayang tingnan ang daddy sa mga mata nito.
Namulsa ang dad at tiningnan ako. “Okay, rest for a while. Pero mag-uusap tayo.”
“Please consider, Dad. Pupunta ako ng France,” paalam ko.
“Mamaya kapag gusto mo na akong kausapin.” Bumaba na ito dahil nakaayos na siya papunta na sa office.
“Lucas we have a meeting at three,” ang dinig ko mula kay dad. So umuwi na pala siya? I can feel like my blood raced into my veins. Biglang nag-init ang ulo ko.
“You’re home,” sabi niya. Nanlilisik ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.
“How dare you sleep with my boyfriend?” bungad kong nanginginig ang katawan sa galit. Gusto kong bugbugin ang kapatid ko. Napatigil itong dumaan sa harap ko.
He laughed and massaged his chin. “You got the wrong man,” bulong niya.
“Ganiyan ka ba kadumi?” tanong ko.
“Don’t speak those words to me, kapatid mo pa rin ako.”
“Wala akong kapatid na bakla.” Singhal ko pa.
“Watch your words, Lia,” napaigting ang panga niya nang sabihin ito. “Si Ree ba? Siya ba ang gusto mo? Hindi ka niya gusto.”
Hindi ko napigilan ang sarili ko at iniangat ko ang kamay ko para kay Lucas.
“You can never put those hand in my cheek, sister,” sabi niya.
Nanginginig ako sa galit. Anong kasalanan ko na kailangan niya gawin ‘to? My tears kept flowing in my cheeks. Wala na akong pakialam kung naiisip niyang nasasaktan ako. Tarantado silang dalawa. Bakit hindi pa sinabi sa akin na lalaki ang gusto niya? Why did he kissed me? Para lang ba i-feed ang gusto ko? He took advantage with my feelings.
“I tell you, Lia. Iwan mo na si Ree. He doesn’t like you,” tumaas ang gilid ng bibig ni Lucas. Maybe he is right. He will never like me.
“And one more thing, huwag ka maghahabol dahil wala kang babalikan,” dagdag pa niya.
REE
“f**k IT REE.” I murmured in disappointment. Kung hindi ko pa ni-review ang CCTV ay hindi ko makikita kung sino ang nakapasok sa bahay ko. Lia was there earlier at wala akong kaalam-alam. Kung hindi pa ako tinawagan ng assistant ko ay hindi ko malalaman na bumalik na siya. Ang to think na kusa niyang inihanda lahat. I grind my teeth in anger. Gusto ko siyang hanapin ngayon pero saan? I called her mom pero ang sabi sa akin ay umalis na. I tried to ask her kung saan napunta, but she never told me where. Napasabunot ako sa ulo ko habang matiim na ipinikit ang mga mata.
Ilang sandali pa habang nakasandal ang ulo sa swivel chair ay naalala ko si Aya. I know she can help me find her. Kahit ganoon lang ang pinsan ko ay tiwala akong maraming koneksiyon iyon.
So I grabbed my phone and tried to connect to her. Mabuti at mabilis niyang sinagot.
“Aya I need your help,” bungad ko agad.
She answered what it is. Alam kong hindi ako hihindian ni Aya.
“Could you find Lia Yssabelle Herrera?” ang saad ko. “Please don’t ask, just help me know if she,” naputol ang tawag ko. Ibinaba ni Aya ang phone niya. Ilang minuto lang ay nakatanggap ako ng text message galing kay Aya.
“Your Mom told me not to do any favor for you, I am sorry.”
This made me angry. My mom would do anything to bring me back to her. Kung kailan na nakita ko na ulit ang mundo na gusto kong galawan ay doon naman niya sinisira ang lahat. Now the woman I entrust everything have left me. Where could I find you Lia?
NAKAUPO AKO SA ISANG HIGH BAR COUNTER. Maingay ang paligid may iilang babae na ang tumabi sa akin kanina. Lahat sila nagpaparamdam pero hindi ko pinapansin. May bumili pa ng drinks para sa akin, but I refused.
“Tama na ‘yan,” ang sabi ng tinig ni Lucas. He sat beside me.
“Where is she?” tanong ko. Tumikhim naman si Lucas.
“Looking for Lia?” bumaling ang tingin niya sa akin. “She played so well that made you think of her,” wika niya sabay lagok ng shot glass na hawak.
Ako naman ay nakayuko na hindi mahanap sa sarili kung ano ang nararapat na gawin. I am thinking if I should hire somebody to help me find her.
“Bro maraming babae sa paligid,” sigurong pagbigkas niya. Tila nais niyang buksan ko ang mga mata ko dahil marami nga ang mga babae ngayon. “Why would you think of Lia? Walang tumatagal sa kapatid ko. Lahat ng gusto nakukuha, pero madalas pinagsasawaan. Besides ayaw ni Martha sa kaniya. Would you like to see her suffer?”
Tama si Lucas. Hindi nga gusto ng mommy si Lia. Pero hindi ko naman hahayaan na abusuhin lang siya ng mommy. I owe her a lot. Aminin ko man sa hindi ay unti-unting nahulog nga ang loob ko sa kaniya. She might be difficult to deal with, but I am sure that she makes me feel secured. Matalino si Lia at hindi madaling makumbinse. The days without her, seems so different. Ngayon ko lang lalo napagtanto sa aking sarili. I am the reason why she wouldn’t show up. I have a lot to say, at gusto kong linawin ang naabutan niya sa kwarto ko. Kung ano ang nasa isip niya. I can’t let her think about me and Lucas. Alam ko na mali ang ilihim ko. Pero alang-alang na lang sa tiwala niya, ayoko masira kami dahil lang sa kapatid ko ang kapatid niya.
“Lia is different, Luke,” pagtatanggol ko pa.
“Let’s go home. Mas gusto ko sa place mo,” saad nito sabay kuha ng glass sa kamay ko.
“Maya na,” sabi ko pa. Hanggang sa hinila na lang ako ni Lucas palabas sa bar. Umakbay ito sa akin at tinungo na namin ang labasan. Bago pa man kami nakarating sa sasakyan ay may kinuha ito sa bulsa niya.
“Let me take a photo of us,” saad nito. Hinawi ko pa ang kamay niyang may hawak na phone.
“I want you to see yourself when your not drunk anymore. Para kang umibig sa unang pagkakataon at ayan halos hindi kita kayang alalayan.”
“I am not drunk. I just can’t find my drive to go on,” sabi ko. “Do you know? Lia came to my place and she saw us in my bed.”
Humalakhak lang si Lucas. “Then what?”
“Is that all? Tatawa ka? Bakit kaya ayaw niya magpakita?” tanong ko.
“Bro she thinks were gay,” sabi nito. Tinanggal ko ang braso ni Lucas sa balikat ko at ako na mismo ang nagbukas ng pinto ng sasakyan.
LIA
THREE YEARS AFTER
Hindi ko akalain na tatagal ako sa Europe ng tatlong taon. Ilang buwan sa Scotland. My life there was truly a mess. Namuhay mag-isa at nanilbihan sa nursing home. Nakakatawa lang dahil ang mga bagay na hindi ko magawa ay nagawa ko doon. My granny called me at nagalit dahil nalaman niya ang pinaggagawa ko. Ayon at pinauwi ako sa kaniya. Maybe talagang sinadya ni mom na sa Scotland ako papuntahin. She wanted me to learn my lesson dahil sa dami ng panahon na hindi ko sineryoso ang buhay ko. Now I understand na mahirap maghanap ng pera lalo na kung wala kang alam sa buhay. My dad’s mom loves me so much. Sa kaniya ako nagkaisip at ipinagpapasalamat ko na may lola akong gaya niya. She owns a restaurant in Spain kaya doon ako nagsilbing assistant niya. Alam kong kahibangan ang ginagawa ko. Pero doon ako natuto ng maraming bagay. Napagtanto ko na kailangan ko balikan ang iniwan kong negosyo kasama si Ree. Pero hindi ko pa rin lubos matanggap na ipinagpalit ako nito sa kapatid kong bakla. Until now that memory keeps coming back.
“Has comido, Lia?” basag ng lola ko. Nasa kama ako at tinitingnan ang bagahe ko.
“Do you think its time?” tanong ko dito.
“It’s been years. You should go and deal with everyone, dear.”
“But I fear that I might lose again. I always lose my chances,” saad ko sa nanghihinang himig.
“You lose?” ulit niya. Naupo ito sa tabi ko kahit na paika-ika na siya sa paghakbang. She wrapped her arms around me.
“A Herrera never loses the battle.” Marahan niyang bigkas. “You might fail once or twice or more, but I believe you will conquer it all. I raised you to be a strong woman. Look at you now,” sabi niya.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Tama nga naman siya. Malaki na ang nabago sa akin. Ang dating nakasanayan kong maiiksi na kasuotan ay napalitan ng simple na lang.
“Could you dress well? I want your Dad to see you a real grown up lady,” sabi pa niya.
Natawa na lang ako.
“You need to go back to where your home is. Your Dad misses you, dear.”
Inihatid niya ako sa airport. Nalulungkot siya alam ko. Pero tama ang lola ko. Kung hindi ko babalikan ang iniwan ko ay walang mangyayari sa hinaharap ko. Kusa kong tinalikuran kaya ngayon walang nasagot sa mga tanong ko. What made me hate Lucas? Lalo lang niya pinamukha na may kakayahan siyang sirain ang buhay ko. But this time I will prove him wrong. Patutunayan kong kaya kong tumayo sa sarili kong paa. At sa pagkakataong ito ay sisiguruhin kong hindi na ako ang Lia na niloko nila.