GIGIL NA GIGIL AKONG TUMUNGO SA CONDO UNIT NI TIM.
I looked for him in his unit but he’s not there. Gusto kong basagin ang pagmumukha niya for cancelling my flight and forbidding me to get another flight. Pero walang sign na naroroon siya sa loob ng unit niya for I have been calling him, pero wala. Bumaba ako sa parking ground and looked for his car. Itinanong ko na ito kay Keilah. It’s good to know as early as this na may f*****g buddy siya at ang kakilala ko pa. Akala ko pa naman matinong tao siya? Well, I know he grew up in a western culture, malamang hayop din siya.
Bitbit ang baseball bat na nadaanan ko kaninang nakalapag sa labas ng isang unit ay tinunton ko ang sasakyan niya. I will make him feel wretched now. Kung ano ang pakiramdam na mawalan ng pagkakataon na makapunta sa gusto niyang puntahan.
Mabilis kong nakita ang Lamborghini niyang naka-park doon. Ipinagmamayabang ba niya ang yaman ng pamilya niya? I don’t care kung ano ang meron siya. Nag-aapoy ang loob ko sa kaiisip ng ginawa niya. He’s a monster. How could he decide for me that quick? Hindi ba muna pwede na tanungin muna ako kung para saan ang pag-alis ko?
I lifted the bat in a hundred and eighty degrees at tumama ito sa salamin ng kulay itim niyang Lambo. I smashed his car in anger. I don’t care if this is worth millions of pesos. Sa sobrang paghihimutok ng dibdib ko ay naibuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko sa bintana nito.
Sa unang hampas ko ay tumunog kaagad ang alarm. It’s deafening to my ears, but my heart’s beat is much louder than it is.
“Ma’am..” paulit-ulit kong naririnig mula sa kanilang mga bibig. Hindi ko alam kung sino sila pero nagwawala na ako at hindi ko na alam ang ginagawa ko.
“Ma’am awat na po,” pagmamakaawa ng lalaki.
“Walang aawat sa ‘kin. f**k you, Timothy,” sigaw ko habang patuloy akong naghuhuramentado sa alab ng aking galit na nanunuot sa aking buong katawan.
“Ma’am tama na po ‘yan,” sabing muli ng lalaki na nakahawak na sa kamay kong may hawak na bat. Doon lang ako nahimasmasan nang sunod-sunod na dumaloy ang luha ko mula sa mga mata ko. I dropped the bat and looked at what I have done. I don’t know where to throw my anger dahil wala siya rito.
Napalunok ako ng aking laway at suminghap. Nagbabara na ang butil ng luha sa aking mga mata. I closed my eyes at napailing na lang sa sakit na nararamdaman. I have spent all I have para sa ticket na ‘yon.
Napahagulhol akong nanatiling nakatayo. Then I heard somebody shouted behind me.
“Heck..” his voice was loud enough to catch my attention.
I stepped out of that place na parang wala sa sarili. Nilingon ko ang lalaking sumigaw na napahawak sa ulo niya. Hindi si Tim ang lalaking ito. Time suddenly stopped. Parang umikot ang mundo ko when I saw this man. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Doon pa lang ako nahimasmasan. Did I smashed the wrong car?
Then it felt like mauubusan ko ng hininga. My body now is numb that I could hardly feel an air around. Ipinikit ko ang mga mata ko nang biglang naramdaman ko na parang may tumulak lang sa ‘kin dahil I am losing my balance. Wala akong makapitan na kahit ano. I am losing control over my body. And everything just shut down.
“MISS..” ang tinig na ‘yon ang siyang pumukaw sa akin. Ang sakit-sakit ng ulo ko. Iminulat ko ang aking mga mata at isang putting liwanag ang siyang bumungad sa akin. Mabilis akong kumilos upang bumangon. But a hand touched my arm forbidding me to get up.
“Miss don’t move yet,” utos nito.
Mabilis akong lumingon sa gawi niya. He looks not good. I mean ang timpla ng mood nito. Who is he? He looks a bit familiar to me. Pero hindi ko maalala kung saan ko nakita. Maybe in some place where I used to drink kaya hindi ko siya matandaan kaagad. Bumangon ako matapos na ipiksi ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
“Who the hell are you?” mataray kong tanong. I cant anybody except him and a cat. A black and green eyed cat. It is lying on his feet dahil nakaupo ito sa harap ko mismo.
“Should I ask you first?” mukhang mas galit siya sa akin dahil sat ono ng kaniyang pananalita. He don’t sound like a native na pinoy. Iba ang tono niya.
“Why should you? Where am I? I am not supposed to be here, Mister..” hindi ko alam ang pangalan niya. Sino ba siya?
“You smashed my car couple of times,” he grinded his teeth I guess. Dahil kita ko ang paggalaw ng panga nito.
Did I heard him say that? Umiling ako sa harap niya. Tumayo ako at naghanap ng pinto. I need to go. Hindi ko kilala ang taong ito. Who is he? Why am I here? Kaniya ba ang malaking unit na ito? Bahay ba niya ito? O baka naman utusan ni Tim ang lalaking ito at inutusan niyang kunin aako at itago.
“I want to go home,” sabi ko pa.
“That quick?” saad niya. Tumayo ito mula sa kinalalagyan niya.
“Pilipino ka ba? Magsalita ka para alam ko kung sa anong lengwahe ko ipaliliwanag sa mukha mo na kailangan ko na umuwi,” Singhal ko rito.
“Now you’re shouting,” bintang niya.
“I am not. I am asking you if you can speak Filipino,” saad ko pa. Matangkad siya, and he is beared. Mukhang ilang buwan nang hindi nag-aahit ang lalaking ito. His hair is long enough para maging buhok ng lalaki.
“I understand your language, but what you did to my car, that is the thing that I do not understand,” saad niya.
“Your car? I smashed your car?” tanong ko rito na para bang naging mabagal ang takbo ng mundo ko. Kung sa kaniya ‘yon? Nasaan ang kay Tim? Bakit sila magkapareho? I cant be wrong. Kay Tim ‘yon eh. That was the car he used when he went to our house.
“Yes! That was my f*****g car you f*****g smashed,” gigil niyang Singhal sa akin.
“Kay Timothy ‘yon. Huwag kang nang-aagaw,” sabi ko pa dahil sigurado ako.
He shook his head at napahilamos na lang saka humawak sa baywang niya.
“Miss tell me who you are and why do you know Tim?”
Halos lumukso ang dibdib ko sa sinabi nito. So kakilala niya si Tim? Ganoon ba? Kaya ba gamit ni Tim ang sasakyan na ‘yon? Naghihiraman ba sila?
“Bakit mo kilala si Tim? Are you his boyfriend?” tanong ko dito.
“Bullshit! Why would I have a relationship with a guy? Do I look like a gay?”
Galit na galit siya lalo. I said the wrong words. Pumikit ako dahil sa hiya.
But the next thing that happened was out of my control. He grabbed my waist pulled me closer to him. He smooched my lips without my permission. Time wont go runnin that moment he touched my lips. Hindi makalabas ang hangin mula sa dibdib ko. I wanted to scream dahil iniisip kong pinagsasamantalahan na ako ng lalaking ito. But I remember I could use my feet or my leg to get rid of his grip.
Ibinagsak ko ang paa ko sa kaniyang paa, then binitawan niya ako.
Hindi ko inawat ang palad kong dumampi sa pisngi niya. Ni hindi man lang gumalaw ng ulo niya? Bato ba ang lalaking ito? Malakas na ang pagsampal ko pero hindi gumalaw ang ulo niya.
“Who the hell are you? How dare you do that? I will sue you.,” dinuro ko siya.
“Or will I do that to you?” ang sagot naman niya. “You smashed my car for no reason, then you will tell me you will sue me?”
“I wont believe you, Kay Tim ang sasakyan na ‘yon.”
“I am Ree Nino Roshchild. That Lambo is mine,” mariin niyang sabi.
Napaawang ang labi ko at unti-unting nag-asim ang mukha ko sa narinig ko sa kaniya.
What have I done?
Ilang sandali ang lumipas na walang salitang lumabas sa bibig ko. Nasa loob ako ng unit nito, I think. I smashed his car, he even kissed me at walang makaririnig sa akin kung sisigaw ako. Baka lalo akong mapahamak sa ginagawa ko. Mananahimik ako habang wala siyang sinasabi. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa takot. What if Dad will learn about this? Paano na?
“You have to pay me with the damages you caused me,” basag niya sa katahimikan.
Nagtaas ako ng tingin sa kaniya at kita kong seryoso siya sa sinabi niya. Anong ibabayad ko rito? I am sure I will be grounded from spending. Mawawalan na naman ako ng pera dahil dito. How am I gonna pay this man kung maniningil ito ng malaki?
“Wala akong pera,” inunahan ko na siya. Maglalayas nga ako but that don’t mean I have lots of money to take with me. I only used my emergency fund para sa ticket na ‘yon. I bought a two-way ticket dahil six months lang ako sa Spain. I spent all that I have. Then Tim ruined it all.
“You don’t have the money to pay me?”
Umiling ako at yumuko.