STEFFEN'S POV Kinikilig ako. Kahit pangit ang pangalang binigay sa aking ng tarantado kong kaibigan ay masaya parin ako lalo na kapag naririnig kong tinatawag ako ng mahal ko na Kulas. "Kulas talaga ang pangalan mo?",tanong nito. Gusto kong matawa pero ang hirap magpigil. Minumura ko si Artheus sa isipan ko. Tumango ko. Sa pagtitig ko sa mata nito ay kitang-kita ko na may nakakaagaw ng pansin nito. Ang babae dun sa kabilang mesa. Kanina nang magpunta ako sa banyo ay may nakasalubong akong babae. Nagkabungguan kami kaya akala ko ay nahulog lang nito ang kanyang puting panyo,ngunit nang pulutin ko ito at ibigay sa kanya ay napansin ko agad ang nakasulat na "tulong". "Miss,panyo mo nahulog." Iniabot ko ang panyong napulot ko sa kanya ngunit hindi nya ito kinuha,bagkus ay tinitigan nya

