HERA'S POV Ang lakas din ng trip ng lalaking ito. Hindi ko alam kung nananadya ito at gumaganti dahil sa ginawa ko sa kanya kagabi. Pero hindi dapat malaman ito ng mga katrabaho ko. Hinawakan ko ang kanyang kamay saka hinila palabas ng opisina ngunit sa kasamaang palad ay sakto namang makakasalubong namin si Chief. "Oh,magkakilala na pala kayo ng assistant mo.",saad nito sabay tingin sa kamay kong nakahawak sa kamay ng lalaki. Agad kong ibinaba ang aking kamay at binitiwan ang pagkakahawak sa kanya. "Anong assistant Chief?" "Siya,siya ang assistant mong binigay ng CEO. Akala ko ay alam mo na kaya mo sya pinapasama sayo sa labas. Sya ang sinasabi kong magiging assistant mo. What's your name again?",bumaling ito sa lalaki. Sumagot naman ito kaya napatingin ako sa kanya. " Kulas po,

