Napakunot ang noo niya ng mapagtanto na hindi pabalik sa mansyon ng mga Montecillo ang binabagtas nila. "Mr. Montecillo, saan ba tayo pupunta? Hindi ito ang daan pauwi," nilingon niya ito, nakasalubong pa rin ang mga kilay nito at nakalapat ang mga labi. Tila mariin din ang pagkakahawak nito sa manibela dahil bahagyang namumuti ang mga kamao nito habang nagmamaniobra. Lumingon siya muli sa daan ng hindi makatanggap ng tugon mula rito. Para siyang invisible sa paningin nito. Pumasok sila sa tila isang eksklusibong subdibisyon. Ang gagara ng mga bahay na tila mga palasyo ang disenyo. Marahas niyang muling nilingon ang lalaki. Kung kanina ay pagtataka lang ang mababakas sa mukha niya, ngayon may kahalo ng pagkainis dahil sa hindi nito pag-imik. "Mr. Ford Damien Montecillo! 'Pag hind

